Wednesday, May 13, 2009

Hiram Na Buhay

Hiram Na Buhay

ni Jovielyn Villarias

Ang buhay ay biyaya ng Diyos. Puno ng pagsubok na kakaharapin. Ika nga nila, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang makukulay na kwento ng buhay, masalimoot man o masaya. Tulad nalang sa kwento ng buhay sa isang pamilya sa liblib na pook ng Digkilaan.

May mag-asawang Claudio at Nolasca, silay masayang namumuhay kasama ang dalawa nilang anak. Ang panganay nila ay pinangalanang Jovielyn. Hindi sila nagkulang sa pagbibigay ng pangunahing pangangailangan sa kanilang mga anak. Limang mabilis na taon ang lumipas nang magsimula ng mag-aral si Jovielyn sa elementarya. Anim na taon niyang ginugugol sa pag-aaral sa elementarya at sa kanyang pagtatapos, napansin niyang karamihan sa kanyang mga kaklase ay magara ang damit samantalang sa kanya ay hindi. Nang sinabi niya ito sa kanyang ina:

“ma, magaganda ang damit ng mga kaklase ko ano?”

“alam mo anak masama ang mainggit, pero bayaan mo anak pag nagkapera tayo

Ibibili kita ng bagong damit. Pero sa ngayon pagtiisan mo muna iyang damit mo.

“Opo.” ang tanging nasagot ni Jovielyn.

Nang nag-aral na siya sa sekondarya. Hindi parin natatapos ang gawain nila ng kapatid niya tuwing lingo. Ang magbinta ng native food gaya ng: puto, suman, bibingka, sa karatig pook minsan pingtatawanan pa sila sa mga taong walang ibang magawa sa buhay kundi ang mang-asar. Hindi nila iyon pinansin ang mahalaga sa kanila ay maibinta ang lahat ng paninda. Kung may ilang matira ay kinakain na nila ito, dahil hindi naman magagalit ang ina’y nila.

Doon sa paaralan nila minsan napag-usapan nila ng mga kaklase ni Jovielyn kung bakit wala pa siyang boyfriend.

“ah, jov, bakit ayaw mo pang magka boyfriend?” tanong ng kaklase niya.

“eh kasi takot akong masaktan at baka maging sagabal pa sila sa aking mga pangarap..char!!”

“eh mas maganda kung may BF ka para magkaroon ka ng inspiration sa iyong pag-aaral!”

“inspiration? Ah basta tama na sa akin na magulang ko ang inspiration ko.. kaya lagi kong dasal na habaan pa ang buhay ng aking mga magulang dahil sa kanila ako kumukuha ng lakas!!!” ang mahaba niyang paliwanag.

Sa patuloy na pagtakbo ng araw nang papalapipit na ang buwan ng pagtatapos ay napaka excited ni Jovielyn. Isang napaka ispesyal na araw para sa kanya ang kanyang pagtatapos. Masayang nag e-iskort sa kanya ang kanyang mga magulang. Nagpapasalamat si Jovielyn sa kanyang mga magulang sa walang humpay nitong suporta sa kanyang pag-aaral, andiyan palagi sa tabi niya tuwing nangangailangan siya ng payo.

Pagsapit ng May 3, 2004. Sinamahan si Jovielyn sa ina’y niya sa Manticao kasi mag te-take siya ng entrance exam sa “BOSCO” o Bukidnon State College. Nakapasa siya doon kaya lang huli na siyang nainform sa pinsan niya na pumasa siya. Kaya nakapag-enroll na siya sa MSU-IIT sa Gen.Ed.

Taong 2006-2007 nag shift siya ng AB FILIPINO. Sabi ng pinsan niya noong nag-take siya ng entrance exam sa BOSCO na seguraduhin lang daw ni Jovielyn na papasa siya dahil AB COURSE ang makukuha niya kapag hindi siya pumasa. Dahil pinagtatawanan daw doon ang AB kasi ahente raw ng baboy. Samantalang sa iit AB FIL. Ang kurso niya, ngunit subukin kaya nilang pumasok ng AB sa iit tingnan lang natin kung hindi sila mag-nose bleed.

Hindi mawawala ang pagsubok sa buhay ng tao. Kaya sa taong 2007 Abril 10. pag-uwi ni Jovielyn sa kanilang bahay pagkatapos niyang makapag-enroll ng summer class. Sa ganap na 7:30 ng gabi dinala nila ang ama niya sa Gregorio T. Lluch Memorial Hospital dahil hinimatay ito at nawalan ng lakas. Dito napasabak si Jovielyn dahil sa lahat ng pinaka ayaw niyang puntahan ay ang hospital. Umabot ng isang lingo doon ang kanyang ama.

Hindi siya makapag-concentrate sa pag-aaral kasi alalang-alala siya sa kalagayan ng kanyang ama. Hindi na maipagtataka dahil malapit siya nito. Kahit napupuyat Jovielyn, kinabukasan ay papasok parin siya. Naging rota niya ay hospital-boarding house-paaralan at vice-versa. Nang minsan pagkatapos ng klase nila kay Prof. Melba Ijan, pumunta sila ng kaklase niya sa room 210 upang doo’y matulog. Nang biglang nagtext sa kanya ang pinsan niya at sinabing:

“Gang, wag kang papasok ngayong hapon, kailangan mong maghanap ng pera para pang-ultrasound ng papa mo.. kailangan mong manghiram ng pera sa kakilala mo.. 550 pesos ang kakailanganin..”

Tumulo ang luha niya. (,_;)

“Saan ako manghiram? At may magpapahiram din naman kaya sa akin?” ngunit sa kabila ng alinlangang iyon sinubukan parin niyang puntahan ang mga kakilala niya. Una niyang pinuntahan ang amo niya noong nagtatrabaho pa siya bilang tindera sa isang maliit na tindahan. Pinahiram siya doon ng 500 daan. Kaso kulang parin pumunta nanaman siya sa kaibigan niya na si Mae-ann:

“Mhae, may itatanong sana ako.”

“oh ano iyon?”

“kulang kasi ang perang pang-ultrasound ng papa ko, hihiram sana ako ng 50..”

“ahm, may kaunti pa akong natirang pera diyan bibigyan kita.. ‘wag munang bayaran bilang tulong ko na rin iyan alam ko naman na nagigipit kayo at kailangang-kailangan ninyo ngayon ng pera..

“Mhae, salamat..”

“Wala ‘yon sino pa naman ang magtutulungan tayo lang rin naman diba?”

“Salamat talaga..”

At pinahiram siya ng 100 nahihiya na sana siyang lumapit dito kasi ang laki na ng naibigay nitong pera at hindi pa pinababayaran sa kanya at kung minsan nga mag-iiwan ito ng sulat na may kasamang pera bilang tulong daw. Kaya agad na naka schedule ang pagpapa-ultrasound ang ama niya. Nagka problema daw ang liver niya kaya para iyang nagdidilaw.. umabot ng isang lingo doon sa hospital sa pamamalagi ang ama niya. Nang makalabas na sila a hospital inakala niyang okey na ang lahat, nagkamali si Jovielyn dahil nagkasakit nanaman ang ama niya isang lingo itong naghihingalo sa bahay nila sa Digkilaan… Ngunit hindi nila ito dinala sa hospital kasi may nakapagsabi na hindi raw maaaring e-admit ang papa niya dahil may lumabas na itim-itim sa kanyang balat at kapag nalapatan daw ito ng gamot nakamamatay daw ito. Kaya hindi na nila ito dinala, sa awa ng Diyos naka survive ang ama niya..

Dalawang linggong masasabi na ni Jovielyn na gumaling na nga ang kanyang ama dahil bumallik na ang gana nito sa pagkain, tapos hindi na siya nagsusuka..ngunit nang sumunod na lingo bigla nanamang humina ang ama niya..buti nalang nawala na ang mga itim-itim sa kanyang balat kaya dinala na nila ito sa hospital.

Nang katapusan na nang pasukan sa summer classes. Sinabi ni Jovielyn sa ina’y niya na hindi muna siya mag-aaral sa darating na pasukan sa first semester dahil alam niyang mas kakailanganin nila ng pera sa ngayon dahil sa sitwasyon nila at iyo’y sinang-ayunan ng kanyang ina. Ngunit nang malaman ito ng kanyang ama hindi ito pumayag. Di porke nagkasakit siya hihinto na raw sa pag-aaral sa Jovielyn. Ayaw ng kanyang ama sa disisyon ni Jovielyn dahil nanghihinayang siya na makahinto ang anak sa pag-aaral.. pero talagang walang-wala na sila Jovielyn. Nahihirapan na nga silang bumili ng gamot sa ama niya at ang laki pa ng utang nila.

“Anak, hindi ka hihinto sa pag-aaral! Magaling na ako eh..wag ka nang mag-alala pa sa akin!”

“Pero pa, babalik naman ako sa pag-aaral ngayong 2nd sem..”

“Ah basta mag-aaral ka ngayong daratimg na June..ako ang bahalang maghanap ng pera!!!”

“Pa, ganito kasi iyan..hindi ako makapagconcentrate sa pag-aaral kapag ganyan ang kalagayan ninyo!!!”

“Huwag mo na nga akong alalahanin pa dahil magaling na ako.”

“Pa, sana maintindihan mo ako.” Ang tanging nasagot ni Jovielyn.

“Oo, sige kung iyon ang disisyon mo anak.” Sabay sa pagbuhos ng luha sa kanyang pisngi…

Nang inkala ni Jovielyn na okey na ang lahat na pumayag na ang kanyang ama sa paghinto niya ng pag-aaral, hindi pala. Nang sumunod na lingo maagang umalis ng bahay ang ama niya dahil pumunta daw sa kanilang detachment sa CAFGU dahil kukunin ang dalawang buwan nitong sahod, ang sabi ng inay niya at nakita rin mismo ni Jovielyn na nakasakay sa motorsiklo patungong city at hindi ito huminto sa bahay nila. Iyon pala’y uutang ng pera para pang-enroll ni Jovielyn..tuwang-tuwa ang ama niya nang dumating ito mula sa city sabi niya:

“Anak, heto kunin mo itong pera mayroon kanang pang-enroll,, ah, nasaan ang nanay mo?” hindi na niya ito napansin na naglalaba lang ang nanay ni Jovielyn dahil sa tuwa na makapag-aral muli ang anak.

“Bukas na bukas pupunta ka sa paaralan ninyo alamin mo kung kailan ang enrollment!!”

“Opo.”

Kinabukasan…nang makauwi na si Jovielyn mula sa paaralan nadatnan niyang nakahiga nanaman ang kanyang ama…giniginaw ito ang taas ng lagnat..atsaka “gitakigan” at minsan pa’y nagdidiliryo at that time nagkatay sila ng manok, para sumarap sa bibig ng kanyang ama ang pagkain ngunit talagang hindi na siya kumain kaya pati sila Jovielyn nawalan na ng gana dahil sa sinapit ng ama. Kaya dahil sa nasaksihan, sinabi ni Jovielyn sa kanyang ina na kapag hindi pa raw gagaling ang kanyang ama kinabukasan hindi talaga siya mag-pa-paenrol. At talagang hindi gumaling ang kanyang ama, katunayan nga niyan dinala pa nila ito sa hospital noong May 31,2007… Dahil lubhang humina ang kanyang ama.

Nang ika-2 araw na nila sa hospital, sinabi ng ama ni Jovielyn sa inay niya na gusto pa niyang mabuhay pero papaano pa raw siya mabubuhay na hindi naman daw siya nakakain, hindi maski tubig nga matuntong sa bibig niya nagsusuka na siya. nagsasalita habang umiiyak…noong June 3, 2007 ng hapon naghihirap na ang kanyang ama. Naka-oxygen na ito..at hinahanap-hanap na ang kanyang mga magulang at kapatid. Kaya kahit ayaw mabitiw-bitiwan ang kamay ni Jovielyn sa kakahawak ng kanyang nanghihinang ama… inalis pa rin ni Jovielyn ang kamay sa kanyang ama, at agad na umuwi sa Digkilaan upang ipaalam sa kanyang grand parents ang naging kalagayan ng kanyang ama. Habang nakasakay siya ng motorsiklo papauwi wala namang tigil/patid sa pag-agos ang kanyang luha, dahil alam niyang maaaring sa pagbalik niya wala ng buhay ang kanyang ama na kung saan pinaka-ayaw niyang mangyari dahil ayaw niyang mawalan ng buhay ang kanyang ama na hindi man lang niya ito nasilayan ang huling paghinga.

Nang pabalik na siya sa hospital kasama ang kanyang kapatid na lalaki malapit pa silang mabangga sa isang auto dahil sa bilis ng takbo ng motorsiklo.!. Naabutan niya ang kanyang inay na umiiyak sa may nurse station, agad niyang niyakap ang ina at nang sinabi nito na hinahanap-hanap nanaman daw siya sa ama niya lalo pang umiyak si Jovielyn dahil miminsan nalang kukurap ang kanyang ama. Hindi man siya makapagsalita alam niyang naririnig parin siya ng kanyang ama. Hindi na makapagsalita ang kanynang ama dahil sabi nga ng mga pinsan niya noong tinitext nila si Jovielyn na bilisan nila patungong hospital iyon palay inatake na ang kanyang ama buti’t naligtas ito ng mga doctor kaya naabutan pa nilang buhay ang ama nila. Pero nararamdaman na niya na hindi mauumagahan ang kanyang ama dahil mahinang-mahiina na itong huminga.

Kaya at exactly 11:32 ng gabi BINAWIAN ng BUHAY ang KANYANG PINAKAMAMAHAL AMA..

Sa ngayon, kahit wala na ang kanyang ama.. patuloy parin siya sa pag-aaral dahil may isang matulungin na tao na nag-offer na papag-aralin siya. Kaya ngayon ay patuloy siyang humarap ng mga pagsubok at hamon ng buhay na INA nalang ang gagabay. Masakit magbiro ang tadhana, ngunit Alam naman niyang pagsubok lang iyon upang tibayan niya ang kanyang loob tungo sa realidad ng buhay.

No comments:

Post a Comment