Thursday, April 23, 2009

MARCELO H. DEL PILAR

MARCELO H. DEL PILAR

Isang bantog na Pilipino na kinilala sa bansag na Plaridel. Siya ay si Marcelo H. del Pilar. Ipinanganak noong ika-30 ng Agosto taong 1850 sa bayan ng Cupang, San Nicolas Bulacan. Anak nina Julian H. del Pilar na isang kilalang manunula sa wikang Tagalog at Ginang Blasa Gatmaitan. Kapatid ni Paring P. Toribio H. del Pilar na ipinatapon sa Marianas.

Si M. del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyo ni Ginoong Jose Flores at pagkatapos ay lumipat sa kolehiyo ng San Jose. Sa Universidad ng Santo Tomas naman ay Natapos niya ang abogasya. Nag-asawa at ang pinsan niyang si Marciana del Pilar ang kanyang nakaisang dibdib. Nagkaroon sila ng pitong anak sa panguguna ni Sofia ang panganay, at si Ana nakasulatan niya sa Espanya naman ang bunso. Noon pa lamang ay galit na siya sa mga paring Kastila. Sinasabi niya ng mga pang-aabusong ginagawa nito at dahil dito maraming mga paring Kastila kasama na ang mga kaibigna nito ang humahanap ng butas para makulong si M. H. del Pilar. At dahil ditto ay nagpasiya siyang pumunta ng Espanya. Isa siya sa naging kasama at katulong ni Graciano Lopez Jaena. Itinatag niya ang Diaryong Tagalog noong 1882 na naglathala ng mga puna sa pamamalakad ng pamahalaang Kastila. Pinamunuan niya ang “La Solidad” na tumutuligsa sa mga pang-aabusong ginagawa ng mga prayleng Kastila.

Ibig niyang bumalik sa Pilipinas ngunit hindi niya magawa dahil sa alam niya na siya’y ipakukulong ng mga Kastila.

Hindi naglaon si M. H. del Pilar ay nagkasakit, at kahit siya’y hirap sa kanyang karamdaman ay pinilit pa rin niyang makagawa ng mga bagay na makakatulong sa bayan. Namatay siya noong Hulyo taong 1893.

1 comment: