Showing posts with label manuel luis quezon. Show all posts
Showing posts with label manuel luis quezon. Show all posts

Friday, April 24, 2009

MANUEL L. QUEZON


Si Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ang unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nakipaglaban kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo.

Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas kina Emilio Aguinaldo at Bishop Gregorio Aglipay.

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Estados Unidos.

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin County, New York noong Agosto 1, 1944 sa gulang na 66. Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kanya ang Lungsod Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.

MANUEL LUIS QUEZON


Manuel Luis Quezon

Si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak sa Baler, Quezon noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina.

Si Manuel Luis Quezon ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa San Juan de Letran kung saan niya tinanggap ang katibayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu’t isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rin ay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang sya ay 38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng Pilipinas.

Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpagawa ng bantayog nito sa Green Park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kaya’t ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilan kung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyang Kapanganakan.

Si Manuel Luis Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siya ang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa (United Nations).

Si Manuel Luis Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948.

Hindi Mawawala sa puso ng mga Pilipino si Manuel Quezon na Ama ng Wikang Pambansa ang Tagalog.