Thursday, April 23, 2009

BUGTONG

MGA BUGTONG



Nang maliit ay mestiso,

nang lumaki ay negro.

Sagot: abo ng sigarilyo



May dahon ay di halaman,

maraming mukha’y walang

buhay ang laman ay

karunungan.

Sagot: aklat



Pagsipot pa lang sa

maliwanag, kulubot na ang balat.

Sagot: ampalaya



Kabayo kung pula,

nanalo sa giyera.

Sagot: apoy



Mataas kung nakaupo,

mababa kung nakatayo.

Sagot: aso



Ate ko, ate mo,

Ate ng lahat ng tao.

Sagot: atis



Sagisag ng kahinaan,

puri ang kayamanan,

Hinhin ang katangian

at ganda ang puhunan.



Buhay na hiram

Lamang pinagmulan

Ng sangkatauhan.

Sagot: babae



Manghahabing batikan,

Tubig ang hanay,

Ang yaring sinamay

Iba’t ibang kulay.

Sagot: bahaghari



Ang puno’y nasa gubat,

Ang katawa’y nasa dagat.

Sagot: bangka



Kinatog ko ang bangka,

Nagsilapit ang mga isda.

Sagot: batingaw



Kung sa ilan ay walang

Kwenta, sa gusali ay

Mahalaga.

Sagot: bato



Iguhit mo’t nagbabalita

Ng maraming talinhaga.



Lumuluha’y walang mata,

Lumalakad na walang paa.

Sagot: ballpen



Heto na si Ingkong

Bubulong- bulong.

Sagot: bubuyog



Bumubuka’y walang bibig,

Ngumingiti ng tahimik.



Nang umaga’y tikom pa,

Nang tanghali’y huma-

halakhak na.

Sagot: bulaklak



Hindi linggo,

hindi piyesta,

naglalakad ang tambora.



Barko ng binyagan,

Pagano pa ang nakalulan.

Sagot: buntis



Kung mahiga ay patagilid

Kung tumayo ay patiwarik



Malaki kung bata

Lumiliit pag tumanda

Dahil sa kakahasa.

Sagot: gulok





Tulisang kambal,

May talim na taglay,

Matagal nagkakagatan,

Di pa nagkakasakitan.

Sagot: gunting



Dalawang iong marikit,

Nagtitimbangan sa siit.

Sagot: hikaw



Manok kung itim,

ng putulan ng dila

saka pa nagsalita.

Sagot: ibong martinez



Bayabas ko

sa tabing bahay,

Ang bunga’y

walang tangkay.

Sagot: itlog



Gumabi man o umaraw,

walng tigil sa galawan,

pinapanhik bawat bahay

pagkain ang sinasalakay.

Sagot: langgam



Dalawang suklob

na pinggan, punong-

puno ng kayamanan.

Sagot: langit at lupa

Isang silong tanikala,

sa leeg iniakma;

ang magsuot diwata,

gumaganda’t gumagara.

Sagot: kuwintas



Ala divino de gracia

Malayo ang bulaklak sa bunga.



Isag pamalu- palo,

Libot na libot ng ginto.

Sagot: mais



Hindi tao,

hindi hayop,

may katawan,

walang paa,

may ilong walang mukha.

May tainga walang ulo.

Sagot: martilyo



Hindi akin,

hindi iyo,

ari ng lahat

ng tao.

Sagot: mundo



Batang marmol

ng buto, binalot

ng gramatiko.

Sagot: ngipin

Balat ay berde,

Buto’y itim.

Laman ay pula,

turingan mo kung ano siya.

Sagot: pakwan



Nan maliit ay sirkero,

nang lumaki

ay musikero.

Sagot: palaka



Puno’y bumbong,

sanga’y ahas,

bunga’y gatang,

lama’y bigas

Sagot: papaya



Lima kong ibon,

nakatuntong sa lahat

ng dahon.

Sagot: patinig



Pinawalan ang bibig,

pinagkuskusan ang puwit.

Sagot: plantsa



Isang tingting na matigas,

nang ikiskis namulaklak.

Sagot: posporo





Nanganak ang aswang,

sa tuktok dumaan.

Sagot: puno ng saging



Mapagabi, mapaaraw,

walang tigil sa pagdaldal,

ngunit kapag nakainisan natin naming napapatay.

Sagot: radio



Sinampal ko muna

bago ko inalok.

Sagot: sampalok



Kung kalian pa iginapos,

saka pa naglibot

Sagot: sapatos



Munting tampipi,

puno ng salapi.

Sagot: sili



Ang ngalan ko ay iisa,

ang uri ko’y iba-iba,

gamit ako ng balana,

sa daliri makikita.

Sagot: singsing



Tumakbo si Kaka,

nabiyak ang lupa.

Sagot: siper



Isipin mong maigi,

aling balo ang sinasaksak sa haligi.

Sagot: sombrero



Kangkong, reyna kangkong,

matulis ang dahon ang bunga ay dupong.

Sagot: talong



Dugtong- dugtong nagkakarugtong

tanikalang humuhugong.

Sagot: tren



Malambot kung hawiin,

ngunit malakas kaysa atin.

Sagot: tunig



Aling hayop sa mundo

ang lumalakad walang buto.

Sagot: uod



Maraming paa’y walang kamay,

may pamigkis sa baywang,

ang ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan.

Sagot: walis



Kun araw ay humahapon,

Kung gabing naglilimayon.

Sagot: kabag-kabag



May binti, walang hita,

May tuktok

walang mukha.

Sagot: kabute



Ang ina ay gumagapang

Pa, ang anak ay nakaupo na.

Sagot: kalabasa



Bugtong kong sapin-sapin

Nakasabit nakabitin.

Araw kung bilangin, isang taon

Kung tapusin.

Sagot: kalendaryo



Mapa- tubig, mapalupa

Ang dahon ay laging sariwa

Sagot: kangkong



Makina kong si Moreno,

Nasa puwit ang preno.

Sagot: karayom at sinulid



Tabla magkabila,

Alulod sa gitna

Sagot: dahon ng saging



Alisto ka pandak,

Daraing si pabigat.

Sagot: dikin



Isda ko sa upak,

Nagtatatalak.

Sagot: dila

Pagbali- baliktarin man

Din, may butas pa rin.

Sagot: donat



Magkapatid na prinsesa,

lahat nama’y pawang negra.

Sagot: duhat



Hulaan mo,

anong hayop ako.

Ang abot ng paa

ko’y abot rin ng

ilong ko.

Sagot: elepante



Isang hayop na mliit,

Dumudumi ng sinulid



Isang alwaging masipag,

Gumagawa’y walang itak.

Sagot: gagamba



Munting hayop na pangahas,

Nasugba sa ningas.

Sagot: gamu-gamo



Bahay ni San Vicente,

punong- puno

ng diyamante.

Sagot: granada

Tinaga ko sa puno,

Sa dulo nagdugo.

Sagot: gumamela



Mag- asawang

magsinliwanag,

araw- gabi’y ibig magyakap,

tutol ang mga anak.

Sagot: hagdanan



Aling hayop sa mundo,

ang labi ay buto.

Sagot: ibon



Nagsaing ako ng apoy,

tubig ang iginatong.

Sagot: ilaw na gasera



Naghain si Lolo,

Unang dumulog ay tukso.

Sagot: langaw



Malapit sa tingin,

hindi marating,

malayo kung liparin

malapit kung tanawin

Sagot: langit at bituin



Mayroon akong gating,

hindi ko matingnan

Sagot: leeg



Kung bayaa’y mabubuhay,

Kun himasin ay mamamatay.

Sagot: makahiya



Heto na si Kuya,

May sunog na baga.

Sagot: manok na tandang



Nakakulubong ay

walang ulo,

kinatatakutan ng gago.

Sagot: multo



Tatlong bundok

ang tinibag,

bago narating

ang dagat.

Sagot: niyog



Walang hininga ay may buhay,

walang paa ay may kamay.

Mabilog na parang buwan,

ang mukha’y may bilang.

Sagot: orasan



Narito na si Katoto,

may dala- dalang kubo

Sagot: pagong



Nang salat sa yaman,

saka nagmayabang.

Nang naging mayaman,

doon nawala ang kapalaran.

Sagot: palay



Sa walang buhay inihayag

ang liham ng pagliyag.

Noong malinis ay hinahamak,

nang magkaguhit ay kinakausap.

Sagot: papel



Sapagkat lahat na

ay nakahihipo,

walang kasindumi’t

walang kasingbaho.

Bakit mahal natin

at pinakatatago.

Sagot: pera



Dito ko itinanim,

doon lumaki

Sagot: plaslayt



Nang manganak ang birhen,

itinapon ang lampin.

Sagot: puso ng saging



Hindi lingo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.

Sagot: saging



Nagsaing si Kurukutong,

kumukulo’y walang gatong.

Sagot: sabon



Hindi naman hari,

hindi naman pari,

nagsusuot ng sari – sari

Sagot: sampayan



Sinisindihan,

wala naming inilawan.



Isang lupa- lupaan,

sa dulo ng kawayan

Sagot: sigarilyo



Nang ihulog ko’y buto,

nang hanguin ko’y

malaking trumpo

Sagot: singkamas



Ipinalilok at ipinanlubid,

naghigpitan ang kapit.

Sagot: sinturon



Bahay ng hari, lipos ng tari.

Sagot: suha



Ang lokong si Hudas,

dila ang tsinelas.

Sagot: suso



Bugtung- bugtong,

magkakarugtong.

Sagot: tanikala



Nang hawak ay patay,

nang ihagis ay buhay.

Sagot: trumpo



Isang taong inabangan,

nang mahuli’y saka pinawalan.

Sagot: tubig ulan sa alulod



Hindi hayop, hindi hunghang,

lumuluha ang abutan.

Sagot: usok



Tubig na sakdal linaw,

natipak, nahahawakan.

Sagot: yelo

No comments:

Post a Comment