Thursday, April 23, 2009

ANDRES BONIFACIO

ANDRES BONIFACIO
ANG DAKILANG SUPREMO NG KATIPUNAN



Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo noong Nobyembre 30, 1863. ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre at naging tenyente mayor ng Tondo. Ang kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang mistesang Espanyol na nagtrabaho bilang kabesilya o superbisora sa isang pabrika ng sigarilyo. Panganay si Bonifacio sa anim na magkakapatid na sina Siriaco, Procopio,Tadio, Espiridiona, at Maxima. Labing apat na taon pa lamang si Bonifacio nang mamatay ang kanyang mga magulang. Bilang panganay, siya ang bumalikat sa tungkuling buhayin ang mga kapatid. Napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Gumawa ng mga bastong kawayan at pamaypay na papel para itinda.

Di naagtagal nagtrabaho siya bilang mensahero sa isang kumpanya ng dayuhang Fleming and Company. Dahil sa kanyang kasipagan at katapatan sa trabaho ginawa siyang ahente ng mga produkto ng kompanya. Pero hindi nagkasya ang kanyang kita rito kaya lumipat siya sa isang kompanyang Aleman, ang FRESSEI and Company, bilang bodegero.

Sa kanyang libreng oras, patuloy na gumagawa ng mga baston at pamaypay si Bonifacio. Kahit noong lider na siya ng katipunan hindi siya tumitigil sa gawaing ito.

Kahit hindi nakatapos sa mataas na paaralan si Andres Bonifacio, siya ay palaaral. Pinagsikapan niyang matutunan ang wikang Espanyol. Palabasa rin siya ng mga aklat. Sa katunayan, nang halughugin ng mga guwardya sibil ang kanyang bahay matapos matuklasan ang katipunan, nakakuha siya ng mga kopya ng mapanghimagsik na mga talumpati, dokomento ng Masonerya, koleksiyon ng La Solidaridad at mga liham ni Luna ay Rizal. Kabilang naman sa mga librong nakuha ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal.

Mahilig din si Bonifacio sa pakikilahok sa dulaan. Nagkaroon siya ng karanasan sa organisasyon at nahasa ang kanyang memorya at pananalita ng Tagalog. Lumabas siya sa Moro-moro, ang pinakasikat na dula noon. Ang Moro-moro ay madalas na ipinalalabas kung may pista. Ipinakikita sa dulang ito ang katapangan at kabayanihan ng mga Kritiano laban sa mga Muslim. Ginamit ng mga Espanyol ang Moro-moro para palaganapin ang Kristianismo.

Isa ring manunulat si Bonifacio. Siya ang sumulat ng “Pikalogo ng Katipunan” at ng sanaysay na ang dapat mabatid ng mga Tagalog. Sinulat din niya ang “Katapusang Hibik ng Pilipinas”, isang tulang nalalarawan ng kaapihan at napipintong pagbabngon ng mag Pilipino.

No comments:

Post a Comment