Ang Paglalagay ng Kuliling sa Pusa
Mayroong isang malaking pamilya ng daga na nakatira sa bodega ng isang magsasaka. Ang bodega ay puno ng mga mais, boigas, at damo. Ang mga daga ay makakapamuhay dito ng matahimik at komportable kundi lamang sa malaking pusa na alaga ng magsasaka na nagninigay sa kanila ng mga alalahanin at panganib.
Isang araw, ang mga daga ay nagsagawa ng pagpupulong at tinalakay kung ano ang dapat gawin upang maiwasan na mahuli ng pusa.
Isang matalinong batang daga ang tumayo at nagsabi:
"Talian natin ng laso na may kuliling ang leeg ng pusa, para marinig natin kung siya ay parating na."
Ang ideya ito ay hinangaan at pinalakpakan.
Ngunit may isang matalinong matandand daga ang nagsabi:
Ang kuliling sa leeg ng daga para nababalaan tayo upang maging ligtas tayong lahat ay isang magandang ideya, pero sinu ang nagtatali ng kuliling sa leeg ng pusa?'
Ang mga daga ay nagtinginan. Nagkaroon ng mahababg katahimikan. Walang may gusto na gawin ito.
No comments:
Post a Comment