Ang Hangin at ang Araw
Payabang na sinabi ng hangin sa araw: "Mas malakas ako sayo."
Mabilis naman itong sinagot ng araw: "Hindi! Mas malakas ako sayo."
Di kalaunan nakakita sila ng isang lalaki. Upang malaman kung sino talaga sa kanilang dalawa ang mas malakas, napagkasunduan nilang kung sino man sa kanilang dalawa ang makapagpatanggal ng suot na pangginaw ng lalaki ay ay siyang mas malakas.
Sinimula nang magtago ng araw sa mga ulap. Nagsimula namang umihip ang hangin sa lakas ng kanyang makakaya. Ngunit habang lumakas at tumitindi ang pag-ihip niya ng hangin ay siya namang higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang pangginaw. Pagkatapos ng ilang pagsubok ay sumuko na rin ang hangin.
Ngayon naman ang pagkakataon na araw. Lumabas ang araw mula sa kanyang pinagkukublihan. Marahn at tahimik siyang lumabas at nagsimulang magbigay ng matinding liwanag.
Hindi nagtagal nakaramdam ang lalaki ng matinding init sa katawan at nagsimulang maghubad ng kanyang pangginaw.
Mensahe:
Ang kayabangan ay madalas mauwi sa kahihiyan.
Ano ang paksa? tema? alinhaga/terminolohiya nito??
ReplyDeleteAno ang paksa nito
ReplyDelete