Maria Josefa Gabriela Silang
MARIA Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng ating bayani na mas kilala bilang Gabriela Silang. Marso 19, 1731 noong siya'y isinilang sa kapatagan ng Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang ang matapang na si Gabriela.
Inampon siya sa murang edad ng mayaman at kilalang negosyanteng si Don Tomas Millan. Sa edad na 20, nakipag-isang dibdib siya sa isang matanda ngunit mayamang kilala sa kanilang bayan. Sa tatlong taong pagsasama ay hindi pinalad na magkaroon sila ng anak at hindi nagtagal ay pumanaw ang asawa ni Gabriela.
Taong 1757, nakapag-asawa siyang muli at sa pagkakataong ito, sa isang binatilyong lider ng rebeldeng grupo naman na may edad na 27. Diego Silang ang tunay niyang pangalan at tubong Caba, La Union siya.
Kusang-loob na sumapi si Gabriela sa kilusan ng kanyang asawa. Masidhing layunin nila ang palayain ang buong bayan ng Ilokos mula sa kamay ng mga mapagsamantalang Kastila. Madalas na kasama si Gabriela sa mga labanan upang sumuporta at ipaglaban ang sariling bayan.
Sa kasamaang palad, ang kaibigan na tinuring ni Diego na isang mestizo na Kastila na nagngangalang Miguel Vicos ang siya ring nagtraydor at pumatay sa kanya. Labis na dinamdam ni Gabriela ang masalimuot na pagkamatay ng kanyang kabiyak. Dahil dito, lalo niyang pinag-alab ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang grupong iniwan ng kanyang asawa. Ang pagmamahal sa tinubuan at hapdi ng karanasan ang nagbunsod sa kanya upang lupigin ang lahat ng mga Kastilang nais sumakop sa Ilocos.
Siya ang kauna-unahang babaing namuno ng rebolusyon sa Pilipinas. Kasama ng mga tauhan ng kanyang asawa, hinikayat nila ang ibang mga gerilya upang magkaisa at palawigin pa ang pakikipaglaban. Sa pangunguna niya'y buong tapang nilang sinalakay ang mga mapagsamantalang mga dayuhan sa Ilocos. At dahil dito'y lalong tumindi ang pagnanais ng mga Kastila na patayin na siya. Nabalitaan naman ito kaagad ni Gabriela kaya't pansamantala siyang nagtungo sampu ng kanyang mga tauhan sa Piddig, Abra, kung saan nagtago at nagtayo sila ng mga "headquarter."
Ika-10 ng Setyembre 1763, muli silang nagbalik sa Vigan upang muling makipaglaban, ngunit sa pagkakataong ito'y, naging handa, mas lakas at higit na marami ang mga sundalong Kastila na sinalakay nila. Nalupig ang marami niyang kasamahan. Ang balong si Gabriela'y naiwanan lamang ng walong tauhan.
Ilang araw matapos ang engkuwentro, noong ika-29 ng Setyembre 1763 isang karimarimarim na pangyayari ang naganap. Nadakip ang ating bayani kasama ng walong tapat niyang tauhan na agad din namang pinugutan sa mismong Plaza ng Vigan, Ilokos Sur.
Namatay si Gabriela Silang, subalit naipaglaban niya hanggang sa huli ang ninanasang kalayaan sa kamay ng mga mananakop.

No comments:
Post a Comment