Wednesday, April 22, 2009

ALAMAT NG HINADHARAN

ALAMAT NG HINADHARAN

Noong unang panahon, ang baryo Hinadharan ay isang sitio lamang ng Sayao. Ito ay may malawak na kargahan ng maraming baka at kalabaw. Isang araw, may isang matandang magsasaka na makalipas ang maraming taon niyang paghahanapbuhay ay naisipan umakyat sa bundok. Walang anu-ano, may nasalubong siyang mag-asawa. Bagama’t hindi nito ito kilala, ay nagtanong siya rito, tinanong niya ng mag-asawa kung bakit ang baka at kalabaw ay nagtatakbuhan. Ang sagot naman ng lalaki sa matanda, “Tumakbo ka rin sa hulihan ng mga hayop, Hagarin mo!.....Tumakbo naman ang matanda sa hulihan ng mga hayop, hanggang sa maramdaman ang matinding pagod. Nagbalik siya sa mag-asawa at ang sabi, “Hadhad, Hadhad”. Ang mag-asawang nakatira sa bundok ang tuwang-tuwa sa matanda hanggang sa masambit nitong “Hinadharan” at ang matanda’y biglang naglaho.

Magmula noon ang nasabing sitio ay naging baryo at sinimulang tawaging HINADHARAN, at hanggang ngayon ay tinatawag na ring “Hinadarahan”.

No comments:

Post a Comment