Wednesday, May 13, 2009

Ang Hari at ang Gagamba

Ang Hari at ang Gagamba

Si Haring Bruce at ang kanyang mga tauhan na pawang mga sugatan ay nagkubli sa isang gubat. Matapos na takasan ang kanilang mga kaaway na nagpatalsik sa kanya, sa kanyang trono.

Nang ang kanyang mga tauhan ay nakabawi na ng lakas, Sila'y muling nakipagtunggali sa kanilang mga kaaway ngunit sila'y muling nagapi. Halos anim na beses na silang nagtangkang makipaglaban ngunit ganoon parin ang nangyayari. At sa wakas napagisip-isip ni Haring Bruce na sumuko na at hindi na muling lumaban pa.

Isang araw nakakita si Haring Bruce ng isang gagamba na kasalukuyang gumagawa ng kanyang sapot na tirahan. Nais ng gagamba na makatawid sa kabilang sanga upang matapos na ang kanyang tirahan.

Anim na beses siyang nagtanagkang tumawid sa kabilang sanga ngunit lagi siyang nabibigo. Hindi huminto ang gagamba sa pagsubok na tumawid sa kabilang sanga, hanggang sa maabot na niya ito. Sa wakas natapos na niya ang kanyang tirahan.

Si Haring Bruce ay napatalon sa tuwaat nagwikang: "Maraming salamat munting gagamba! May natutunan akong leksyon mula sa iyo. Na huwag akong susuko sa pakikipaglaban hanggang sa ako'y magtagumpay."

Ginawa nga ng hari ang kanyang sinabi. Siya at ang kanyang mga tauhan ay humayo na at muling mkipaglaban sa abot ng kanilang makakaya. Si Haring Bruce at ang kanyang mga tauhan ay nagapi ang kanilang mga kalaban at muling nagbalik ang hari sa kanyang trono.

Mensahe:

Sa mga pagsubok huwag kang susuko.

No comments:

Post a Comment