TERESA MAGBANUA
UNANG babae sa Panay na lumaban nuong digmaan laban sa Amerkano, may pagka-tomboy si Teresa Magbanua nang lumaki sa Pototan, Iloilo, kung saan siya isinilang nuong Noviembre 4, 1871. Sa kanilang bukid, nahilig umakyat sa mga punong kahoy si Teresa, kalaro ang mga kapatid na lalaki, sina Pascual at Elias. Nakilangoy din siya sa ilog Jaluar, at sumakay sa cavallo at kalabaw. Kapag nakipag-away sina Pascual at Elias, nakipag-bakbakan din siya. Ang barkada niya ay mga lalaki, hindi mga kapwa niyang babae.
Nabahala ang mga magulang, sina Juan Magbanua at Alejandra Ferraris, kaya pinadala siya sa paaralan ng mga babae sa Jaro, Iloilo, ang Colegio de San Jose. Tapos, pinag-aral siya sa Manila, una sa Colegio Santa Rosa tapos sa Colegio de Santa Catalina, upang matutong mag-asal mahinhin at may pinag-aralan. Naka-escuela pa niya si Aurora Aragon, ang naging asawa ni Manuel Quezon at naging unang ginang ng Pilipinas nuong panahon ng Commonwealth.
Nakatapos din siya ng pagiging maestra sa
Colegio de Doña Cecilia nuong 1894 at nagkamit ng licencia bilang guro. Nagbalik siya sa Panay at nagturo sa ilang paaralan, isa ay sa kabayanan (pueblo, town) ng Sara, kung saan niya nakilala at napangasawa ang isang hacendero, si Alejandro Baldero. Tumigil siya ng pagturo at pinamahalaan ang hacienda, at dahil hindi sila nagka-anak, ipinagpatuloy ang naputol niyang hilig sa pagsakay sa cavallo, kalabaw, at sa paggamit ng baril.
Nagsimula ang digmaan ng Pilipinas laban sa mga Amerkano nuong 1899, nang 28 taon gulang lamang si Teresa. Sumapi sa hukbong Himagsikan sa Iloilo ang 2 niyang kapatid, si Elias na naging major kahit na binatilyo pa lamang, at si Pascual na nahirang na general ng hukbo at nakilalang mahusay na pinuno. Sumagsag si Teresa sa kanyang tio, si Perfecto Poblador, na general din sa hukbo, upang sumapi. Isinalaysay ng kapatid, si Paz Magbanua-Peñaranda, ang pag-usap:
“General, tio, nais ko pong sumama sa hukbo.”
“Ay, iha!” sagot ni Poblador, “ano ba ang magagawa mo?”
“Marunong akong lumaban!”
“Lumaban! Aba, eh, babae ka, ah!”
“Eh ano? Hindi ba puedeng ipaglaban ng babae ang bayan gaya ng lalaki?”
“Oo nga, pero...”
“General, tio,” pilit ni Teresa, “alam mong mas mahusay akong mag-cavallo at bumaril kaysa sa iyo. Bigyan mo ako ng mga sundalo at ipakikita ko sa ’yo kung paano lumaban ang babae para sa bayan!”
Nabigyan ng mga sundalo, mabilis na nakilala sa tapang at bangis ang pangkat ni Teresa, binansagang “Nay Isa”, lalo na nang nanalo siya sa bakbakan sa Sap-ong, malapit sa Sara, Iloilo. Sinimulan siyang tawaging “general” ng mga sundalo, bagaman at hindi siya nabigyan ng sadyang tungkulin sa hukbo. Pinarangalan siya ni General Martin Teofilo Delgado, ang pinuno ng hukbo sa buong Visaya, at hinirang sa pinuno sa maraming labanan sa iba’t ibang bahagi ng Panay, isa ay naganap sa Jaro nuong 1899. Nang napipilan ang mga Pilipino ng mas malakas na hukbo ng mga Amerkano, namundok at nag-guerrilla din si Teresa tulad ng mga kapatid niyang lalaki.
Nuon lamang napatay ang 2 kapatid, at tiyak nang walang laban ang mga Pilipino, saka lamang nilansag ni “Nay Isa” ang kanyang
Si Nay Isa pangkat at pinauwi ang mga sundalo. Siya man ay umuwi na at namuhay nang tahimik.
Malupit ang pagkapatay sa kanyang mga kapatid, lalo na’t kapwa Pilipino ang pumatay. Si Elias ay 19 taon gulang lamang nang mabaril ng isang Pilipino na kasama sa hukbo ng Amerkano bilang gabay. Si Pascual naman ay pinatay ng mga tulisan, kasapakat daw ng mga taga-Iloilo na inggit sa kanyang pagka-tanyag. Itinapon pa sa ilog ang bangkay at hindi na muling nakita.
Nuong lusubin ng mga Hapon ang Pilipinas, tumulong si “Nay Isa” sa mga guerrilla kahit matanda na. Ipinagbili niya ang mga ari-arian at inabuloy ang salapi. Upang makaiwas sa mga Hapon, lumipat siya sa Pagadian, sa Zamboanga del Sur. Namarati siya duon kahit pagkatapos ng digmaan, kasama ang kapatid niyang babae, si Marian. Duon siya namatay nuong Agosto 1947, sa gulang ng 78.
Ang mga pinagkunan:
Teresa Magbanua, 1871-1947, park.org/Philippines/centennial/heroes13.htm
Teresa Magbanua, ni Lilia Quindoza Santiago, Tales of Courage & Compassion, Stories of Women in the Philippine Revolution,
www.salidumay.org/.../ articles/c2000_0417_02.htm
Philippine Heroines of the Revolution: Maria Clara they were not, by Dr. Robert L. Yoder, FAPC,
Austrian-Philippine WebSite, APSIS Editor Johann Stockinger, www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/wstat/heroine.htm
Teresa Magbanua, ni Lilia Quindoza Santiago, Tales of Courage & Compassion, Stories of Women in the Philippine Revolution,
www.salidumay.org/.../ articles/c2000_0417_02.htm
Philippine Heroines of the Revolution: Maria Clara they were not, by Dr. Robert L. Yoder, FAPC,
Austrian-Philippine WebSite, APSIS Editor Johann Stockinger, www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/wstat/heroine.htm
Si Teresa Magabanua,
ReplyDeleteKapanganakan Nobyembre,14, 1871
Pototan, Iloilo
Kamatayan Agosto, 1947
Zamboanga del Sur
Hanapbuhay Katipunera
Kilala dahil sa Unang babae na namuno ng himagsikan sa pamahalaang kolonya ng Espanya
Si Teresa Magbanua (Nobyembre 4. 1871- Agosto 1947) ay isa pang maipagkakapuring Pilipina, ang natatanging babaeng heneral tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at Gabriela Silang ay pinatunayan na ang mga babae ay may angking kakayahan tibay ng puso at katapangan at handang magsakripisyo o maghandog man ng buhay kung kinakailangan.
Pangalawa siya walong anak ni Juan Magbanua At Alejandra Ferraris mga kinilala at nabibilang sa mabuting angkan sa kanilang bayan. Ang kakayahang mamuno, lakas ng loob at kagitingan ng babae ay ilan lamang sa mga katangian na naipakita ni Teresa. Mga kalaro niya ay mga batang lalaki. Sa kanyang bayan siya nag-elementarya at sa Jaro,Iloilo siya nag-high school at nag-kolehiyo Bumalik siya sa kanyang bayan at doo'y nagsilbing isang guro at isang magsasaka, tumigil siya sa pagtuturo at tumulong na lang siya sa asawa Niya sa gawain sa bukid.Nang Sumiklab ang digmaan pumunta siya sa kampo ng mga naghihimagsik na pinamunuan Ni Heneral Perfecto Poblador upang umanib.Kahit May alinlangan pinagtangol niya parin ang bayan. Nakakatuwa talaga ang isang tulad ni teresa magbanua dahil isa siyang magaling.