GEORGE CANSECO
Si George Masangkay Canseco ay ipinanganak noong Abril 23, 1934. Sa kabuaan ay meron na siyang naitalang mahigit sa 300 mga kanta at naging malaking bahagi sa kasikatan nina Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Basil Valdez, at marami pang iba. Hindi man nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa musika, tinuruan ang sariling tugtugin ang piano at natutunan ang magsulat at maglapat ng himig sa mga kanta maaga pa lamang ng kanyang kabataaan. Si Canseco ang kompositor na kinilalang propesyon ang pagsulat ng mga kanta. Nabaling ang kanyang panahon sa paglikha ng musika mula sa pagiging isang peryodista sa panahon na ipinagkakakit ang malayang pamamahayag noong Batas Militar. Siya rin ay direktor at naglalapat ng himig sa mga palabas.Ang likha niyang musika na "Ako ay Pilipino" (o I am a Filipino) ay ipinagawa sa kanya ng dating unang ginang na si Imelda Marcos bilang pagpupugay sa bansa. Ang kanyang hindi mapapantayang talento at kontribusyon ay natapos sa kanyang pagpanaw noong Nobyembre 19, 2004 sa sakit na cancer.
Edukasyon
• Peryodismo, University of the East
Karera
• Peryodista, Philippines Herald Association at Associated Press
• Kompositor sa:
1. Home Alone da Ribber (2002)
2. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig (1998)
3. Babangon ako't dudurugin kita (1989)
4. Paano tatakasan ang bukas (1988)
5. Saan nagtatago ang pag-ibig? (1987)
6. Magdusa ka! (1986)
7. Bomba Arienda (1985)
8. Paradise Inn (1985)
9. Pieta, ikalawang aklat (1984)
10. Sa hirap at ginhawa (1984)
11. Saan darating ang umaga (1983)
12. Sana, bukas pa ang kahapon (1983)
13. Moral (1982)
14. Gaano kadalas ang minsan (1982)
15. Forgive and Forget (1982)
16. Alyas Palos II (1982)
17. Flor de Liza (1981)
18. High School Scandal (1981)
19. Dear Heart (1981)
20. P.S. I Love You (1981)
21. Brutal (1980)
22. Kung ako'y iiwan mo (1980)
23. Langis at tubig (1980)
24. Miss X (1980)
25. Nakaw na pag-ibig (1980)
26. Aliw (1979)
27. Katawang alabok (1978)
28. Kid kaliwete (1978)
29. Batu-Bato sa langit (1978)
30. Pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak (1978)
31. Mananayaw (1978)
32. Burlesk Queen (1977)
33. Hinog sa pilit (1976) o The Adult Kid sa Ingles na titulo (Philippines: English title)
34. Mrs. Eva Fonda, 16 (1976)
35. Wanted... Ded or alayb (Agad-agad) (1976)
36. Niño Valiente (1975)
• Direktor ng Musikal ng:
1. Ngayon at kailanman (1992)
2. Ang Babaeng nawawala sa sarili (1989)
3. Isla (1985)
4. Minsan pa nating hagkan ang nakaraan (1984)
5. Friends in Love (1983)
6. Cross My Heart (1982)
7. Sinasamba kita (1982)
8. P.S. I Love You (1981)
• Komposisiyon ay naging bahagi sa sawndtrak ng:
1. Sinasamba kita (2007) palabas (musika: "Sinasamba Kita")
2. SineSerye (2007), Palimos ng pag-ibig / palabas ("Hiram")
3. D' Anothers (2005) (musika: "Rain")
4. Hiram (2003) ("Hiram")
5. Paano ang ngayon kung wala ang kahapon (1995) ("Paano ang ngayon kung wala ang kahapon")
6. Hihintayin kita sa langit (1991) (musika: "Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan)
7. Magdusa ka! (1986) (musika: "Tadhana")
8. Palimos ng pag-ibig (1985) ("Hiram")
9. Sa hirap at ginhawa (1984) (musika: "Sa Hirap At Ginhawa")
10. Minsan pa nating hagkan ang nakaraan (1984)
11. Don't Cry for Me, Papa (1983)
12. Flor de Liza (1981) (musika: "Flor de Liza")
13. P.S. I Love You (1981) (musika: "P.S. I Love You")
14. Langis at tubig (1980) (tagasulat: "Tubig at langis")
15. Aliw (1979) (musika: "Aliw")
Karangalan
• FAP Award (1989, Best Musical Score at Best Original Song - Paano Tatakasan ang Bukas / Misis Mo, Misis ko)
• FAMAS Award (1979, Pinakamahusay na Musika - Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak)
• Gawad Urian Award (1986, Nominado para sa Pinakamahusay na Musika - Paradise Inn)
• FAP Award (1983, Pinakamahusay na Orihinal na Musika - Sinasamba Kita)
• FAMAS Award (1979, Nominado para sa Pinakamahusay na Musika - Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak)
• Gawad Urian Award (1979, Nominado para sa Pinakamahusay na Musika - Paradise Inn)
• Gawad Urian Award (1978, Nominado para sa Pinakamahusay na Musika - Burlesk Queen)
Noong Nobyembre 19, 2004 si Canseco ay nagkaroon ng komplikasyon sa sakit na cancer sa atay at dyabetis at tuluyan nang binawian ng buhay sa gulang na 70. Bilang pagpupugay sa kanyang angking kahusayan sa paggawa ng awit at naging kontribusyon sa industriya ng musika, ang Viva Records ay nagpalabas ng isang koleksyon ng mga awiting nilikha niya at pinamagatang "Paano Kita Mapasasalamatan." Kabilang sa mga umawit ng kaniyang sikat na komposisyon sa koleksyong ito ay mga beteranong sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Rico J. Puno, Kuh Ledesma, Pops Fernandez,at Basil Valdez kasama na ang umuusbong at kinilalang mang-aawit ngayon na sina Mark Bautista, Rachelle Ann Go, at Sarah Geronimo.
“ Paano kita mapasasalamatan
Sa puso mong sa ’kin ibinigay
Ngayon lamang ako nagmahal nang tunay
Sa tanang aking buhay
Sapat na ba na ako ay mangako
Mananatili ka dito sa ’king puso
Paano kita mapasasalamatan
Sapat na bang mahalin lang kita
Magpakailanpaman... ”
Ang mga awitin nakapaloob sa koleksyon ay ang mga sumusunod:
• Ikaw
• Dito Ba?
• Buksan
• Hindi Ko Sinadya
• My Only Love
• Saan Darating ang Umaga
• Sana
• Magkasuyo Buong Gabi
• Salamin ng Buhay
• Kapantay ay Langit
• Ngayon at Kailanman
• Hiram
• Paano Kita Mapasasalamatan
• Ngayon
• Langis at Tubig
• Friends
• Imortal
• Rain
• Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan
• Paano
• Gaano Kadalas ang Minsan
• Kahapon Lamang
• Ama
Panlabas na Kawing
A Tribute to George Canseco.htm
Paano Kita Mapapasalamatan
George Canseco
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=George_Canseco
No comments:
Post a Comment