ALAMAT NG GUISIAN
Noong bago dumating ang mga Kastila, ang ating probinsya ay maraming pirata na ang gawain ay nakawan ang mga mayayamang pamilya ng ginto at pera at kaagad ay umalis, sakay ng kanilang bangka. Nang panahong iyon, ang kanilang lugar sa mga sasakyang dagat dahil ang mga pirata ay madaling makapagtago bago sila makarating sa lugar na kanilang pupuntahan o lilipatan dala ang mga ginto at pera na nasa gusi na ibabaon sa dalampasigan upang hindi makita ng mga tao.
Nang dumating ang mga Kastila sa ating lalawigan nakarating sila sa hindi kilalang lugar. Napansin nila na ang mga pirata ay maraming gusi. Isang Kastila ang nagtanong sa pirata, “Anong pangalan ng lugar na ito?” Dahil sa hindi pagkakaunawaan agad sinabi ng pirata na “Gusi”, dahil ang pagkakaunawaan ng mga pirata ay itinatanong ng mga Kastila ay ang dala nilang banga, kaya noong panahong ding iyon ay tinawag nila ang lugar na “GUISIAN” dahil sa salitang gusi.
No comments:
Post a Comment