MATAGAL na matagal na, ang mga diwata (dios y diosas, gods and goddesses) lamang ang nabubuhay dito sa daigdig (mondo, world). Ang lupa (tierra, earth) , dagat (mar, sea) at langit (cielo, sky) ay pinagha-harian ng 3 makapangyarihang ‘diwata’ (espiritus, gods). Ang ‘diwata’ ng langit ay si Araw (sol, sun) at anak niya ang napaka-gandang Buwan (luna, moon).
Aliwan ni Buwan ang mamasyal lagi na sa kalawakan ng langit, nakaluklok sa kanyang gintong saksakyan. Minsan, nakakita siya ng isang bagong daanan na, pagtahak niya, ay naghantong sa kanya sa labas ng kaharian ng langit. Duon, kung saan nagtagpo ang langit at dagat (horizon), maraming kakaiba at magaganda siyang nakita. Lalo siyang na-aliw at abala sa pamamasyal nang gulatin siya ng isang tinig sa likod. “Saan ka nagmula, hay, ikaw na pinaka-magandang nilalang?”
Paglinga ni Buwan, namasdan niya ang isang binata na, kamangha-mangha, ay hawig sa ama niya, si Araw, bagaman at mas maputi nang kaunti. Tatakbo na sana si Buwan sa takot nang nakita niyang nakangiti ang binata. Naglakas-luob siya at sumagot, “Ako si Buwan, anak ni Araw na diwata ng langit.”
Lalong napangiti ang binata. “Ako naman si Mar, anak ng diwata ng dagat. Halina’t pumasok sa aming kaharian!”
Nagsimulang maging matalik na magkaibigan ang 2 anak-diwata at matagal silang naghuntahan. Nang oras nang umalis si Buwan, nangako silang dalawa na magkikita uli nang madalas, at maraming marami silang pag-uusapan. Ganuon nga ang nangyari, at panay-panay silang nagkita sa tagpuan ng langit at dagat. Hanggang isang araw, natuklasan nilang umiibig sila sa isa’t isa.
Minsan, pagkagaling sa isa pang lihim na pakikipag-tagpuan, maligayang-maligaya si Buwan pagbalik sa langit. Hindi napigilan ang sarili, ikinuwento niya sa isang pinsan (prima, cousin) ang pagkikita nila ni Mar. Nataon naman, hindi alam ni Buwan, inggit pala itong pinsan sa ganda at ligaya niya. Mabilis na isinumbong ng pinsan ang lihim kay Araw, ang ama ni Buwan.
Galit na galit ang diwata ng langit sa papuslit na pakikipag-ligawan ng kanyang anak. Ikinulong niya si Buwan at pinagbawalang lumabas ng langit kahit kailan man. Tapos, pinasugod niya ang isang sugo (escudero, messenger) sa diwata ng dagat upang iparatang na niligawan ni Mar nang patago ang anak niyang si Buwan. Nagalit din ang diwata ng dagat at ikinulong naman si Mar sa isang yungib (cueva, cave) sa ilalim ng dagat.
Matagal na napiit si Buwan sa luob ng langit. Lubha siyang naghinagpis at nangulila kay Mar. Isang araw, hindi na niya natiis na hindi makaharap uli ang binata, at tumakas siya mula sa langit. Luklok sa kanyang gintong saksakyan, kumaskas siya sa kanilang dating tagpuan.
Mula sa yungib na piitan, naaninaw ni Mar sa tubig ang naghahanap na Buwan. Kinalampag niya ang yungib at sinikap na maka-kawala upang makausap muli si Buwan subalit nabulabog man niya ang tubig ng dagat, lubhang matibay ang yungib at hindi siya nakalabas.
Samantala, matagal naghintay si Buwan subalit hindi sumipot si Mar. Tigib ng lungkot, umuwi si Buwan. Subalit mula nuon, tuwing mangulila si Buwan kay Mar, tumatakas siya at nagbabalik sa lihim na tagpuan upang hanapin ang kasintahan. At tuwing litaw ni Buwan, humihilab at umaangat ang lupa.
“Si Mar ang may gawa niyan,” ang lagi nang sinasabi ng mga mangingisda ( pescadores, fishermen), “pumipiglas makalabas sa yungib.”
ANG PINAGKUNAN
‘Why There is High Tide During Full Moon,’ An Ibanag Myth, in Edna Bangan’s Ibanag Folk Literature, 1976, Folktales, Volume III, The Cagayan Series
edited by Cagayan Public School Teachers, http://www.geocities.com/Heartland/Ridge/5484/myths04.htm
http://www.elaput.org/almat15.htm
No comments:
Post a Comment