NICANOR ABELARDO
Halaga
Musiko at kompositor, si Nicanor Abelardo y Sta. Ana ay lumikha ng musikang nagtatampok sa kaligirang Filipino at nagpasigla sa mga awiting-bayan sa bansa. Ginamit din niya ang nasagap na kabaguhan mulang ibang bansa, at inilangkap iyon sa katutubong musika na nakatulong sa modernisasyon ng musikang Filipino. Kabilang si Abelardo sa iilang kompositor noon na nag-angat ng estado ng musikang Filipinas, at ipinakilala yaon sa pandaigdigang larangan.
Edukasyon
Noong 1901, sinulat niya ang kauna-unahang komposisyong pinamagatang Ang Unang Buko, na inialay niya sa kaniyang lolang si Macaria Libunao. Si Libunao, ayon sa tala ni E. Arsenio Manuel, ay isa sa mga babaeng naghatid ng pagkain sa mga maghihimasik doon sa Biyak na Bato. Tumulak pa-Maynila si Abelardo noong 1902, at nag-aral sa pribadong paaralan ni Pablo Paguia, at pagkaraan ay lumipat sa Quiapo Primary School para tapusin ang antas na primarya. Bata pa'y marunong nang tumugtog ng gitara at biyolin si Abelardo. Nang lumaon, natutuhan din niyang tumugtog ng piyano at bandurya mula sa mga maestrong Italyano. Edad 13 pa lamang ay tumutugtog na sa salon at kabaret si Abelardo. Pagsapit ng 1907 ay nagbalik siya sa Bulakan at tinapos ang ikaanim na grado noong 1908. Nahirang siyang guro sa paaralan ng San Ildefonso at sa baryo ng Sibul. Nilikha niya noong 1909 ang himig ng Banaag at Sikat na inialay naman sa Confederacion Bulakeña.
Noong 1916, naisipan niyang mag-aral sa Konserbatoryo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas at naging guro sina Guy F. Harrison at Dr. Robert L. Schofeld. Ngunit nakipagtanan siya sa kaniyang kasintahan pagkaraan, at nagpakasal. Hindi naging sagka sa kaniyang karera ang pag-aasawa, at nagwagi pa nga noon si Abelardo sa timpalak pangmusika ng UP, nang sulatin niya ang ngayo'y klasikong “UP Naming Mahal.” Mabilis na umakyat ng ranggo si Abelardo sa unibersidad, at noong 15 Hulyo 1919 ay naging instruktor siya “batay sa kaniyang husay at pagkilala sa kakayahan.”
Pagtatanghal
Kung saan-saan nasuot si Abelardo bilang tagapagtanghal. Binatilyo pa lamang ay piyanista na siya sa maliliit na teatro, gaya ng Cine Principe at Cine It Close na malapit sa Quiapo. Naging pinuno siya ng Cine Majestic orkestra na nasa Kalye Azcarraga. Nalipat siya sa Lerma Cabaret sa Maypajo, at naging piyanista bukod sa konduktor ng orkestra. Noong 1923, tumugtog din siya ng jazz at gumamit ng iba't ibang instrumento bukod sa piyano. Bagaman naging puno ng departamento ng komposisyon sa UP si Abelardo'y kinailangan pa rin niyang kumayod kahit gabi. Tumugtog siya sa Santa Ana Cabaret orkestra, at kumita ng 300 piso kada buwan. Sapat na iyon upang mabigyan niya ng maalwang buhay ang pamilya. Gayunman, nagumon sa alak si Abelardo at hindi maglalaon ay tumaas ang presyon ng kaniyang dugo na naging sanhi upang maparalisa ang kalahati ng kaniyang katawan. Noong 21 Marso 1934, inatake siya sa puso dahil sa labis na pag-inom ng alak.
Komposisyon
Tinatayang 70 ang komposisyong musikal ni Abelardo, na ang iba'y hindi pa nalalathalang piyesa. Kabilang sa nasabing komposisyon ang Mountain Suite (1921); Ang Aking Bayan (1922); The Historical Pageant (1922); Processional March (1923); Concerto ni B Flat (1923); Nasaan ka, Irog? (1923); Kundiman ng Luha (1924); Magbalik Ka, Hirang! (1925); Mutya ng Pasig (1926); National Heroes' Day Hymn (1926); Ikaw rin (1929); Bituing Marikit (1929); Dakilang Punglo (1929); Kumintang ng Bayan (1930); Kung Ako'y Umibig (1930), Doon po sa Aming Bayan (1930); Un Cuento de Lola Basiang (1934); Florante at Laura (1934), at iba pa.
Pagkilala
Nagtamo ng maraming parangal si Abelardo dahil sa kaniyang musika, bukod pa sa iskolarship sa ibang bansa. Higit pa rito'y hinatak niya ang maraming estudyante tungo sa bagong landas ng musika sa Filipinas, at ilan sa kanila'y naging tanyag din sa larangan ng musika, gaya nina Antonio J. Molina, Edgardo Herrera, Lucino Sacramento, at Hilarion Rubio. Nakatrabaho din niya ang mahuhusay na manunulat gaya nina José Corazón de Jesús at Servando de los Angeles, o ang mga mang-aawit na gaya nina Jovita Fuentes at Atang de la Rama.
Sanggunian
Manuel, E. Arsenio. Dictionary of Philippine Biography, Volume One. Quezon City: Filipiniana Publications, 1955, mp. 6–39.
KomposisyonEdukasyon

* A Study in Kumintang - (for piano and string quartette)
* A Summer Idyll
* A Visayan Caprice - (trio for piano, violin, and violencello)
* Academic Overture
* Akibat
* Alma Mater UP
* Amarosa - (foxtrot)
* An Old Love Song
* Ang Aking Bayan
* Ang Anak na Malawak (barcarola with words)
* Ang Binatang Pilipino
* Ang Dakilang Pagyayakap - (paso doble)
* Ang Likha ni Pierrot/Batik na Kabihasnan - (tagalog operetta)
* Ang Mestisa
* Ang Sarap mong Umibig (duet in Tagalog Zarsueal by F. Ballecer)
* Ang Unang Buko - (waltz)
* Ave Maria (tenor/soprano)
* Ay Kalisud (nicanor)
* Ay Kalisud (foxtrot arranged for orchestra)
* Ayaw sa Pusa - (street song)
* Balitaw - (Visayan ballad)
* Banaag at Lakas
* Bato-bato at Siniguelas - (duet in Tagalog Zarsuela)
* Bibingka’t Langgonisa
* Bituing Marikit - (1937) isinapelikula ng Sampaguita Pictures - titik
* Bonifacio Song
* Buhay ng Dalaga’t Binata
* Bunyng M.H. del Pilar
* Canto del Viajero
* Capriccio Espagnole
* Carola
* Cavatina
* Cinderella (overture for orchestra)
* Concerto in B Flat Minor
* Conservatory Commencement Hymn
* Coronation March
* Dakilang Punglo
* Emilio Jacinto
* Fifes and Castagnettes (bolero for flute and piano)
* Filipino Boy - (2 step)
* First Nocturne - (Piano Solo)
* First Quartette in F major
* Fughetta in C on a Theme
* Grand March
* Halika, Magandang Mestisa - (serenade for tenor)
* Himig ng Bayan
* Himno Masonico - (tenor serenade)
* Himno Plaridel for Full Orchestra
* Himutok
* Historical Pageant
* Honor and Arms
* Hoy-Hoy
* Ikaw (Argentine Tango)
* Ikaw Pa Rin - (1948) titik
* Ikaw Rin - ! (Sola Tu!) - titik
* Initiation Song - (Rizal Center Fraternity)
* Intermezzo (for symphonic band)
* Into Your Eyes (ballad)
* Isa de Requiem
* Kapayapaan/Bunga ng Masamang Hilig
* Kawanggawa (zarsuela)
* Kumintang ng Bayan
* Kundiman (Piano & Violin)
* Kundiman ng Luha - titik
* Kung Ako’y Umibig
* Kung Hindi Man
* Libertador (kundiman)
* Longing (Quartette, Male)
* Lucila
* Lulay (folk song arrangement)
* Magbalik Ka Hirang - isinapelikula noong 1939 - titik
* Marcha Triunfal
* May Isang Bulaklak na Muling Lumitaw - (folk song arrangement)
* May Isang Dalagang Nanggaling sa Bukid
* Meditation for Harmonium Solo
* Modernista
* Mountain Suite
* Mutya ng Pasig - (1948) isinapelikula ng LVN Pictures - titik
* Naku... Kenkoy!
* Nasaan Ang Aking Puso
* Nasaan ka, Irog - (1937) komposisyon at titik
* National Heroes Day Hymn
* National Institute Song
* Ode to the Sampaguita
* Offertory to St. Cecilia
* Our National Pride (Balitaw-waltz)
* Paalam sa Pagkadalaga - (folk song arrangement)
* Pag-ibig na Walang Hanggan - (romantic duet)
* Paghanga (Overture for String Band)
* Pahimakas! (Awit ng Naghihingalo)
* Pahiwatig - titik
* Panoramas (suite for flute, violin, viola, celesta and piano)
* Paraluman(Waltz)
* Pearl of the Orient - (March)
* Petite Serenade for Violin and Piano
* Processional March (orchestra)
* Reminiscences
* Reverie (for Violin and Piano)
* Romanza
* Sa Gintong Panaginip - (kumintang)
* Sa Iyong Kandungan
* Sa Libingan ng Irog
* Salve Regina - (for soprano, baritone, and trio)
* Second Fugue - ( for string quartette)
* Serenade - Cello & Piano)
* Sinfoniettefor orchestra)
* Sonata - for violin and piano)
* Sonata for String Quartette
* Sonata in 4 Movements
* Sonata in G Major
* Spirit of ‘96
* Stabat Mater
* Tayo’y Pakasal - (music for the comic duet in 3 acts)
* The Flower and the Bird - (a caprice for flute and violin w/ piano accompaniment)
* The Naughty Nymph - (polka for flute and piano)
* The Song of the Lonesome Traveller
* The Violet
* Three Pieces For the Piano Forte
* Tinig ng mga Kahabag-habag
* Trio for Piano, Cello & Violin
* Ultimo Adios for Female Voices and Orchestra
* Umaga (ballad)
* Un Cuento de Lola Basiang
* UP Beloved (hymn)
* UP Spells “UP”
* Valse Caprice (Piano Solo)
* Valse Elegante - (for symphonic band)
* Valse Extase - (Concert waltz for Saxophone & and Piano)
* Valse in D Flat
* Visayan Orientale (Musical Sketch in 7 Scenes)
* Walang Palad sa Paggiliw
* Waltz (nicanor)
* Wedding March (nicanor) -(orchestra)
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Nicanor_Abelardo_y_Sta._Ana
NICANOR ABELARDO
Born: 1893-02-07
Birthplace: San Miguel, Bulacan
Died: 1934-03-21
Race: Asian
Field: Composer
Famous for: Kundiman songs
Nicanor Abelardo is a Filipino composer who composed over a hundred of Kundiman Songs especially before and during the World War II.
Born in San Miguel de Mayumo (now is San Miguel, Bulacan in February 7, 1893, Nicanor Sta. Ana Abelardo was introduced to music when he was five years old, when his father taught him the solfeggio and the banduria. At the age of 8, he was able to compose his first work, a waltz entitled "Ang Unang Buko," which was dedicated to his grandmother. At the age of 13, he was already playing at saloons and cabarets in Manila. At age 15, he was already teaching in barrio schools in San Ildefonso and San Miguel Bulacan. All of these happened even before young Abelardo finally took up courses under Guy F. Harrison and Robert Schofield at the UP Conservatory of Music in 1916. By 1924, following a teacher�s certificate in science and composition received in 1921, he was appointed head of the composition department at the Conservatory. Years later, he ran a boarding school for young musicians, and among his students were National Artist Antonino Buenaventura, Alfredo Lozano and Lucino Sacramento. In the field of composition he is known for his redefinition of the kundiman, bringing the genre to art-song status. Among his works were "Nasaan Ka Irog," "Magbalik Ka Hirang," and "Himutok." He died in 1934 at the age of 41, leaving a prolific collection of more than 140 works.
As a composition major at the University of the Philippines, he also composed the melody for the university's official anthem, U.P. Naming Mahal.
The building housing the College of Music in UP Diliman (Abelardo Hall) is named in his honor.

http://www.basicfamouspeople.com/index.php?aid=5410
http://www.opm.org.ph/registry/artist_profile.php?artist_id=9
No comments:
Post a Comment