Si Rafael V. Palma ay ipinanganak sa Tundo, Maynila noong Oktubre 24, 1874. Ang kanyang mga magulang ay sina Hermogenes Palma at Hilaria Velasquez.
Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kursong abogasya. Siya ay naging bahagi ng La Independencia o Ang Kalayaan, isang malaganap na pahayagan noong panahon ng Kastila.
Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea ng Pilipinas. Siya rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya ay nagretiro sa pulitika.
Ang tinaguriang Tagabunsod ng Pilipinismo ay mapayapang yumao sa gulang na 65 noong Mayo 24, 1939.
No comments:
Post a Comment