Si Pedro Alejandro Paterno ay isinilang noong ika-27 ng Pebrero, 1858. Siya ay isa sa 13 anak ng nakaririwasang mag-asawa na sina Don Maximo Paterno at Donya Carmen de Vera Ignacio.
Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo de Manila. Siya ay nagkamit ng karangalan sa kanyang pagtatapos. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa Unibersidad de Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat siya sa Unibersidad Central ng Madrid na kung saan naman ay nagtapos niya ang pagkadalubhasa sa batas noong 1880.
Siya ay tinaguriang tagapamagitan sa mga Kastila at Pilipino upang makamit ang mapayapang pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang daang taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng mga tao sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas.
Siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa Espanya. Noong 1882, napagtagumpayan niyang maalis ang monopolyo sa Tabako sa bansang Pilipinas. Bilang makataa, siya ang kauna-unahang Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino, sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at Poesias Lyricas y Dramaticas.
Noong himagsikan, siya ay sumanib kung kaya'y isa siya sa naging prominenteng tao noong ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas. Siya ay hinirang na Pangulo ng Kongreso sa Malolos noong Setyembre 15, 1898. Siya ang namumuno sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong at palagi niyang pinaiiral ang mapayapang diplomasya upang magkaroon ng maayos na pag-uusap sa iba't ibang partido politikal. Nang bumagsak sa kamay ng mga kaaway ang Malolos, iminungkahi ni Paterno ang pakikipagsundo ng mga Pilipino at Amerikano. Nagsagawa siya ng dalawang araw na kapistahan (Hulyo 28 at Hulyo 29) na kung saan ay isa sa mga pangunahing pandangal ay si Heneral Arthur MacArthur at ilang opisyal ng Taft Commission. Subalit ikinagalit ng mga Amerikano ang pagbabandera sa larawan ni Presidente Aguinaldo at ipinakumpiska ang mga ito.
Si Pedro Paterno ay nahalal na kinatawan ng Unand Distrito ng Laguna para sa Unang Asemblea ng Pilipinas noong Oktubre 16, 1907. Siya ay namatay sa edad na 53 noong Marso 11, 1911 sa sakit na kolera.
No comments:
Post a Comment