ALAMAT NG KAPAYANG
“Nanay”, “nanay”, ang tanong ni Lanie.
“Narito ako”, ang sagot ng nanay. Ano ang Kailangan mo, ang tanong ng nanay.
“Nanay, ang guro ko ay nagbigay ng gawaing pambahay ukol sa Araling Panlipunan.”
“Ano iyon”, tanong ng nanay.
“Heto ang aming gawain, bakit ang nayon po ay tinawag na Kapayang. Alam mo ba iyon Inay”, ang tanong ni Lanie.
“Oo Lanie, ngunit marami akong gagawin, mabuti pa ikaw ay pumunta sa iyong lola. Siya’y makakapagkwento ng mahusay kaysa akin”, ang sabi ni nanay.
Si Lanie ay dagliang pumunta sa lola niya at ito ang sinabi niya kay Lanie.
Maraming taon ang nakalipas noong madalang pa ang tao sa lugar na ito. May ibang magsasaka dito. Sila ay nagtanim ng maraming puno ng papaya na malapit sa kani-kanilang bahay at sa kanilang kaingin. Maraming marami ang papaya na napipitas nila kaya ang mga tao sa ibang lugar ay pumunta rito sa pagbili ng maraming papaya. Ang mga bunga ay tinawag na kapaya. Kapag may pumunta sa lugar na ito ay sinasabi nilang sila ay pupunta sa lugar ng kapayahan. Kaya mula noon ay tinawag na itong lugar na ito na KAPAYANG sa halip na kapayahan.
No comments:
Post a Comment