ANG ALAMAT NG MOGPOG
Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, wala pang mga bayan o baryong matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga taong namumuhay lamang sa isang komunidad na binubuo ng 30-100 pamilya.
Noo’y isang komunidad pa lamang ang bayan ng Mogpog, nakatira ang dalawang mag-asawang mayaman ngunit sila ay walang anak. Sila’y sina Magno at Francisca na lalong kilala sa tawag na Pakita.
Ang buong yaman nila ay ibinuhos na lamang nila sa pagtulong sa mahihirap at pagkakawanggawa di kataka-takang mahalin sila ng halos lahat ng tao sa komunidad. Isang araw, dumating ang mga bandidong Moro at nanakot sa bayan. Napatay sina Magno at Pakita. Buong komunidad ay nalungkot sa nangyari at bilang pagmamahal sa mag-asawa inilibing nila ito sa gitna ng komunidad at pinangalanan itong MAGPAK, mula sa pangalan nina Magno at Pakita.
Noong dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ilan dito ang nanirahan sa Magpak itinanong sa mga tao ang pangalan ng lugar, ngunit sa kahirapan nilang mabigkas at sinabi na lamang nilang MOGPOG at simula noon, ito’y tinawag na MOGPOG.

Salamat sa info about mogpog
ReplyDelete