ANG ALAMAT NG SAMPALOK
Noong araw ay may isang mayamang babaing ubod ng suwapang at masamang ugali. Ang pangalan niya’y Felicidad. Donya Felicidad kung tawagin siya ng lahat.
Dahil sa kasamaan ng ugali ni Donya Felicidad, hindi niya pinagamot ang asawang may sakit. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang kayamanan. Namatay ang lalaki na hindi nabigyan ng remedyo.
Mula nang mamatay ang asawa ni Donya Felicidad ay lalo siyang nagging masama ang kanyang pag-uugali. Pinalayas pa niya ang kanilang enkargadong si Regalado ‘pagkat’t nanghihinayang na siya sa ibinabayad dito.
Isang araw, nag-ususap ang mga magsasaka sa pangunguna ni Regalado. Pinag-uusapan nila ang kanilang kawawang buhay dahil kay Donya Felicidad. Nag-isip sila ng paraan kung paano maihaharap sa donya ang kanilang reklamo.
Nalaman ni Donya Felicidad ang pag-uusap ng mga magsasaka. Nagalit ito ‘pagkat inisip na baka masama na ang gustong gawin sa kanya ng mga magsasaka. Lalong nagging masama ang ugali ng Donya at nang dumating ang anihan ay walang itinira sa mga magsasaka. Kinuha niya lahat ang mga inaning bigas at sinabing iyon ay bayad sa mga utang sa kanya.
Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang na bigas para makain lamang ng kanilang pamilya. Pero hindi naawa ang donya.
Dahil doon, naisipang umalis ng mga magsasaka sa lupa ni Donya Felicidad. Isang araw, may matandang pulubing pumasok sa villa ng donya para humingi ng pagkain. Gayon na lamang ang galit ni Donya sa utusang napapasok sa pulubi. “Ikaw, ano ang kailangan mo rito?”
“Ako po’y nagugutom at ibig ko lang pong manghingi ng kaunting pagkain, “ and sagot ng pulubi.
Kumuha ng kapirasong tinapay si Donya Felicidad at nang hawak na’y sinampal ang pulubing inalok. “Hayan ang tinapay. Umalis ka na at uli-uli ay huwag mong dudumihan ng mga marurumi mong paa tiong aking villa”
Hindi mo sa inirespeto ang katandaan ko,” ang galit na sabi ng pulubi. “Sinampal mo ako at saka inalok.” At pagkasabi niyon ay umalis na ang pulubi na isinigaw ang salitang “Sampal-alok! Sampal-alok!
Parang nabingi si Donya Felicidad at walang malamang gawin. Nagtatakbo siyang pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito ay nahulog. Noon din ay namatay ang may masamang ugaling babae.
Ang mga nangyaring iyon ay nalaman ng lahat ng mga tao. Inilibing nila ang donya sa isang lugar, pagkatapos ay kinuha ang mga pagkain sa bodega at sinunog ang villa.
Makaraan ang ilang buwan, may tumubong punong kahoy sa pinaglibingan ng donya. Ang bunga ay maasim katulad ng maasim na ugali ng donya. Tinawag nila itong “sampal-alok,” at di nagtagal, pinaikli nila itong “sampalok”.
No comments:
Post a Comment