Si Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Rizal at Teodora Alonzo. Si Jose Rizal ay ika pito sa labing isang anak ng kanyang mga magulang. Ang mga kapatid niya ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad, at Solidad.
Ang una niyang naging guro ay ang kanyang ina. Noong nasa ika-siyam na gulang na siya, ipinadala siya ng kanyang ama sa Binyan, Laguna upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Latin. Ang kanyang naging guro ay napakadiseplinado. Ito ay si Justiano Aquino Cruz. Pagkatapos niyang mag-aral sa Binyan, siya ay kumuha ng pagsusulit sa Ateneo. Pero bago siya nakapasok ay dumaan muna siya sa isang pagsusulit ng doktrinang Kristiano, pagsulat at matimatika. Noong unang taon niya sa Ateneo natutunan niyang ayusin ng maayos ang kanyang mga programang gagawin buong araw. Nagkaroon siya ng desiplina sa sarili, kaya noong matapos ang taon nakuha niya ang markang “excellente” sa lahat ng aralin at “accessits” sa lahat ng pagsusulit. Noong pangalawang taon na niya sa Ateneo, nakakuha naman siya ng medalya at pangatlong taon, nanalo siya ng unang gantimpala. Nasa ika-apat na taon na siya ng makakuha naman siya ng limang medalya. At noong nasa ika-limang taon na siya ay nag-aral siya ng Pilosopiya at iba pa. Siya rin ay natutong magsulat ng maiklling tula at kuwento (leyenda). Inilaan din niya ang kanyang mga oras sa pagpipinta at paglililok.
Noong natapos niya ang kanyang pag-aaral sa Ateneo, siya ay kinumbinsi ng kanyang ama na mag-aral uli sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Dito niya naramdaman ang unang pag-ibig. Pero hindi ito naging hadlang para makuha niya ang markang excellente sa metaphysics, theology at kuwentong pilosopiya. Nakakuha rin siya ng medalya sa araling topograpiya at agrikultura sa Ateneo. Noong 1878-1879, nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Noon ding taong iyon nakilala niya si Leonor Rivera sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio. Si Leonor ay maganda, maputi, kulot ang buhok, maliliit ang mata at matangos ang ilong. Pero kahit mahulog ang kanyang loob ay hindi hindi niya napabayaan ang pag-aaral at napasahan niya ang kanyang aralin sa VST na may markang excellente. Sa chemistry “fair” sa phisika “good” at sa Anotomy. Ang hindi niya makalimutang pangyayari sa kanyang buhay ay nanalo siya ng unang gantimpala sa pagsulat ng tula (To The Filipino Youth).
Pagkatapos mag-aral ng medisina, siya ay nagpasyang pumunta sa Espanya upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, pero ito ay lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang. Bukod sa Espanya, siya ay nagpunta sa Germany. Habang nasa Germany siya sinulat niya ang “ Noli Me Tangere”, na ang ibig sabihin ay huwag mo akong salingin. (Do not touch me). Napapaloob dito ang buhay ng mga Pilipino sa lipunan, ang kanilang mga paniniwala, pag-asa, kagustuhan at mga hinanakit sa mga dayuhan. Pagkatapos niyang makuha ang kursong medisina (doctor sa mata) siya’y muling bumalik sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang kanyang panggagamot. Si Rizal ay hindi pabor o sang-ayon sa pag-aalsa ng katipunan dahil nalaman niya na hindi pa handa ang mga Pilipino para sa pag-aalsang ito. Si Rizal ay nakipaglaban sa pamamagitan ng pagsulat. Ang kanyang talino ang naging sandata upang makamit ang kalayaan ng ating bansa.Ginising niya ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat at iba’t-ibang makabuluhang tula at nobela na pumukaw sa damdaming Pilipino. Si Dr. Jose Rizal ay tinanghal na Pambansang bayani dahil isa siayang dakilang mamamayang Pilipino. Namatay siya na walang kalaban laban at walang pag-aalinlangan.

No comments:
Post a Comment