Friday, April 24, 2009

PANDAY PIRA

Panday Pira(1483-1576)

Si Panday Pira ay ipinanganak noong 1488. Walang nakakatitiyak ng eksaktong petsa ng kanyang kapanganakan maliban sa lugar na kanyang pinagmulan, bandang timog ng Luzon.

Ang pamilya ni Panday Pira at sampu ng kanyang kamag-anakan ay nanirahan sa Pampanga. Dito niya tinuruan ang kanyang mga anak na lalaki pati na ang mga kabataang kapampangan sa paggawa ng mga kagamitan at sandatang yari sa bakal o metal. Ang kanulang mga likha ay kilala sa husay at tibay kaya't ang mga ito ay nakilala sa buong Luzon.

Noong Hulyo 1572 ay tinanggap ni Panday Pira ang alok ni Miguel Lopez de Legazpi na magtayo ng pagawaan ng kanyon sa Santa Ana, Maynila na dati kilala sa tawag na Lamayan. Dito ay puspusan ang paggawa nila ng mga sandata para sa puwersa ng mga Kastila.

Sa pagkamatay ni Legazpi noong Agosto 20, 1572, ipinagpatuloy ni Panday Pira ang paggawa ng mga sandata para sa mga Kastila hanggang sa siya ay binawian ng buhay noong taong 1576 sa edad na 88. Ang kanyang pagkamatay ay isang malaking kawalan sa puwersa ng mga Kastila sapagkat walang makalikha sa puwersa ng mga Kastila sapagkat walang makalikha ng sandatang kanyang dinibuho. Maging ang kanyang mga anak ay hindi ito matularan.

Ang kontribusyon ni Panay Pira sa paglikha ng sandata ay malaking tulong sa puwersa ng Pilipinas noong panahon n pananakop ng mga Kastila.

1 comment:

  1. Read more Talambuhay here www.aboutfilipino.com

    ReplyDelete