Ang Dagang Taga-Bukid at ang Dagang Taga-Siyudad
Magkaibigan sina Dagang-bukid at Dagang Bayan. Isang araw, dinalaw ni Dagang-Bukid sa tirahan niya. Ipinasyal niya si Dagang Bayan sa magagadang tanawin, halamanan at palaisdaan sa bukid.
Ang saya nila!
Matapos silang maglibot, naghain si Dagang Bukid. Pinagsaluhan nila ang palay at mais na natipon niya.
Pagkatapos nilang kumain, ibinalita naman ni Dagang Bayan ang pagkain doon.
Sabi niya, "Masaya sa lungsod. Maraming mapapasyalang magagandang lugar. Marami ring masasarap na pagkain, may keso, karne at tinapay. Sumama ka sakin.
Naingganya si Dagang bukid sa paanyaya ni Dagang Bayan na pumunta sa lungsod.
Dumating sila sa malaking bahay na tinitirhan ni Dagang Bayan. Humanga si Dagang Bukid sa nagggagandahan palamuti at kasangkapang nakita niya. May masarapna pagkain sa mesa tulad na keso, prutas,karne at iba pa.
Talagang doon na sana siya magtitira nang biglang may lumabas na malalaking pusssa. Hinabol sila at nagtatakbo sila sa lungga upang magtago.
Nang wala na ang pusa, napag isip isip niya na mahirap pala ang buhay sa lungsod.
Sabi ni Dagang Bukid, "Aanhin ko ang buhay na masarap dito sa lungsod, akung ang buhay ko naman ay laging nasa bingit ng kamatayanat takot."
Siya'y nagpaalam na sa kaibigan at tuluyan nang umalis upang di na bumalik..
sino yung akda
ReplyDelete