Wednesday, May 13, 2009

Ang Palaka sa Balon

Ang Palaka sa Balon


May isang palaka na naninirahan sa isang balon at ipinagmamalaki niya ang pagtira niya roon.

"Pagmasdan mo kung gaano ako kakontento sa pagtira ko dito!", ang sabi ng palaka sa nagdaraang pagong sa tabi ng dagat.

"Kaya kong tumalon-talon paikot sa balon kung ako'y lalabas, at sa aking pagbabalik ako nama'y mamamahinga sa mga bato. Makakaya kong tumalon- talon at magpagulong-gulong sa putikan. Walang sino mang maikukumparang talangka o butete sa akin. Ako ang hari ng lahat ng mga nasa tubig at ang diyos ng balon. Ano pang mahihiling ko. Bakit hindi ka lumapit dito at kwentuhan mo ako tungkol sa iyong tirahan.

Nagsimula na ngang magkwento ang pagong tungkol sa kanyang tirahan.

"Ang aking tirahan ay higit na mas malawak at mas malalim sa tagal ng panahon, nananatili paring tahimik ang tubig nito kaya ninais kong manatili sa karagatan."

Sa sinabi ng pagong natahimik nag palaka at medyo napahiya sa mga ikinuwento ng pagong sa kanya.

10 comments: