Showing posts with label talambuhay ni Lapu-lapu. Show all posts
Showing posts with label talambuhay ni Lapu-lapu. Show all posts

Friday, April 24, 2009

LAPU-LAPU


LAPU-LAPU(c. 16th century)

Ang mga magulang ni Lapu-lapu ay sina Kusgano at Inday Putti ngunit walang naitala tungkol sa kapanganakan ni Lapu-lapu. Si Lapu-lapu ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna na anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Sawili. Si Lapu-lapu ay talagang may matigas na puso at matibay na paninindigan bilang isang pinuno ng Mactan. Isang patunay na rito ang pagtanggi niya sa mga magagandang alok ni Magellan. Ang pagbibigay ng magandang posisyon at pagkilala kay Lapu-lapu ang ilan lamang sa mga alok ni Magellan ngunit kapalit nito ay ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang masasakupan. Ngunit katulad ng aking nabanggit ito ay kanyang tinanggihan na siyang ikinagalit ni Magellan.I

sa sa mga anak na lalaki ni Datu Zulu ay kaaway ni Lapu-lapu. Itong nakipagkasundo kay Magellan. Dito binuo nila ang paglusob sa bayan ng Mactan. Hatinggabi ng Abril 26 nang si Magellan kasama ang kaniyang mga kapanalig na higit pa sa isang libo ay naglayag upang sakupin ang Mactan. Si Lapu-lapu ay nakahanda rin sa paglusob ni Magellan, kasama rin ang 1500 na mga mandirigma. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Natalo ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti at sa huli ay pinatay ni Lapu-lapu si Magellan.

Walang nakaaalam sa kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa mga dayuhan ay siyang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito nagtatapos ang talambuhay ni Lapu-lapu.

http://www.pambata.com/talambuhay-ni-lapu-lapu/