Friday, April 24, 2009

JOSE ABAD SANTOS


JOSE ABAD SANTOS

Ang Maginuong Bayani

Buong buhay siyang nagsilbi sa bayan, at nang sa katapusan ay dinaig siya ng sukdulang
lapastangan at kalupitan ng manlulupig, ipinagdiwang niya ang sarili niyang kamatayan
bilang isa pa, at kahuli-hulihang paglilingkod sa Pilipinas.

“Huwag kang umiyak, anak! Ipakita mong matapang ka. Bihira, hindi lahat ay nagkakaruon ng pagkakataong mamatay para sa sariling bayan.”

SAMPUNG taon bago sumabog ang himagsikan ng Katipunan, isinilang si Jose Abad Santos sa San Fernando, Pampanga, nuong Febrero 19, 1886, kina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Sa kalapit na kabayanan ng Bacolod siya nagtapos ng segundo enseñanza (intermediate grades) sa munting paaralan ni Ginuong Roman Veler nuong unang pasok ng Amerkano. Sa mataaas na paaralang bayan (public high school) na itinatag ng mga sundalong Amerkano sa San Fernando nagpatuloy ng pag-aral ang binatilyong Abad Santos. Binata na, 18 taon gulang, nang naglakbay siya sa America nuong 1904 bilang pensionado ng pamahalaan upang tapusin ang pag-aaral sa Santa Clara College sa San Jose, California. Pagkatapos, nag-aral siya ng pagka-abogado sa University of Illinois at sa Northwestern University bago nakamit ang bachelor of laws nuong Junio 4, 1908. Siya ay nag-dalubhasa sa batas (master of laws) sa George Washington University hanggang nuong Junio 19, 1909.

Pagbalik sa Pilipinas nuong Deciembre 1, 1909,
nag-pansamantalang kawani (temporary clerk) si Abad Santos sa imbakan ng mga kasulatan (archives division) ng pamahalaan (Executive Bureau) sa Manila. Nakakuha siya ng palagiang tungkulin (regular job) bilang clerk sa kagawaran ng katarungan (bureau of justice) at, pagkatapos maka-pasa sa pagka-abogado (Philippine bar) nuong Octobre 12, 1911, nataas ang kanyang tungkulin, bilang tagapag-salita sa hukuman (court interpreter). Sa kagawaran pa rin, hinirang siyang alalay-abogado (assistant attorney) nuong Julio 31, 1914.

Pagkaraan ng 4 taon, habang nasa private practice, napili siyang abogado ng pambansang banco ng Pilipinas (PNB, Philippine National Bank) na ari ng pamahalaan, nuong Julio 16, 1918. Hindi naman nagtagal, nabalik siya sa pagka-alalay-abogado sa kagawaran ng katarungan nuong 1919 at nakasama sa unang pangkat na ipinadala sa America ng Philippine Assembly upang madaliin ang paglaya ng Pilipinas (parliamentary independence mission). Pagbalik, nagbitiw siya ng tungkulin sa kagawaran at sa PNB.

Nuong Enero 1922, nahirang siyang pang-2 kalihim ng katarungan (undersecretary of justice) at pagkaraan ng 3 buwan, siya ang naging kalihim (justice secretary) mismo sa cabinete ni Governor General Leonard Wood. Nagkagulo sa cabinete at nagbitiw siya ng tungkulin nuong Julio 17, 1923.
Nuong 1926, pinuno siya ng sugong pangkat pa-America, upang itaguyod naman ang pagtuturo sa Pilipinas (educational mission). Nabalik siya bilang kalihim ng katarungan nuong 1928 sa cabinete ni governador Henry Stimson at namalagi siya duon hanggang nuong Junio 18, 1932 nang nahirang siyang hukom (associate justice) sa pambansang hukuman (supreme court) ng Pilipinas. Nuong Deciembre 5, 1938 hanggang Julio 16, 1941, pang-3 ulit siyang naging kalihim ng katarungan sa unang cabinete ng Pilipino, si Manuel Quezon, nahalal na pangulo ng Commonwealth nuong 1935.

Hindi nag-5 buwan, nagsimula ang digmaan. Nuong Deciembre 8, 1941, binomba ng hukbong Hapon ang Clark air base sa Pampanga at iba pang himpilan ng hukbong Amerkano. Pagkaraan ng 2 linggo, nuong
Deciembre 22, nagsimulang sumalakay sa Luzon ang hukbong Hapon sa pamuno ni General Masaharu Homma.

Ipinasiya ni Quezon na tumakas sa America, kasama si Sergio Osmeña, ang Pang-2 (vice president) ng Commonwealth, upang ipagpatuloy ang pamahalaan (government in exile) duon. Niyaya ni Quezon ang kaibigan na sumama sa America, subalit pinasiya ni Abad Santos na manatili sa piling ng familia at mga kamag-anak, at maglingkod sa bayan hanggang maaari sa anumang bahagi ng Pilipinas na hindi pa sakop ng mga Hapon. Malaki ang tiwala at hanga ni Quezon kay Abad Santos na tinuring niyang “isa sa mga pinaka-marangal sa pamahalaan.” Kaya nuong visperas ng Pasko, 2 araw pagkapasok ng mga Hapon, hinirang ni Quezon si Abad Santos na punong hukom ng Pilipinas (chief justice of the supreme court).

Nuong bandang Mayo 1, 1942, dinala ng mga Hapon ang mag-ama sa Parang, Cotabato. May mga sundalong Amerkano at Pilipino na lumalaban pa nuon sa Mindanao, at pinagbabaril ang lantsa (barge) na sinasakyan nila.

“Hoy, dumapa ka!”

Sinigawan ng Hapon, pati si Jose Junior ay napasigaw nang nakitang nakatayo nang tuwid ang ama habang panay ang putok ng mga baril. Parang walang halaga kung tamaan siya.

Pagkadaong, 3 oras silang pinalakad sa putik ng mga Hapon hanggang sa himpilan ng Philippine Constabulary sa Parang. Isang gabi sila duon at nuong hapon kinabukasan, isinakay sila sa truck. Mabagal ang kanilang lakbay dahil may mga labanan pa sa dinaanan nila at May 4, 1942 na bago sila nakarating sa Malabang. Tatlong araw ikinulong ang mag-ama bago sinundo si
Homma Abad Santos ng tagapag-salita (interpreter) ng Hapon, si Kaiji Fukui, nuong ika-2 ng hapon ng Mayo 7, 1942. Hindi nagtagal, pagbalik ni Abad Santos mula sa himpilan ng mga Hapon, hinarap niya ang anak sa isang maliit na kubo.

“Hinatulan nila akong mabitay!”

Hindi nakapagpigil, napabulahaw si Jose Junior. Ngumiti lamang si Abad Santos at mahinahong pinatahan ang anak.

“Huwag kang umiyak, anak! Ipakita mong matapang ka. Bihira, hindi lahat ay nagkakaruon ng pagkakataong mamatay para sa sarili niyang bayan.”
Binilin niya kay Jose Junior na ang buong familia nila ay dapat mabuhay nang marangal upang maging karapat-dapat sa kanilang pangalan. Tapos, lumuhod silang dalawa at nagdasal.

“Pag kita mo sa iyong ina,” sabi ni Abad Santos sa anak, “sabihin mo sa kanyang pinakamamahal ko siya, at kayong lahat.”

Sa kahuli-hulihang pagkakataon, nagyakap ang mag-ama bago inilabas ng mga sundalong Hapon si Abad Santos. Dinala siya sa gitna ng kalapit na bukuhan (coconut plantation). Tumanggi si Abad Santos na takpan ang kanyang mga mata. Nag-antanda na lamang siya ng cross bago humarap sa hanay ng mga sundalo.

Pagkaraan ng ilang sandali, narinig ni Jose Junior ang putok ng mga baril.
1,000 piso “Magiting ang pagkamatay ng iyong ama!” Ito ang pahayag ni Keiji Fukui, ang tagapagsalita ng mga Hapon, kay Jose Junior nang, pagkaraan ng maraming taon, nagkaharap sila muli.

“Bakit mo ipinapatay si Abad Santos?” Nagimbal si General Homma nang biglang sumulpot sa himpilan niya si Kawaguchi nuong Mayo 11, 1942, galit na galit. Lalong nabagabag si Homma nang malamang binitay si Abad Santos. Nuong unang tawag ni Kawaguchi nuong nakaraang Abril, pumayag si Homma na huwag bitayin ang mag-ama. Inutos niya kay General Yoshihide Hayashi na asikasuhin ang pagligtas kina Abad Santos.

“Ikinalulungkot ko ang nangyari,” sagot niya kay Kawaguchi.

Abalá kasi si Homma sa bakbakan sa Bataan at Corregidor. Katunayan, nang sumulpot si Kawaguchi sa harap niya, 2 araw pa lamang ang nakaraan pagkatapos isuko ni General Jonathan Wainright ang hukbong Amerkano sa Corregidor.

Sinabi ni Homma na malaki ang hanga at galang niya kay Abad Santos at ayaw niyang mapatay ito. Subalit nasulsulan si General Hayashi, ang kanyang pinagbilinan, ng mga “mainit ang ulo” - ang mga batang pinuno ng hukbong Hapon tulad ni Inuzuka at ng isa pa, si Major Masanobu Tsuji, ang pinakamasugid na bitayin si Abad Santos. Sila, hindi si Homma, ang nag-utos na ipadala sina Abad Santos sa Mindanao upang
duon bitayin, dahil alam nilang hindi kailan man gagawin ito ni Kawaguchi.

Tulad ng pangako niya, sinagip ni Kawaguchi si Jose Junior hanggang muling lumaya ang Pilipinas pagbalik ng mga Amerkano nuong 1944. Si Kawaguchi naman ay na-destino sa Guadalcanal kung saan siya paulit-ulit tinalo ng mga Amerkano nuong Septiembre 1942. Salanta ang katawan sa gutom, hirap at sakit, nakatakas siya nang buhay bagaman at inalis siya sa tungkulin sa hukbong Hapon dahil sa kanyang pagka-bigo. Nakabalik siya sa Japan hanggang natapos ang digmaan at sakupin ng Amerkano ang Japan nuong 1945. Pagtagal, isiniwalat niya ang nangyari kay Abad Santos.
Tsuji Sina Inuzuka at Tsuji ay kapwa napatay sa digmaan. Si Homma ay inalis sa tungkulin sa Pilipinas dahil mabait ang turing niya sa mga Pilipino. Pagkatapos ng digmaan, ipinabitay siya ni General Douglas MacArthur dahil sa kagagawan niya sa Bataan Death March at sa pagkamatay ng maraming Amerkanong sumuko at ikinulong nuong 1942.


Ang pinagkunan
The Rising Sun, by John Toland, Random House, New York, Toronto, 1970
Jose Abad Santos: An apotheosis, ni Abraham F. Sarmiento, Manila Bulletin Online, May 5, 2005, www.mb.com.ph/issues/2005/05/01/OPED2005050133841.html#
Jose Abad Santos (1886-1942), Filipinos In History, www.geocities.com/sinupan/AbadSJ.htm
http://www.elaput.org/jabadsn1.htm

No comments:

Post a Comment

Post a Comment