RYAN CAYABYAB
Si Ryan Cayabyab, "Mr. C" o "Maestro" sa karamihan, ay itinuturing na haligi ng musika sa Pilipinas ngayon. Ang kaniyang ina ay isang manganganta ng opera.Sila ay sampung magkakapatid at lahat ay nahumaling sa musika sa kabila ng habilin ng kanilang ama na huwag silang isabak dito. Nag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa kursong accountancy ngunit kinakitaan na ng kahusayan sa musika upang maisipan na bigyan siya ng pagkakataon makapag-aral nito. Nakilala siya sa loob at labas ng bansa dahil sa likas na husay at pinagsabay na kakayahan bilang isang kompositor, konduktor, manganganta, propesor, howst, prodyuser, at direktor ng kantahan. Kasabay ng pagbabahagi niya ng kaalaman ay nakikita niya ang pangangailangan ng industriya ng musika ng mga bagong kompositor.
Pumatok sa pandinig ng masa ang kanyang "Kay Ganda ng Ating Musika" at "Paraiso." Sa buong bansa bukod sa mga ordinaryong manonood, mga presidente, hari at prinsipe, at artista ang nakasaksi sa kanyang pagtatanghal. Nailapat na niya sa iba't ibang istilo ang kanyang musika na ang tipo ay pang-orkestra, klasiko, sagrado, at popular na mga kanta. Ang ilan sa kanyang musikal na pagtatanghal ay ang Katy, Alikabok, Larawan, Noli Me Tangere, at El Filibusterismo.Sampung taon siyang nagturo sa UP Department of Composition and Music Theory.
Nakilahok siya at nanalo sa Onassis International Cultural Competition noong 2001 sa kaniyang orihinal na komposisyon na Misa 2000 at nakasali sa mga pestehong ginanap sa Tokyo at Kazakhstan. Bukod pa rito ay ang 21 na premyo bilang kompositor, arranger, at prodyuser, tatlong karangalan sa paglikha ng pinakamahusay na tema ng kanta, at marami pang iba.
Edukasyon
* Bachelor of Music, Unibersidad ng Pilipinas
Mga Plaka
* Dancing In The Rain
* Great Original Pilipino Music
* Great Original Pilipino Music From the Movies
* One
* The Silver Album
Binuong Grupo
* Smokey Mountain
* 14K
* The San Miguel Master Chorale (SMMC)
* Ryan Cayabyab Singers (RCS)
Ryan Cayabyab Singers (RCS)
Matagal na panahon na rin mula ng nagtatag si Mr.C ng grupo ng mga manganganta.Hinanap niya ang isang grupong may iba't ibang dating ang boses na sasalamin sa pagka-dynamic ng grupo. Mula sa 170 na nangarap, pito lamang sa kanila ang nakuha. Sila ay sina Anezka Alvarez, Katherine Tiuseco, Kyla Rivera, Irra Cenina, Jaime Barcelon, Poppert Bernadas, at Vincent Evangelista.Ang bawat isa sa kanila bukod sa boses ay may natatanging karakter na hinahanap niya.
Sanggunian
Ryan Cayabyab:Music and the Man (hinango noong Hulyo 3, 2008)
The Silver Album (hinango noong Hulyo 3, 2008)
Cayabyab hones the singing talents of the RCS (hinango noong Hulyo 3, 2008)
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Ryan_Cayabyab

Greetings!
ReplyDeleteDr. Veronica E. Ramirez is currently writing a book on Contemporary Art in the Philippine Regions, which is a compilation of lessons on the visual and performing arts. She intends to include in this book your photo of Ryan Cayabyab, which can inspire the intended readers, Senior High School students. May I respectfully ask permission on her behalf to include this photo in the said book? Rest assured that you will be properly acknowledged in the book.
Nicole Fuentes
nicole_fuentes13@yahoo.com
Please e-mail me your response. Thank you.