SINO SI ANDRES BONIFACIO
Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap.
Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio.
Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila.
Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid.
Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahay-kalakal ni Fleming, at pagkaraan ng ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan (agente) ng nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili ng sahing (puno ng pili), yantok, at iba pa.
Nang lumipas ang ilang panahon, naging kawani (personero, employee) siya sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., sa bilang 450, daang Nueva, Maynilà. Ang sahod niya ay mga 12 piso lamang sa isang buwan. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng mga tungkod at pamaypay, na inilako ng kanyang mga kapatid.
Bukod sa kanyang hanap-buhay, si Bonifacio ay mahilig magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa ng mga tatak at paunawa sa mga kayo (tela, cloth) na ipinagbibili rito sa atin.
Siya ay mahilig sa pagbasa ng mga aklat at ang kanyang kina-himalingang basahin ay ang mga aklat na nakapagturo ng kabayanihan, tulad ng kasaysayan ng himagsikan sa Pransiya (French revolution), “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables” ni Victor Hugo, “El Judio Errante,” ang Biblia, ang mga aklat ni Jose Rizal at ibá pa. Siya ay tutuong mahilig sa pagbasa. May mga gabing halos hindi nakakatulog sa pagbabasá.
Siya ay nagka-asawa. Ang naging kabiyak ng kanyang pusó ay pinalayawan ng Oriang (Gregoria de Jesus), tagá-Caloocan na ang sagisag ay “Lakambini.” Sila ay nagkaroon ng isáng anák na namatay (sa bulutong).
May mga sulat na naiwan si Bonifacio. Mga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid ng mga Tagalog,” “Ang Pag-ibig sa Tinubuang Bayan,” (tula) at iba pa. Nguni’t ang lalong pinaka-mahalaga, bukod sa tuntunin at mga aral ng Katipunan at ang “Katungkulan ng mga Anák ng Bayan” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isina-Tagalog sa gitna ng pagdagundong ng paghimagsik, na siyang inawit ng ating mga kawal nang sila ay nakipaglaban sa Castilà.
Dinadakila ng Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya ay ipinalalagay na dakilang bayani, kapiling ni Rizal, sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pangulo ng “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan,” na pinagka-utangan ng Bayang Pilipino ng kabayanihan sa pag-usig ng kanilang ikalalaya. Ang sagisag niyá ay “May-pagasa” na “nangyari” bago siyá mamatay.
http://www.elaput.org/bnfcio04.htm#sino

No comments:
Post a Comment