Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at laging taas noo. Ipinagmamalaki nito ang makinis na katawan.
Berdeng- berde and kabuuan ng Kawayan. Sariwang- sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalalaunan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Napalinga- linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas at Santol. Tuwang- tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilapag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na santol at berdeng- berde na mga Bayabas. Nilapitan din nila ang mg apuno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang- pula ang Makopa. Hinog na hinog na rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang- tuwa ang mga kabataan habang ang mga prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala siyang bunga na maipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag- uusapan.
Sa galit ni Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin. Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Bayabas, Santol, Caimito at Makopa. Tuwang- tuwa si Kawayan.
Minsan ay may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Napalinga- linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapuputol sa puno ng kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila nang malingunan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali- daling namitas ng mababangong bulaklak ang binata. Ang mahalimuyak na Rosal at Sampaguita ay handog na nakapagpapaligaya sa dalaga. Dahilan sa magagandang bulaklak, ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag- iibigan.
Inis na inis na naman si Kawayan. Wala siya kahit isang bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang Ulan.
Sunod- sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga tangkay ng magagandang bulaklak ni Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila napansin ang mga sanga ng Kawayan pagka’t makikitid ang dahon nito. Natuwa sila ng matanawan ang puno ng Banaba. Talagang malalapad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitan ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangit na Kawayan. Nang makaalis na sina Lola Jovita at Lolo Guillermo ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa- awing puno na lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin at mapagmataas nito. Bilang parusa, ang laging nakatingalang kawayan ay pinayuko ni Bathala kapag nahihipan ng malakas na hangin. Ang pagyuko ni Kawayan ay pagbibigay halaga na anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso ninuman.
Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

No comments:
Post a Comment