ALAMAT NG LAMESA
Ayon sa mga matatanda, nakuha ang Lamesa ang pangalan nito ng di sinasadya.
Noong panahong iyon, ang mga sasakyan noon ay lubhang napakahirap. Walang ibang paraan kundi maglakad upang makarating sa iba’t-ibang lugar. Ngunit dito’y hindi naging hadlang sa mga tao, na lubhang mahilig sa mga pista at maglakbay. Tuwing piyesta sa bayan ng Sta. Cruz ang mga tao’y nagbabaon o nagdadala ng pagkain makapamista lamang, sa isang lugar na kung saan paboritong kainan ng mga taong naglalakbay, may isang malapad na batong nagsisilbing mesa sa mga kumakaing manlalakbay. Dito rin ay may isang maliit na batis na maiinuman. Isang araw may isang tao ang nagsabing sila’y tumigil sa Lamesa. (Ibig sabihin ay mesa). Ang lugar na may patong parang mesa. Mula noon ang lugar na iyon ay tinawag na LAMESA.
No comments:
Post a Comment