Showing posts with label andres bonifacio. Show all posts
Showing posts with label andres bonifacio. Show all posts

Friday, April 24, 2009

ANDRES BONIFACIO


Talambuhay ni Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay isa sa mga bayani ng Pilipinas noong panahon ng himagsikan. Simulan natin ang talambuhay ni Andres Bonifacio sa kanyang kapanganakan.

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Santiago Bonifacio at Gng. Catalia De Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmena sa Melsic ngunit ito ay di nagtagal at sya ay nahinto sa pag-aaral. Hindi ito naging hadlang upang siya ay matuto ng Kastila sapagkat si Andres Bonifacio ay marunong nang bumasa at sumulat bago pa man siya huminto sa pag-aaral.

Higit pa rito ay mahilig din siyang magbasa at magsulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung tungkol sa digmaan at himagsikan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik kung kaya’t ninais niya na maging malaya ang Pilipinas laban sa mga mananakop. Ito ang nagbigay daan at naitatag niya ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan. Dahil dito si Andres Bonifacio ay kinilala bilang Ama ng Himagsikan. Kasama niya sa kilusan si Emilio Jacinto na kinilala naman bilang Utak ng Katipunan. Ang kanilang samahan ay may iisang layunin at ito ang naging dahilan ng kanilang tagumpay.

Ngunit di nagtagal ang kanilang tagumpay dahil si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay dnakip, naharap sa paglilitis at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Sila ay binaril noong May 10, 1897 sa Bundok Buntis.

Thursday, April 23, 2009

ANDRES BONIFACIO

SINO SI ANDRES BONIFACIO

Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap.

Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio.

Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.

Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.

Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahay-kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan (agente) ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing (puno ng pili), yantok, at iba pa.

Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilà. Ang sahod niya ay mga 12 piso lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na inilako ng kanyang mga kapatid.

Bukod sa kanyang hanap-buhay, si Bonifacio ay mahilig magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayo (tela, cloth) na ipinagbibili rito sa atin.

Siya ay mahilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-himalingang basahin ay ang mga aklat na nakapagturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya (French revolution), “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables” ni Victor Hugo, “El Judio Errante,” ang Biblia, ang mga aklat ni Jose Rizal at ibá pa. Siya ay tutuong mahilig sa pagbasa. May mga gabing halos hindi nakakatulog sa pagbabasá.

Siya ay nagka-asawa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó ay pinalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus), tagá-Caloocan na ang sagisag ay “Lakambini.” Sila ay nagkaroon ng isáng anák na namatay (sa bulutong).

May mga sulat na naiwan si Bonifacio. Mga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog,” “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan,” (tula) at iba pa. Nguni’t ang lalong pinaka-mahalaga, bukod sa tuntunin at mga aral ng Katipunan at ang “Katungkulan ng mga Anák ng Bayan” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isina-Tagalog sa gitna ng pagdagundong ng paghimagsik, na siyang inawit ng ating mga kawal nang sila ay nakipaglaban sa Castilà.

Dinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya ay ipinalalagay na dakilang bayani, kapiling ni Rizal, sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pag-usig ng kanilang ikalalaya. Ang sagisag niyá ay “May-pagasa” na “nangyari” bago siyá mamatay.

http://www.elaput.org/bnfcio04.htm#sino

ANDRES BONIFACIO

ANDRES BONIFACIO
ANG DAKILANG SUPREMO NG KATIPUNAN



Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo noong Nobyembre 30, 1863. ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre at naging tenyente mayor ng Tondo. Ang kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang mistesang Espanyol na nagtrabaho bilang kabesilya o superbisora sa isang pabrika ng sigarilyo. Panganay si Bonifacio sa anim na magkakapatid na sina Siriaco, Procopio,Tadio, Espiridiona, at Maxima. Labing apat na taon pa lamang si Bonifacio nang mamatay ang kanyang mga magulang. Bilang panganay, siya ang bumalikat sa tungkuling buhayin ang mga kapatid. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Gumawa ng mga bastong kawayan at pamaypay na papel para itinda.

Di naagtagal nagtrabaho siya bilang mensahero sa isang kumpanya ng dayuhang Fleming and Company. Dahil sa kanyang kasipagan at katapatan sa trabaho ginawa siyang ahente ng mga produkto ng kompanya. Pero hindi nagkasya ang kanyang kita rito kaya lumipat siya sa isang kompanyang Aleman, ang FRESSEI and Company, bilang bodegero.

Sa kanyang libreng oras, patuloy na gumagawa ng mga baston at pamaypay si Bonifacio. Kahit noong lider na siya ng katipunan hindi siya tumitigil sa gawaing ito.

Kahit hindi nakatapos sa mataas na paaralan si Andres Bonifacio, siya ay palaaral. Pinagsikapan niyang matutunan ang wikang Espanyol. Palabasa rin siya ng mga aklat. Sa katunayan, nang halughugin ng mga guwardya sibil ang kanyang bahay matapos matuklasan ang katipunan, nakakuha siya ng mga kopya ng mapanghimagsik na mga talumpati, dokomento ng Masonerya, koleksiyon ng La Solidaridad at mga liham ni Luna ay Rizal. Kabilang naman sa mga librong nakuha ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal.

Mahilig din si Bonifacio sa pakikilahok sa dulaan. Nagkaroon siya ng karanasan sa organisasyon at nahasa ang kanyang memorya at pananalita ng Tagalog. Lumabas siya sa Moro-moro, ang pinakasikat na dula noon. Ang Moro-moro ay madalas na ipinalalabas kung may pista. Ipinakikita sa dulang ito ang katapangan at kabayanihan ng mga Kritiano laban sa mga Muslim. Ginamit ng mga Espanyol ang Moro-moro para palaganapin ang Kristianismo.

Isa ring manunulat si Bonifacio. Siya ang sumulat ng “Pikalogo ng Katipunan” at ng sanaysay na ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Sinulat din niya ang “Katapusang Hibik ng Pilipinas”, isang tulang nalalarawan ng kaapihan at napipintong pagbabngon ng mag Pilipino.