Thursday, April 23, 2009

ALAMAT NG BAHAG-HARI

ALAMAT NG BAHAG- HARI

Maraming tao ang nagtataka at humahanga sa magagandang kulay ng bahag- hari. Subalit hindi nila matiyak ang totoong pinagmulan nito. Sabi ng mga matatanda na tuwing lalabas ang bahag- hari, nagbibgay ito ng pahiwatig sa tao. Makalipas ang ilang libong taon, maraming nilikha ang naghahari sa kalupaan. Ang pamumuhay nila ay naging masaya at ang bawat isa ay nagmamahalan.

Lumipas ang ilang taon, naiba ang takbo ng kanilang buhay. Naging makasalanan at gumulo ang mga tao. Naghari ang kasamaan, iilan lamang sa kanila ang naging mabubuting tao. Ang Dakilang lumikha ay hindi na natiis ang nangyayari sa mundo. Isang araw nagpadala ito ng sugo para iparating sa mga tao na magsisi na sila sa kanilang mga kasalanan at magbago.

Hindi pinakinggan ng mga tao ang sugo na ipinadala, sa halip ay pinagtawanan at sinaktan pa ito. Ang Dakilang lumikha ay nagalit sa mga tao dahil sa kanilang kalapastanganan.

Pinarusahan ng Dakilang lumikha ang mga tao. Nagdilim ang kalangitan at bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya’t bumaha ang buong kapaligiran. Ang lahat ng masasamang tao’y nangamatay at ang mga mabubuti na nakinig sa sugo lamang ang nakaligtas at naiwan. Nang tumigil na ang malakas na ulan at humupa na ang baha ay muling umaliwalas ang langit. Mula sa langit ay natanaw nila na may isang arko ang lumitaw at nagtataglay ito ng iba’t ibang mga magagandang kulay. Nagdasal ang mga mabubuting tao at tunay na nananalig sa Dakilang lumikha. At ang arkong may iba’t ibang kulay ay tinawag naBahaghari.” At hanggang ngayon ay makikita natin lumalabas ang Bahag- hari matapos umulan ng malakas. Marahil paalala ito ng Diyos na kung tuluyang magiging makasalanan ang mga tao’y muling malilipol ang mga masasama.

2 comments: