Rajah Soliman/Rajah Sulayman
Si Rajah Sulayman (b. 1540 - d. 1588), kilala din sa pangalang Soliman, ay isang Muslim na datu ng Maynila. Siya ay namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.
Pamumuno
Ang kanyang sinasakupan ay sa kahabaan ng Ilog Pasig. Siya ang nagtakda ng buwis sa mga mangangalakal na Intsik na nagnanais dumaong sa tabi ng ilog. Magiliw niyang pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo nang dumaong sila sa kanilang lugar noong 1570. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa bilang regalo. Ngunit nang lumaon, sinimulang abusuhin siya ng mga Kastila at nalaman niya ang pakay ng mga ito na sakupin ang kanyang lungsod. Namuno siya ng isang panghihimagsik laban sa mga Kastila noong ika-5 ng Hunyo 1570. Dahil sa mas malakas ang pwersa ng mga dayuhan, natalo ang grupo nila Sulayman.
Pagkatapos ng isang taon, pumunta si Miguel Lopez de Legaspi sa Maynila upang tapusin ang sigalot laban sa mga Muslim. Si Legaspi, sa tulong ni Rajah Lakandula, ay nakipagkasundo kay Rajah Sulayman.
Sanggunian
* Quirino, Carlos. Who's Who in Philippine History. Manila: Tahanan Books, 1995.
* Rajah Sulayman sa Nation Master.com. (16 Enero 2009)
* Biography Research Guide: Rajah Sulayman (16 Enero 2009).
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Rajah_Sulayman
http://www.globalpinoy.com/ch/ch_category.php?category=heroes&name=Rajah%20Soliman&table=ch_heroes&startpage=1&endpage=15

No comments:
Post a Comment