Ang Alamat ng Malate
(Bahagi ng Maynila)
Isinulat ni Rene Alba
Ang Malate ay isang lugar sa Maynila. Ito ay karugtong ng Mabini at Harrison, malapit sa Roxas Boulevard at sa tabi nito ay dagat. Kung paano naging Malate ay siya nating isasalaysay.
Mayroong dalawang magkapatid na si Maria at si Jose. Madalas silang naliligo sa tabi ng dagat.
Isang araw habang naliligo ang magkapatid ay may napadaang mga dayuhan at ito ay ang mga Kastila.
Sa maraming pagkakataon ang mga dayuhan ay mahilig magtatanong sa mga pook at lugar na kanilang dinaraanan pagkat bahagi ito ng kanilang pagsisiyasat.
Nang mga sandaling yaon ang magkapatid ay nag-aayos ng kanilang dalang baon. Kakain na lamang sila ng mapuna nila na wala pala silang dalang tubig, mabuti pa yata'y uminom na lang tayo ng tubig sa dagat ang wika ni Jose. Biglang tumungo ito sa dagat at tinikman ang tubig.
Samantala ang mga kastila na namamasyal ay palapit kay Maria at itinatanong sa kanya ang pangalan ng pook sa wikang Kastila. Hindi ito maintindihan ni Maria sa halip ay tinawag ang kapatid na si Jose, kasalukuyang tumitikim si Jose ng tubig sa dagat.
Pasigaw na pinaalam nito kay Maria ang tubig dagat. "MA-ALAT ATE! MA-ALAT ATE!"
Narinig ito ng mga Kastila at inakala ng mga ito na ang pasigaw na sinabi ni Jose ay ang pangalan ng pook. Magmula noon ay pinangalanan at tinawag ng mga Kastila ang nasabing pook na MALATE, hango sa tubig dagat na ma-alat ate!

No comments:
Post a Comment