Tuesday, April 28, 2009

ALAMAT NG JANAGDONG

ALAMAT NG JANAGDONG

Noong unang panahon ay may mag-asawang nakatira sa isang lugar na walang pangalan. Ang pangalan ng lalaki ay si Mang Juan at ang kanyang asawa ay si Aling Hana. Masaya at nagmamahalan ang mag-asawa. Lalo pang nasiyahan ang mag-asawa ng malaman nilang nagdadalang tao si Aling Hana. Wala na mapagsidlan ng tuwa si Mang Juan. Sinasabi niya sa kanyang mahal na asawa na kung lalaki ang magiging anak nila ay Dong ang gusto niyang maging pangalan nito. Minsan ay nagpaalam si Mang Juan sa kanyang aswa upang sumaglit sa kabayanan dahil sa may mahalaga siyang pupuntahan. Naiwan na nag-iisa si Aling Hana, habang siya ay namamahinga ay may kumatok sa kanilang tahanan at sinasabing makikiinom lamang ito. Nguni’t ang buksan niya ang pinto ay hinawakan siya ng ilan sa mga kawal at sinasabing kailangang sumama siya dito. Nang umuwi si Mang Juan ay wala ang kanyang mag-ina. Malungkot na malungkot si Mang Juan. Halos hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang asawa, at mula noon ay wala na siyang kibo lalo pa’t hindi ito matagpuan. Isang araw ay nagtaka si Mang Juan sapagkat napakaraming tao ang papalapit sa kanyang bahay at tila may dala-dala na tumambad sa kanyang harap ang bangkay ng kanyang asawa. Ipinalibing niya ito. Nang tumagal ay may napansin si Mang Juan sa kanyang pinaglibingan sa asawa. Napansin niyang may punong tumutubo sa puntod nito. Noon lamang siya nakakita ng ganoong puno, kaya naniniwala siyang iyon ay ang kanyang mag-iina. Hinukay niya ang puno at dinala sa kanyang bahay itinanim niya ito sa kanyang bakuran. Bilang ala-ala sa kanyang mag-ina ay tinawag niya itong Hana at si Dong. Dumami nang dumami ang puno na ito sa bakuran ni Mang Juan at napansin iyon ng mga tao at naisip na ang tumagal at naging Janagdong / Hanagdong.

No comments:

Post a Comment