Wednesday, May 13, 2009

Sine Sine Lang

Sine Sine Lang

ni MARK ANTHONY V. OBSIOMA

Wanted: Trabaho!

“Uyy… Ano ‘to, trabaho? Talaga namang sinuswerte ka ah… hehe”

Iyan si Mark ang taong palaging naghahanap ng trabaho. Talagang masipag si Mark … sa paghahanap ng trabaho. Hindi siya namimili ng trabaho kasi para sa kanya ay ang pagkakaroon ng trabaho ay makakatulong sa kanya sa pagpaparami ng mga karanasang trabaho. Ang ilan sa mga trabahong napasukan na niya ay ang pagiging isang waiter sa sikat na Japanese restawrant, iyon ang gusto niya subalit naging janitor lamang siya dahil sa nakabasag siya ng isang mamahaling gamit, kaya na demote. Naging isang clerk rin siya sa opisina … subalit napagbintangan siya na nagnakaw sa isang mamahaling vase sa opisina ng Institute Librarian sa isang sikat na unibersidad sa Iligan. Namasukan rin siya bilang isang manager sa isang manokan na restawrant pero naging isang taga-ihaw lamang siya dahil sa ninakaw ang ilang mga bote ng softdrinks kaya na demote na naman. Kaya talagang hindi namimili si Mark sa kung anong trabaho dahil kahit anong trabaho, malaki man o maliit ang sweldo basta ito’y mabuti at hindi galing sa masama ay marangal na iyon. Iyan si Mark ang masipag at hindi namimili ng trabaho.

Isa lamang si Mark sa ilang milyong Pilipino na naghahanap ng trabaho.

Isang umaga habang papunta na sana siya sa kanyang trabaho bilang isang supervisor sa isang malaking kompanya sa Cagayan de Oro. Itago na lang natin ito sa pangalang Nesley.

“Prrrtttt!!..” sabi ng gwardya.

“Ano na naman ang problema mo gard? I.D lang ba. Nakita mo ‘to? I.D. ko yan… MARK ANTHONY V. OBSIOMA … gusto mo pa e-espel ko? MA-A-RA-KA-A-NA-TA-HA-O-NA-YA-VA-I-BA-SA-I-O-MA-A . Alam mo ba ‘yon? Alfabetong Pilipino ‘yon. Huh!” Buong pagmamalaki ni Mark sa gwardya.

“Alam ko ‘yon, ulol! Nakita mo ‘to? Di ba ikaw yan? Bawal ka ng pumasok sa kompanyang ito. Dahil sa ginawa mo sa president ng kompanya.”

Hindi na pinapasok si Mark sa kompanyang Nesley. Sapagkat hindi niya alam na ang taong pinagtitripan niya ang ang presidente ng kompanyang Nesley. Kaya mula sa opisina ay naglakad ito papuntang syudad. Sa kakalakad niya ay nakita niya ang karatulang: WANTED: TRABAHO!

Agad-agad niyang hinanap ang address na nakalagay sa karatula. Pinuntahan niya ang address hanggang sa nakita rin niya ang parehong karatula at siya’y pumasok.

“Ah eh, gard, gusto ko sanang mag apply.”

“Ah ganun ba? Ok, magbabayad ka muna para makapasok.”

“Magkano naman?”

“60 pesos”

“Ha? Ang mahal mahal naman. Hindi naman ako pumunta rito para magbayad. Pumunta ako rito para mag apply.”

“Oo, nga. Kaya magbayad ka muna.” Sabi ng gwardya.

“Pambihirang buhay to oh.”

Pumasok na si Mark sa loob ng establisamento. Ngunit panay ang sigaw niya dahil sa madilim ang lugar. Buong akala niya ay ang trabahong naghihintay sa kanya ay isang taga-ayos sa mga sirang bombilya o iyong electrician. Kaya proud na proud si Mark dahil ito’y pinag-aralan niya ng anim na buwan sa Mesda bilang bokasyunal na kurso. May nakita siyang mga taong nasa madilim na lugar habang may kasamang mga kapwa lalaki. Marami at ang iba’y tig-iisa.

Pumasok si Mark at buong akala’y isang electrician, isa lang palang tig-ooperate ng pelikula sa isang sinehan na puro bold ang palabas.

Haha! Kapag galing sa mabuting trabaho kahit malaki o maliit ang sweldo, ito’y marangal at dapat ipagmalaki.

No comments:

Post a Comment