Wednesday, May 6, 2009

ALAMAT - ANG LAWIN AT ANG PAGLIKHA SA DAIGDIG

Ang Lawin

The Tagalog Myth of Creation

NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat.

Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon.

Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit.


ANG PINAGKUNAN

‘The Creation Story,’ a Tagalog Myth, Philippine Folk Tales, compiled and annotated by Mabel Cook Cole, A. C. McClurg and Company, Chicago, 1916,
The Project Gutenberg EBook, produced by Jeroen Hellingman and the PG Distributed Proofreaders Team from scans made available
by the University of Michigan, http://www.gutenberg.org/files/12814/12814-8.txt


http://www.elaput.org/almat03.htm

14 comments:

  1. kulang po ito alam ko may mga tubo at si malakas at maganda dito sa kwentong to

    ReplyDelete
  2. ang galing pala ng langit umuula ng bato

    ReplyDelete
  3. ang ganda po talaga ng alamat
    Kapanipaniwala ang lahat na nabanggit tulad ng
    nagagalit na dagat,tao sa kawayan at ulan na bato......

    ReplyDelete
  4. haha nakapagcomment rin!!!!!






    haha nakapagcomment rin

    ReplyDelete
  5. maganda ang kwento dahil sa simula pa lamng ay hindi na alam kung saan talaga nagsimula ang unang tao!!!!! magnda at kahanga-hanga!!!!! :P

    ReplyDelete
  6. ok n to khit ppnu! nakakatulong sa mga assignment! hehehe

    ReplyDelete
  7. kulang po ng kawayan at tsaka ung mga pinagmulan ng tao

    ReplyDelete
  8. ahh kaya pala may pulo.madami akong nutunan:)

    ReplyDelete
  9. ok na rin my ass. na rin ang anak kuh..

    ReplyDelete
  10. uu nga anu batu kulang! panu nato -_- hahayzzzzz

    ReplyDelete