Isa sa mga bantog na pintor at naging kasama rin ni Rizal ay si Juna Luna. Ipinanganak noong ika – 23 ng Oktubre taong 1857. Anak nina Joaquin Luna at Laureana Novicio.
Si Juan Luna ay nag-aral sa Ateneo de Manila at sa Academia de Dibujo y Pintura sa Maynila. Gusto niyang maglakbay sa dagat at nakamit niya ang katibayan sa pagiging piloto o mandaragat noong 1875 sa gulang na labimpitong taon.
Hindi naglaon ay naging iba naman ang hilig niya at ito ay ang pagpipinta. Nagkaroon siya ng pag-aaral sa pagpipinta noong siya’y bata pa, at dahil na rin sa kagustuhan niyang maging isang magaling na pintor ay pumunta siya sa Espanya.
Doon ay nag-aral siya sa “ Escuela de Bellas Artes” sa Madrid. At ang kanyang guro na si Alejo Vera ang nakasama niya sa paglalakbay sa iba’t-ibang bansa tulad ng Roma, Italy at Paris.
Noong 1881 ay nagkamit ng mahalagang medalyang ginto ang kanyang iginuhit na “ Ang Kamatayan ni Cleopatra” at noong taong 1884 ay pinapurihan siya sa kanyang ginawang “Spolarium”.
Nagbalik siya sa Pilipinas noong 1894, ngunit noong 1896 ay hinuli siya at ang kapatid niyang si Heneral Antonio Luna. Ibinilanggo sila ng mga Kastila sa Fort Santiago sa hinalang kasapi sila sa mga Katipunero.
Taong 1897, si Juan Luna ay pinalaya at agad na nagbalik sa Espanya upang lakarin ang paglaya ng kanyang kapatid na si Antonio. Dito niya nakasama sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar , Lopez – Jaena at Mariano Ponce.
Inabot siya ng karamdaman sa kanyang paglalakbay na kumitil ng kanyang buhay noong ika –7 ng Disyembre taong 1899.

No comments:
Post a Comment