Ang Dalawang Magpuputol ng Kahoy at ang Diwata
ni Maria Monita Manalo
Isang hapon, isang mahirap na magpuputol ng kahoy ang pumasok sa kagubatan upang pumutol ng isang puno na gagamiting panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid na puno na nasa tabi ng Sawa at sinimulang ihataw ang kanyang palakol. Ang taginting ng palakol ay dinig sa buong kagubatan. Binilisan ng magkakahoy ang pagputol upang hindi siya abutin ng gabi. Ngunrt ang matalim na palakol ay lumuwang at natapon sa Iawa.
Tumalon ang lalaki sa tabi upang hanapin ang patalim ng palakol. Pauiit-ulit siyang sumisid ngunit hindi niya makita iyon. Naupo siya sa paanan ng kahoy at nagmuni-muni kung ano ang dapat niyang gawin. Walang anu-ano ay biglang lumitaw ang isang diwata na nagtanong.
"Ano ang bumabagabag sa iyo, mabuting lalaki?"
"Ang patalim po ng aking palakol ay nalaglag sa tubig. '' ang kanyang sagot "Pinag-iisipan ko po kung makikita ko pa iyon."
"Titingnan ko kung ano ang magagawa ko," sabi ng diwata, at tumalon siya sa lawa.
Hindi nagtagal at pumaibabaw siya, hawak ang talim ng palakol na lantay na ginto. Kumislap ito nang masilayan ng araw habang ang tubig ay tumutulo.
"Ito ba ang patalim ng iyong palakol?" tanong ng diwata
Nabanggit sa Simula pa ng kwentong ito na ang magpuputol ng kahoy ay isang mahirap lang na tao. Alam niya na kung mapapasakanya ang gintong palakol, siya ang magiging pinakamayamang tao sa buong baryo. Ngunit kaagad siyang uniling sa tanong ng diwata at nagsabing "hindi po, hindi po 'yan sa akin!"
Iniwan ng diwata ang gintong palakol at tumalon muli sa tubig. Maya-maya ay lumutang siya, hawak ang patalim na kumikinang na pilak.
"Ito ba?" ang tanong niya.
Tulad ng una, naisip ng magpuputol na kahoy kung gaanong salapi ang mapapakinabangan niya sa pilak na patalim. Ngunit umiling siyang muli at nagsabi, "hindi po, hindi po. lyan po ay hindi sa akin."
Iniwan ng diwata ang patalim sa tabi ng gintong patalim at muling tumalon sa tubig. Hindi nagtagal at lumutang siya, ngayon ay hawak ang kanyang lumang patalim na bakal.
"Itoba?" ang tanong niya.
"Opo, iyan po ang aking patalim," ang sagot ng magpuputol ng kahoy. "Maraming salamat po sa pag-aabala ninyong makuha ito."
Ibinigay ng diwata ang patalim sa kanya ngunit nang magsimula siyang lumakad pauwi ay dinampot ng diwata ang mga pilak at gintong patalim at nagsabi, "Nais kong sabihin na ako ay hanga sa iyong katapatan, Dahil dito ay nais kong ibigay sa iyo ang pilak at gintong patalim sa iyo bilang isang handog," Nagpasalamat ang magpuputol ng kahoy at tuwang-tuwang tinanggap ang handog ng diwata. At masaya siyang umuwi.
Samantala, itong magpuputol ng kahoy ay may isang kapitbahay na nakakita ng mga patalim na pilak at ginto na bandog ng diwata.
"Saan mo nakuha ang mga iyan?" ang tanong nito.
"Nagpuputo! ako ng isang kahoy sa tabi ng lawa nang humagpos ang palakol at tumapon sa tubig. Hindi ko makita ang palakol nang lumitaw ang isang diwata. Nahanap niya ang palakol at ibinigay sa akin, pati na rin ang dalawang ito."
Hindi na nagsalita pa ang magpuputol ng kahoy dahil siya ay isang taong hindi masalita. "Paano ba makakarating doon?" tanong ng kapitbahay.
Sinabi ng magpuputol ng kahoy ang daan papunta sa lawa. Nagmamadaling umuwi ang kapit-bahay at kinuha ang lumang palakol, linuwagan nang kaunti ang patalim at tumakbo sa kagubatan- Tummgin siya sa bawat dako habang naglalakad sa gubat hanggang matagpuan niya ang lawa. Nakita niya ang punong-kahoy na may sibak at natiyak niya na ito ang tamang lugar. Sinimulan niyaag ihataw ang patakol nang malakas, ang timog ay dinig sa buong kagubatan.
Hindi nagtagal at lumuwag ang patalim ng palakol sa hawakan at tumilapon ito sa tubig. Tumalon siyang minsan at nagkunwaring hinahanap ito. Pagkatapos ay naupo siya sa tabi ng lawa at nagmukhang malungkot na malungkot, at nagkunwari pang umiiyak.
Maya-maya ay lumabas ang diwata at... "Mabuting lalaki, ano ba ang ikinalulungkot mo?"
"Nawala ko ang pinakamamahal kong gamit," sagot niya at umiyak pa nang mas malakas.
"Ano ang naiwala mo at paano mo naiwala iyon?"
"Pinuputol ko ang kahoy na ito nang lumuwag ang patalim ng aking palakol at nalaglag sa tubig. Pagkatapos ay naglagay ako- ng ibang patalim at nagpatuloy sa pagputol. Subalit ang ikalawang patalim ay humagpos din at kahit na naghirap akong sisirin at hanapin ang mga iyon ay hindi ko nakita," sagot ng lalaki. Pagkatapos ay itinuloy ang kanyang paghihinagpis.
"Huwag na kayong umiyak, lolo," sabi ng diwata, "at titingnan ko kung ano ang magagawa ko." Pagkatapos ay tumalon siya sa tubig. Hindi pa nagtatagal ay lumutang na ang diwata na hawak ang lantay na gintong palakol na kumikislap sa liwanag ng araw.
"Ito ba ang patalim?" tanong ng diwata.
Agad kinuha ng lalaki ang gintong patalim at nagsabi, "Oo, ito nga ang aking gintong patalim. Maraming, maraming salamat sa pagkakita mo nito. Ngayon ay may isa pa akong dapat hanapin. "Hahanapin ko rin iyon,'" sabi ng diwata.
Pagkaraan ng ilang sandali ay lumitaw ang diwata na hawak ang kumikinang na patalim na pilak. Hinawakan niya sa harap ng lalaki at nagtanong, "Ito ba ang isa pang patalim?"
Tinangkang abutin ito ng lalaki naagad nagsabi, "Oo, oo, ito nga ang pangalawang patalim! Ang galing mong sumisid! Salamat sa pagtulong mo sa akin."
Ngunit inilayo ng diwata ang mga patalim at nagsabi, "Hindi mo makakamtan ang isa man sa mga patalim na ito. Ako ay tumutulong lamang sa mga taong matapat. Lumayas ka sa aking kagubatan at kung hindi ay magsisisi ka!"
Labis na napahiya ang lalaki at dali-daling umuwi. "Ngayon ay nawalan pa ako. Pati yung mga lumang palakol ko," ang sabi niya sa kanyang sarili.
No comments:
Post a Comment