ALAMAT NG BAWANG
Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kanyang ama. Totoong mahirap lumaking walang ama.
Noong una ay hirap din si
Sa pakiwari ni
May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga maaring makapag- asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging pamantayan ni
Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag- usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang kutis at balinkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap ang mga mata niya. Ang mga labi niya kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na dala lalo’t kapag siya ay nagtatampo na.
Sapagkat marunong makipag- kapwa tao kaya siya ay kaibigan ng mga bata at matatanda. Mahirap at mayaman ay pantay- pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pakikiharapan niya. Wala siyang pinipili. Para sa kanya ang pagpapakatao ay isang mabuting pag- uugali at sapagkat tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rind aw tayo sa pinanggalingang lupa ni Bathala.
Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit na lahat ay pinakikiharapan ng anak, nangangarap pa rin ang ina n asana ay mayaman at makapangyarihang binata ang mapapangasawa ng kaniyang magandang dalaga.
May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag- ibig sa kaniya pero wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat ng manliligaw niya ay nagpapakiramdam at nagpapayabangan, mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng mangingibig na nagpapasikatan.
Nariyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lamang ay mayabang na itong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero sinamang palad, nabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay niya kaagad.
Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaymay na katawan ng mangingibig.
Nasundan ito ng adbenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay mayabang na lumusong sa ilug- ilugan na kinaroroonan ng pinakamabangis na buwayang kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus- diyosan ng mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag. Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng hininga bago tuluyang namatay ang diyablo.
Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na mangingibig. Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag- aagawan ng kabinataan.
Naisip ni
Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Nariyan si Arturo na anak ni Datu Basti at nariyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang tanging pamantayan ni
Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punong- puno ng kalungkutan ang katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud- sunodpang naglaban ang marami pang mangingibig na handing mag- alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan patungo sa ituktok ng bundok.
“Bathala ng Kabundukan!” nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, “Kunin nap o ninyo ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na hirap nap o ako, ang kalooban kong maging instrumento upang pag- aawayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na nagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na po ninyo ako. Maawa nap o kayo! “Pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama ng pag- ibig na nakauunawa at sagrado.
Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan sa bumuhos na ulan. Nagsalubungan ang matatalim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may mga ngiti sa labi sa katuwaan.
Niyapos ni
Maligaya si Kulala sa kinaroonan ni Bathala. Sa tuktok ng bundok ipinalibing ni
Lagi niya itong dinadalaw hanggang isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni Kulala. Tumingala sa langit si
“Nasa kaharian ko na si Kulala at masayang- masaya. Ang halamang iyan ay magpapaalaala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at ipakilala sa mga tao.”
Kumuha ng mga bunga ng halaman si
No comments:
Post a Comment