Friday, April 24, 2009

FRANCISCO BALTAZAR

FRANCISCO BALTAZAR (Balagtas)(1788-1862)

Si Francisco Balagtas (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Baltazar , ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunula. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Unang mga taon

Isinilang sa isang maliit na bayan na nayon ng Panginay, bayan na Bigaa (Balagtas ngayon), sa lalawigan ng Bulacan noong Abril 2, 1788. Bunso siya sa apat na anak nina Juan Baltazar, isang panday at Juana dela Cruz, isang maybahay.

Labing-isang taon si Kiko o Kikong Balagtas (palayaw ni Francisco) nang iluwas sa Tondo, Maynila. Namasukan bilang utusan kay Donya Trining, isang mayaman at malayong kamag-anak. Kinatutuwaan siya ni Donya Trining dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at Colegio de San Jose. Taong 1812 nang matapos siya sa pag-aaral ng Batas sa Canones, Gramatica Castilla, Gramatica Latin, Pisika, Doctrina Cristiana, Humanidades, Teologia at Pilosopia sa edad na 24. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil sa Pilosopiya sa nasabing kolehiyo.

Si Francisco Baltazar ay tinaguriang "Prinsipe ng mga Manunulang Pilipino" at sinasabing "William Shakespeare ng mga Tulang Pilipino."

Buhay bilang manunulat

Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Si Jose dela Cruz ay isa ring nagsilbing hamon kay Kiko para higit na pagbutihin ang pagsulat ng tula. Anupa't kinalaunan ay higit na dinakila si Kiko sa larangan na panulaan.

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandakan. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang MAR ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.

Naging karibal ni Kiko si Mariano Kapule sa pangingibig kay Maria Asuncion Rivera. Nagwagi si Nanong Capule dahil sa paggamit ng kapangyarihan at salapi. Naipakulong niya si Kiko at sa loob ng piitan niya naisulat ang tulang pasalaysay na Florante at Laura.

Ang kanyang mga sinulat

Orosma at Zafira, Mahomet at Constanza, Almanzor y Rosalina, Clara Belmori, Abdol y Miserena, Auredato y Astrone, Bayaseto at Dorsalica, Rodolfo at Rosamunda, Nudo Gordiano ang ilan sa kanyang mga sinulat ayon sa english tagalog mix up.

Huling mga araw

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambing at ang 11 niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.

No comments:

Post a Comment