Showing posts with label pangulo. Show all posts
Showing posts with label pangulo. Show all posts

Friday, April 24, 2009

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

Gloria Macapagal Arroyo

Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang Gloria Macapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas.
Pamilya

Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.

Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak:

• Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business Administration sa University of California, Berkeley

• Evangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown University

• Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in Legal Management, sa Ateneo de Naga

Ekonomiya

Ipinatupad niya ang Expanded Value Added Tax (E-VAT) na kung saan pinatawan ng 12% na buwis ang mga bilihin. Nagpatupad din siya ng repormang pang-lupa upang mapalakas ang industriyang agrikultura.

JOSEPH ESTRADA

Joseph Estrada

Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilang Erap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika.

Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero at si Maria Marcelo.

Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.

Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.

Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.

Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

FIDEL V. RAMOS


Fidel V. Ramos

Si Fidel V. Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng civil engineering sa University of Illinois.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.

Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

CORAZON C. AQUINO

Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.

FERDINAD E. MARCOS

Ferdinand Edralin Marcos

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28, 1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siya ay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siya ay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. Bilang Pangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit, ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuan sa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.

Bilang isang sundalo

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa United States Army Forces in the Far East bilang combat intelligence officer ng 21st Infantry Divison. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Death March. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones sa Capas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago. Nakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang "Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na lider ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan sa Pasong Besang.

Bilang isang pulitiko

Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang ni Pangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949, siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Noong 1954 nakilala niya si Imelda Romualdez, ang "Rosas ng Leyte" at pamangkin ng Ispiker Daniel Romualdez, na naging kaisampalad niya pagkatapos ng isang madaliang panliligaw.

Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalaking boto. Noong 1961, naging Pangulo si Marcos ng Partido Liberal (Liberal Party) at makalipas ng isang taon, siya ang naging Pangulo ng Senado.

Matagal na panahong naging kasapi si Marcos ng Partido Liberal . Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1964, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerardo Roxas sa isang "landslide victory".

Mga Nagawa:

Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mga unang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga ito'y ang sumusunod:
1. Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;
2. Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;
3. Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
4. Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);
5. Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nito'y nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan;
6. Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng 'mapaghimalang palay' o "miracle rice';
7. Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;
8. Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at
9. Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.

CARLOS P. GARCIA


Carlos P. Garcia

Si Carlos P. Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

Talambuhay

Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.

Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.

Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan.

ELPIDIO QUIRINO

Elpidio Quirino

Si Elpidio Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.

Siya ang unang Ilokanong pangulo.

DIOSDADO MACAPAGAL

Diosdado Macapagal

Si Diosdado Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965).

"Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng mahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siya'y magtapos ng "Doctor of Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Siya ay bayaw ni Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado sa isang tanggapan ng Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muli noong 1953. Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law". Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty". Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan sa katiwalian. Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill.

Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971.

Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86.

Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan sa katiwalian. Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill. Kilala din sa mga sumunsunod:

1. The Spread of National Language
2. Changing Our Independence from July 4 to June 12.
3. Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Saba. 4. Formation of Maphilindo saa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad ni Macapagal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971. Siya ay nag tapos na valedictorian sa mababang paaralan ng Lubao at salutatorian sa Pampanga High School ng San Fernando. Siya rin ay nagtrabaho na mambabatas para sa American Employers sa maynila, at na halal na legal assistant kay Pangulong Manuel L. Quezon. Naging Chief rin siya sa Legal Division ng Department of Foreign Affairs.

Panahon ng panunungkulan: Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya, “Kung walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng magmamay-ari nito.” Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan. Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag ng kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan. Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko, ginamit ang sariling wika natin. Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo. Nang maging pangulo si Pres. Quirino ay pinili niya si Diosdado Macapagal na maging Chief Negotiator para sa pag-angkin ng Pilipinas sa Turtle Islands mula sa Britanya. Habang nagtratrabaho siya sa Department of Foreign Affairs, ay naging Second Secretary siya mg Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika. Noong 1949 ay naging kongresista siya ng 1st district ng Pampanga, at naging re-elected siya noong 1953. Dito tinawag si Diosdado Macapagal na “Kampiyon ng Masa”. AT mula 1949 hanggang 1957 ay hinirang siyang sa “Sampung natatagning Mambabatas”. Tinawag siyang “The Best Lawmaker” mula 1954 hanggang 1957. 1958 nang manalo bilang Vise-Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. AT noong halalan ng pagkapangulo ng taong 1961, nagwagi at tinanghal na Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. Nanumpa siya noong 30 Disyembre 1961. Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng “Miracle Rice”. Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road, South Super Highway at mga Tenement Housing Projects. Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp. Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal ang karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah. Bumaba sa Pgkapangulo si Pres. Diosdado Macapagal noong 1965, ngunit ganumpaman, ipinagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan bilang Halal na Pangalawang Pangulo ng Constitutional Convention noong 1971-1972. Ngunit namatay si Dating Presidenteng Carlos P. Gacia na nahalal na pangulo ng Kumbensiyon, kung kaya’t si Prsidenteng Diosdado Pangan Macapagal ang humalili nito.Ginusto ng mga mamamayan na magkaroong muli ng pagbabago sa pamahalaan kaya sa halalang ginanap noong 1965, tinalo si Pangulong Diosdado Pangan Macapagal ni Ferdinand Marcos. Siya ay namatay noong ika-21 ng Abril 1997 sa sakit sa puso. Ngayon ay makikita na lamang ang mukha ni Pangulong Diosdado Pangan Macapagal sa 200 na pera.

Suliranin: Pangunahin sa mga suliranin ng administarasyon ni Diosdado Pangan Macapagal ang pangkabuhayan. Nangako si Diosdado Pangan Macapagal na lulutasin niya ang mga problema sa pabahay,hanapbuhay, pagtaas ng sahod at pagtulong sa mga magsasaka. Upang malutas ito, bumalangkas ng 5 taon progama ang administrasyon ni Diosdado Pangan Macapagal. Layunin nito ang sapat pag-unlad ng kabuhayan sa bansa at mabigyan ng sapat na pangangailangan ng mamamayan. Mga Programa: Sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay tinangal din niya ang kumokontrol sa pagpalitan ng piso at dolyar. Ito’y tinatawag na Decontrol Program kung saan ay naging 3 piso at 90 sentimos na ang palit sa isang dolyar, mula sa 1$/2 piso na palitan mula pa noong 1946. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muli noong 1953.

Batas: Bago natapos ang panahon ng panunungkulan niya, pinagpatibay rin niya ang Batas sa Reporma sa Lupang Pansakahan o ang Batas Republika Blg. 344 kasama na nito ang kodigo, noong Agosto 8, 1963. Ang batas na ito ay naglalayong gawing may-ari ang mga magsasaka ng lupang kanilang sinasaka.

RAMON MAGSAYSAY

Ramon Magsaysay

Si Ramon Magsaysay (Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan.

Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang manedyer ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "western Luzon Guerilla Forces" at pinalaya ang Zambales noong 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".

Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang plane crash sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

SERGIO OSMEÑA

Sergio Osmeña

Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.

Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Korte Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.

Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga pwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961.

MANUEL ROXAS

Manuel Roxas

Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbibilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.

Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base. Siya ay sinundan ni Elpidio Quirino.

MANUEL L. QUEZON


Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nakipaglaban kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo.

Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas kina Emilio Aguinaldo at Bishop Gregorio Aglipay.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Estados Unidos.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kanya ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.