Isa sa 12 pangunahing bayani ng lalawigan ng Bulacan
Padugo Ng Himagsikan Sa San Rafael
BINIHAG ng Español ang kapatid nilang babae, si Victoria. Ipiniit naman si Petrona, ang kanilang ina, sa Bilibid, sa Manila. Walang tinag, inalay ni Anacleto Enriquez at ng kapatid, si Vicente, ang kanilang buhay sa dambana ng kalayaan sa isang madugong puksaan sa simbahan ng San Rafael, Bulacan, nuong Noviembre 30, 1896.
Si Anacleto si ‘Matang Lawin,’ ang tinatakan ng Español na pinagka-mapanganib na katipunero sa Bulacan. Ito ang pinili niyang ‘balatkayong palayaw’ (nom de guerre, alias) nang sumapi siya, pati na si Vicente, sa Kataas-kataasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ni Andres Bonifacio.
Batang-bata, wala pa siyang 20 taon gulang nang itigil ang dapat sana ay huling taon ng pagkuha sa Ateneo Municipal de Manila ng Katatasan sa Panitik (Bachillerato, Baccaulaureate, tumbas sa ‘A.B.’ ngayon).
ANACLETO ENRIQUEZ (1876 - 1896)

Isinilang siya nuong Septiembre 25, 1876 kina Vicente de Jesus at Petrona Gatmaitan Sepulvida-Fernando sa nayon ng Bulacan. Naka-barkada nilang magkapatid sa Ateneo ang kapit-bahay at kaibigang Gregorio del Pilar na, tulad nila, ay isang tagahanga rin ni Jose Rizal. Naipakilala pa si Anacleto kay Rizal sa Hotel del Oriente sa Manila.
Kaya hindi kagulat-gulat na tumigil ng pag-aaral si Anacleto at batang kapatid nuong Julio 1896 upang sumanib sa himagsikang sinimulan ni Bonifacio nuong Julio 1892 nang dakpin ng Español si Rizal at ipatapon sa Dapitan [nasa kasalukuyang lalawigan ng Zamboanga del Norte sa Mindanao].
Sa utos ni Bonifacio, umuwi si Anacleto sa Bulacan upang itatag duon, katulong si Doroteo Karagdag, ang ‘Baranggay Uliran’ (pueblo de fiel, faithful village) sa ilalim ni Isidoro Torres, general at pinuno ng Katipunan sa lalawigan. Upang lumakas, bumuklod ang Baranggay Uliran sa Baranggay Apoy (pueblo de fuego, fire village) ng nayon ng Malolos at binuo ang Sangguniang Apoy (comisario de fuego, fire commission).
Walang isang buwan ang nagdaan, nabunyag ang Katipunan at inutos ni Bonifacio nuong Agosto 27, 1896 na simulan ang himagsikan. Tapos, nagsalpukan ang mga katipunero ni Bonifacio at mga Español sa Pugad Lawin, sa Caloocan.
Hindi handa ang mga katipunero ng Bulacan na lumaban sa anumang digmaan. Kulang sila sa mga kasapi, walang silang mga baril at iba pang sandata (armas, weapons), hindi sila marunong makipag-bakbakan o magpatakbo ng hukbo. Bagaman lahat, bantog si Anacleto na asintado sa baril, matapang at matatas sa harap ng kalaban. Sa bahay pa nila nagtitipon nang lihim ang mga katipunero, kaya hindi naiwasang siya ang pinili bilang pinuno.
Nuong Octobre 20, 1896, ipinatawag ni General Torres si Anacleto sa Masukol, sa nayon ng Paombong, at hinirang siyang general din at ika-2 pinuno ng Katipunan sa Bulacan. Hinirang din ang kapatid niyang si Vicente na coronel bilang kapalit na pinuno ng iniwang pangkat Uliran.
Nuon sila natuklasan ng mga Español at inusig ang kanilang familia, ikinulong ang kanilang ina at ang kapatid na babae. Isang malaking hukbo ng mga sundalong Español (infanterio, soldiers), kasama ang maraming Guardia Civil, ang sumugod sa Bulacan, pinamunuan ni Teniente Coronel Lopez Artiaga.
Inutos ni General Torres kay Anacleto na tumatag sa Hacienda Buenavista [ang naging, at kasalukuyang San Ildefonso]. Nuong Noviembre 29, 1896, dinala ni Anacleto ang kanyang 800 katipunero duon subalit agad niyang natanto na mahihirapan silang magtanggol duon laban sa Español. Kinabukasan ng madaling-araw (alba, dawn), dinala ni Anacleto ang kanyang pangkat
sa hilaga (norte, north) at tumatag sa luob ng malaki at matibay na simbahan ng nayon ng San Rafael.
Halos kasunod nila, dumating ang mga Español nuong ika-7 ng umaga nuong araw na iyon ng Noviembre 30, 1896. Ilang oras nilang kinanyon ang mga katipunero sa luob ng simbahan at, nang ayaw sumuko ni Anacleto, lumusob ang mga Español. Walang patawad at mano-a-mano ang bakbakan sa buong simbahan, sa sacristia, altar, hanggang sa pang-awitan (coro, choir). Sinabing umabot sa bukong-bukong (tobillo, ankle) ang lalim ng dugo (sangre, blood) na nakalatag sa sahig ng simbahan pagkatapos ng bakbakan. Maraming bangkay ang natagpuang pugod ang
ulo, wakwak ang mga sikmura.
Napatay lahat ng katipunero, pati sina Anacleto at Vicente. Inilathala ang balita ng bakbakan sa El Diario de Manila. Binanggit nang tangi na nuong natagpuan ang bangkay ni Anacleto, hawak-hawak pa niya ang kaputol ng buhok ni Clara Siapit, ang dalagang inibig niya at sinumpang pakakasalan pagkatapos ng labanan.
Ngayon, isang tatak na lamang ang nasa harap ng simbahan ng San Rafael bilang palatandaan ng pinaka-madugong labanan sa Bulacan nuong himagsikan ng 1896, at ng giting ng binatang ayaw sumuko sa harap ng makapangyarihang kalaban, si Anacleto Enriquez.

ANG MGA PINAGKUNAN
Blood offering, Manila Standard, September 27, 2006, www.manilastandardtoday.com/?page=alvinCapino_sept27_2006
Anacleto Enriquez, Katipuneros of Bulacan, Ang Kasaysayan ng Pilipinas, www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/katipuneros.htm
http://www.elaput.org/enriquez.htm
No comments:
Post a Comment