Monday, April 27, 2009

ANG MOGPOG SA PANAHON NG MGA KASTILA

ANG MOGPOG SA PANAHON NG MGA KASTILA

Ang maliit na nayong ito ay pinamumunuan at pinangangasiwaan ng “gobernadorcillo” na ang tirahan ay nasa Calapan, Mindoro. Ang pinuno o lider na Pilipino ay ay naging isang hamak na maniningil ng buwis ng Pamahalaang Kastila. Ito’y walang iba kundi ang “Cabeza de Baranggay”. Mataas ang singil na buwis kung kaya’t ang mga lupain ng mga mapagpabayang namumuwisan ay ipinagbibili sa publiko sa pamamagitan ng subasta. Ito ang dahilan kung bakit ang malawak na lupain ng Mogpog ay nasa pag-aari ng mamamayan ng Boac.

Sa pagsisimula ng ika-19 ng daantaon, ang Mogpog ay isang nayon ng Boac. Hindi nagtagal, napag-isip-isip ng mga tao na dapat na silang magkaroon ng isang nakapagsasariling pamayanan kung kaya’t sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtulong ng mga “Principalia” ang petisyon o kahilingan ay ipinaaabot sa “Gobernador” sa Calapan, Mindoro, humiling na gawing isang hiwalay na munisipalidado pamayanan ang nasabing nayon. Ang kahilingan ay nagpatibay noong 1807. Ang Mogpog na sa simula ay nayon ng Boac ay naging isang malayang “municipalidad”. Si G. Nicolas del Rosario ang naging unang “Kapitan Municipal”. Mula 1807 hanggang 1898, ang Mogpog ay nagkaroon ng 68 “Capitanes”.

Sa kabila ng kapakinabangang tinatamasa ng mga mamamayan ng Mogpog sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila, hindi sila ganap na maligaya at di lubos ang kanilang kasiyahan. Naranasan nila ang kanilang kaapihan sapagkat kahit na ang kanilang mga “lokal na pinuno” na kanilang inaasahan na magtatanggol sa kanila ay kaalam o kasabwat din ng mga Kastila sa pag-aabuso sa kanila. Nang ang himagsikang Pilipino ay lumatag sa iba’t-ibang lalawigan sa Pilipinas ang mga makabayang anak ng Mogpog ay makilahok sa mga kapwa Pilipinong mandirigma upang ipaglaban ang kalayaan. Ang mga magkakapatid na Mendez ang namuno sa mga lokal na “insurectors” upang sumangin o salungatin ang mga makapangyarihang mga Pinunong Kastila. Sa panahon ng di-nagtagal na “Republika Filipina” sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang “Govierno Municipal” ng Mogpog ay naitayong muli noong 1899 hanggang 1900. Si Don Fernando Lagran ang nahirang na “Presidente”.

Nang panahon ng Kastila, kaunlaran ang tinatamasa ng mga tao maging sa ekonomiya, panlipunan, pang-edukasyon at magimg buhay pananampalatayang Kristiyano. Ilan sa kanila ay sina “Maestra Leonides Muhi, Wenceslaw Larracas, Don Fernando Lagran at Ramon Ma. Coll. Mahigpit ang disiplina at iba’t-ibang uri ng parusa ang ipinababata, kung kaya’t ang mga bata ay lumalayo sa paaralan o ayaw ng pumasok upang matuto.

Ang mga tao ay masisipag at abalang-abala sa pagsasaka. Maraming pagkain at ang mga lupain ay mabibili sa murang halaga. Sinasabing ang isang parcela ng lupa ay maipagpapalit sa gulok o itak, tuba o anumang bagay na mapagkakasunduan ng magkabilang panig. Marami sa kanilang pamahiin ay naiwaksi na. iba’t-ibang uri ng libangan o dibersyon ang ipinakikilala sa kanila at kahit na hanggang ngayon ay naging kasanayan na.

No comments:

Post a Comment