Tuesday, April 28, 2009

ALAMAT NG BALANACAN

ALAMAT NG BALANACAN

Noong unang panahon ang Balanacan ay hindi pa nakikilala sa pangalang ito, at dito sa munting liblib na pook na ito ay may naninirahang iilang mga tao na pinamumunuan ni Pablo Lavayna na kung tawagin ay si Arais Pablo o Kapitan Pablo. Ang pamumuno ng kapitang ito ay naging matagumpay dahil sa siya ang nagtuturo ng Caton sa mga taong kanyang nasasakupan. Kaya ang mga ito ay unti-unting namulat ang isipan. Hindi nagtagal at nadagdagan ang mga taong naninirahan sa lugar na ito subalit di nila alam ang pangalan ng lugar.

Nagkataon naming may mga taong dumating sa lugar na ito. Sila’y may mga dalang lambat na panghuli ng isda. Palibhasa’y malapit sa dagat, agad nilang ikinana ang kanilang lambat sa tubig at doon ay laking tuwa nila nang may mahuling maraming isda na kung tawagin ay banak. Simula noon ang nasabing lugar ay dinarayo ng mga mangingisda ay palaging sinasabi sa kapwa mangingisda na pumupunta sila doon sa banakan, upang humuli ng maraming banak. Tumagal ng tumagal at ang lugar na ito ay tinatawag na Banakan.

Hanggang magpasalin-salin sa bibig ng tao at naging Balanacan o Banakan. Dito nagmula ang pangalang BALANACAN.

No comments:

Post a Comment