Si Tatang at ang Himala ng Ating Panahon
1. A-beinte uno de Mayo, sa aking lupang tinubuan.
Nagsimula ang ideya na sulatin ko ang kuwentong ito noong 1967, apat na taon na ang nakararaan isang panahon iyong ang tingin ko sa pagsusulat ay isang indibidwal na akto Isang bagay na ako lamang at ilang piling nilalang sa daigdig ang makagagawa. nagsusulat kami sa isang makasining at matulaing paraang aabot sa isang pamantayang kami lamang ang nakaiintindi. Ang buong daigdig, ang lipunan noon, para sa aking, ay ang sarili ko lamang. Kaya ang pagsusulat ko noon ay ang paglalahad ng sarili.
Noon Gabi ang buhay para sa aking noon Kasama ng mga kapwa ko manunulat na sina Rol, Freddie, at Bong, palilipasin ko ang mga magdamag sa isang tagong coffee shop sa Pasay sa paglulunoy sa pagkaawa sa sarili pag-aari ito ni Rol.. Sa gitna ng coiffee shop ay buong kapanglawang nakadukmo sa yakap-yakap na gitara ang isang hippie habang kinakanta ang kanyang dalit ng alyenasyon. Kami naman nin Freddie, sa isang tasang kape ay ilalagay naming kasama ng asukal lipunang di makauawa sa amin, sa isang daigdig na di namin maintindihan ang galaw, sa isang buhay na para sa amin ay walang pinaggalinagan at walang patutunguhan.
Sapagka pare-pareho kaming nagdaan sa isang buhay na wasak-wasak (magulong pamilya, amang lasenggo, tiyang masungit, at iba pang mga putahe ng isang maguloing buhay), lumalangoiy kamin noon sa paniniwalang kami'y maraming nalalaman at nararamdaman kaysa karaniwang tao. Kaya nakapagsusulat kami. kaya may karapatan kaming buhat sa malayo at tingnan ang galaw ng buhay sa lipunan, saka buhat sa malayo din, nang di nakikisangkot, ay isulat namin ang karanasang itong lipunan nang ayon sa aming mga indibidwal na buhay.
At kung mga magdamang na medyo mabait an gkunday ng halos mamatay nang kandila sa mesa, kapag wala pa ang paminsan-minsang bugso sa amin ng pagnanasang basta na lamang umuwi at magkulong sa kuwarto at magbrarill sa sarili, pinag-uusapan namin ang nag-iisang dahilan ng pagtitiyaga naming maklangkas sa buhay: ang pangarap naming makapagsulat ng isang obra maestra. Lyong yayanig sa daigdig. Iyong hahalukay sa pinakaibuturan ng digdig ng tao.
Mag-iisang taon na kaming pawang di nakapugsusulat, kung sa bagay, at ako nang mga araw na iyon ay wala nang nagagawa kundi basa-basahin baka makahulagpos sa mga kamay koang kaalaman ko sa pagsulat at malkulon ako ng pnagtatrabahuhan kong magasin. Sa drawer ng mesa ko sa munting apartment n ainaarkila ko sa isang eskinita sa Sampaloc nagkalat ang mga panimula ng mga kuwentong di na siguro matatapos, at mga pangunahing uhang di ko na siguro mabibigyang buhay: isang tring di ko pa malaman Rung ano ang ibibigay kong inapon, isang boksingerong wala pang laban, isang magsasakang di pa napapatay sa Maliwalu, isangsayang utusang di pa napaglalalangan ng lhay-lungsod, isang putang wala pang bugaw. Disila makagalaw at siguro'y di na makagagalaw pa.
Hanggang isang gabing mabait na naman anginday ng kandila sa mesa, noong a-beinte uno ng ayo ng 1967. Medyo lango sa isang dosenang beer iniwan namin ang coffee shop upang saiubungin ig madaling araw sa mga kalsada ng Pasay.Huwag ng aalis diyan, baby. ha, huwag kang sisibat, ani eddie sa pinto ng coffee shop nang paalis na kami. sstisong Kastila si Freddie, at pinalayaw ng enderong ama, kaya mahina ang loob. Kaya karirinig pa lang kami ng isang putok sa may isang isolinahan sa Pasay ay nagsimula nang manginig, smutla. magyayang umuwi na kami, sige na naman, ga bok, o, halika na kayo.
Sinundan namin ang agos ng mga taong igtatakbuhan habang hila-hila namin si Freddie. ikita namin ang isang pangkat ng matatanda at ng kabinataang nakarayadilyo, may wasiwas na a bolo sa hangin at nagsisigawang tumatakbo daluhong sa isang pangkat naman ng mga PC na ilang puknat ang pagpapaputok ng mga karbin at nalayt.
Napakapit sa akin si Freddie, at narinig ko ang ralgal at nagmamakaawang pagbulong niya, wag, huwag, huwag. Nag-aatrasan na noon ang ja nakarayadilyong matatanda, nataranta na't gkakapatung-patong halos sa pagkakadapa sa tuhang kalsada, pero patuloy pa ring lapuputukan ng mga PC, pawasiwas ang asinta ng ril. Isang bus na punung-puno ng mga babae at ta at ilang nakarayadilyo pa ring matatanda ang mating, sandaling huminto, ngunit nang makita g nangyayari ay hintakot na umusad ding palayo. ro isang matandang sakay nito ang nakababa na, sa kalituhan ay napatakbo sa direksyon ng mga PC nagkikisay na napahumindig sa gitna ng kalsada, ka nalugmok ang mukha sa sumabog na la-dalang bayong ng bigas.
Ang lahat, para sa amin, ay isang nakabibiglang noorin. Lalo na kay Freddie. Isang banyagang awang biglang pumasok at gumambala sa aming malayan. Kaya kahft nang nakasiksik na kami sa igding ng isang tindahang turu-turo na dali-daling gsasara noon ay di pa rin namin lubusang isakyan kung ano talaga ang nangyari. Parang isa mga tula mo, Freddie, sasabihin ni Bong kapag malayu-layo na kami, nambubuntal at nakabibigia pero di naman maintindihan.
Nahihilo si Freddie't anyong magsusuka na, kaya bumalik kami, nakiusap sa coffee shop na tanggapin kaming muli. Sa loob habang bubuntu-buntung-hininga na lamang na nakamata si Freddie sa sulok, pinalipas muna namin ang mahabang sandali ng katahimikan bago namin tinangkang lagumin ang mga pangyayari nang madaling-araw na iyon. Ano nga ba,ang nangyari? tanong ni Bong. Watak-watak pa ang mga larawan. Mga bangkay na nakalublob sa duguang kanal. Parang mga tipaklong na haging ng baril sa aspalto. Karbin ng mga PC na nakaumang pa rin sa di na gumagalaw na mga bangkay. Ilang matatandang babaeng nagngunguynguyan sa gilid ng isang dyip. Isang nanlilitid na matandang lalaking tiklop ang sombrero sa dibdib habang nanggagalaiti sa pagsigaw ng putang ina n'yo putang ina n'yo sa mga PC na tumitisod patihaya sa Hang nakataob na bangkay. Isang matandang mag-ootsenta anyos na yata na kinakaladkad ng mga PC pababa ng isang hagdan. Mga taong nakamata lamang sa bangketa Mga usap-usapan.
"Nagnonobena daw slla kanina dahil kabilugan ng buwan."
"Karbin at armalayt."
"Saka lulusubin daw nila ang Malakanyang."
"Lapiang Malaya."
"Pinasusuko daw nila si Marcos."
"Tatang de los Santos."
"Pustahan tayo," ani Rol, sa lasing na tinig.
"Magkita-kita tayo sa isang taon dito, a-beinte uno de
Mayo din. Kung sino ang makagagawa ng isang magandang kuwento tungkol sa nangyari kanina ay paiinumin ko ng beer, libreng beer, hanggang madaling araw, okey?"
"Mahirap," reklamo ni Bong. "Santaon na 'kong di nakaaamo ng peryodiko."
"Sabagay," patianod ni Rol.
"Pero kaya nga pustahan e, mahirap," sambot ko naman.
"Kung gayo'y payag ka?" waring gusto na rin umatras ni Rol. Tumango ako.
"Ayoko ng topic," ani Freddie, na mukhang masusuka na naman. "Iba na lang."
Hanggang noon, ang nasusulat pa lamang ni Freddie ay walong kuwentong ang mga pangunahing tauhan ay pawang mga batang lilimahing taong gulang, na parang matatanda na kung kumilos, malulungkot at di tumatawa, tiwalag sa mga kapwa bata. Namatay ang ina ni Freddie noong limang taong gulang palamang siya, at mulang pagkabata'y ikinulong siya ng ama sa kanilang asyenda sa Pampanga hanggang lumaki siya at magkalakas-loob lumayas. Nagkikita na lamang silang mag-ama, walang kibuan, kung humihingi siya r'rto ng linggu-linggong allowance. Pangarap niyang magkatrabaho, kahit ubod siya ng tamad, para matupad ang lagi niyang minimithing pag-ampon ng isang bata.
Bago natapos ang gab! ay napatianod na rin sa pagsang-ayon sa pustahan sina Freddie. Sa lamlam ng kandila ay biglang bumalatay sa aming mga isipan ang konting pangamba, at nagkatinginan kaming apat. Paano kung sa isang taong pagtigil naming sumulat ay bigia naming matuklasang di na pala talaga kami makapagsusulat pa? Tatawa ka marahil, pero noon, unawain mo, ang buhay namin ay umiikot lamang sa ilang boteng beer, isang makinilyang kung kaninong kaibigan nahiram, ilang tula at kuwentong mga buwan ang binibilang bago namin matapos dahilan sa masusing pagsusuri sa bawat salita at tuldok, at isang maliit na kandilahg aandap-andap sa lamig at dilim ng coffee shop, na sa munting hihip lang ng hangin ay maaaring mamatay.
2. Hunyo dose, araw ng mga baliw.
Matapos ang nakahihilong pagkakasunud-sunod ng pagpunta ko sa headquarters ng Lapiang Malaya sa Pasay, sa National Mental Hospital na pinagkulungan sa maraming kasapi ng Lapiang Malaya dahil nga baliw daw ang mga ko ayon sa gobyernong pinaghimagsikan nito, pag-interbyu ko sa kanilang Supremo na si Tatang de los Santos, pakikinobena ko sa mga tauhan niya't pakikipagtalakayan, matapos ang lahat ng ito'y nalunod ako sa mga kongkretong detalye ng mga tunay na pangyayari sa kapaligiran. Atako, akong nahirating magsulat nang batay lamang sa imahinasyon, ay sandaling nawalan ng panimbang, di malaman kung paanong susulatin ang buhay ng isang tunay na tao. Ano meron si Tatang at nagawa niyang pasugurin ang ilang daang matatandang walang dala kundi bolo sa mga karbin at armalayt ng PC?
Pinuntahan ko siya sa Mental Hospital isang araw. Sa Pavilion 4. Nang dalhin siya roon kinaumagahan noon ng pagpaslang sa mga tauhan niya ay tumutol siya, nanlaban sa mga PC at nars, ba't n'yo ako ikukulong, anong akala n'yo sa'kin, luku-iuko? Basta ba tumututol sa palakad ng gobyernong ito ay iuku-luko at dapat ikulong?
Mababa lamang si Tatang. Ballngkinitan ang pangangatawan bagamat siksik sa laman at lakas bisig-boksingerong kahit sa gulang na otsenta ay makapagpapallanlang pa rin ng isang PC sa bigwas lamang. Pero medyo mahiyain siya. palatandaan, anang mga estudyanteng jdi-malaunan ay ininterbyo ko rin, ng panggagaling ni sa isa sa pinakamatitibay na base ng piyudalismo sa Pilipinas. Pero galing din ako sa Bikol, ang impormasyong "rto ay saglit ko munang pinag-alinlanganan. Matagal bago ko naamin na ano nga ba ang nalalaman ko sa buhay sa bukid doon samantalang sa kabayanan ako lumaki? Talamak ba ang pang-aapi sa amin? Ang tanging nalalaman ko lamang noon ay ang mga larawang lagi nakikita sa mahig'rt na labinllmang taong ginugol sa pagbabantay sa tindahan ng alak ng tiya kong umampon sa akin: mga magsasaka at mangingisda drayber at kanto boy na wala nang ginawa kundi tigreng beer-gin-coke sa umaga't magbangayan naman sa gabi, saka aalis nang di nagbabayad kaya ako ang pagagalltan ng tiya ko.
"Karamihan ng mga kasapi namin," ani Tatang kausapin ko siya sa mental hospital, "hanggang ay mga magsasakang galing pa sa Bikol. Napakalakas ng relihiyon doon, di ba?"
Tumango uli ako. Ang naaaiala kong larawan ay bata pa ako, sa mga tulay ng Daet, kapa na't kumakalembang na ang kampana. Lahat tao, pati ako, kahit mga sasakyan, umaandar man, aytumitigil para sa sandaling panalangin.
"Nag-aaral ka pa ba?"
Umiling ako. "Proofreader ho ako sa isang magasin."
"E ano naman ang kailangan mo sa akin?"
"Me sinusulat ho akong kuwento."
Hindi noon, kundi sa sumusunod pang mga araw walang sawa kong pagbalik-balik kay Tatang sa mentel "^P1^1' nagsimula ang walang tigil niyang pag-amin sa kanyang naging napakalaking pagkakamaling natutuhan niya sa pagkakapaslang sa tauhan niya sa Lapiang Malaya't sa Ipagkakakulong niya. Paulit-ulit, sa !oob ng maraming ay pipilitin niyang maintindihan ko, na, hindi lang pala sapat ang gutom upang mag-alsa't tumutol sa pang-aapi ng kasalukuyang sistema, kailangan din kapangyarihan sa dulo ng baril at itak. Ill Uhti-unting mawawala sa mukha niya ang dating amo at ang hahalili'y ang determinasyon ng isang nakaunawa na.
Noon daw niya unang naisip, ano na nga ba ang naituro niya sa kanyang mga kasamahang dumayo pa muiang Kabikulan upang idaing ang kahungkagan kanilang mga sikmura't isipan, ano nga ba?
Wala, amang, wala kundi pagmamahal, pagmamahal lamang sa kapwa't pagsamba sa Diyos. Saka mga pamahiin. Dapat, aniya, na sana'y nakiisa ang Lapiang Malaya sa mas malaki pang kilusan noon ng manggagawa't magsasaka, dapat sana'y nakaigpaw pa ang pang-unawa nila sa kalagayan ng bansa mula sa isang akala nila'y mesiyas na kagaya ni Tatang, hilot at tagagawa ng mga anting-anting, tagabigay ng tinapay at tagaalo kapag nagdadalamhati sila. Pero ano ang magagawa ko noon? daing ni Tatang. Ang nalalaman ko lamang ay araw-gabing nagtitinda ng bangos ang asawa ko sa palengke, at sinalubong ng mga sundalo ng gobyerno ang mga tauhan kong walang dala-dala kundi bdo at anting-anting. At mga hungkag na sikmura.
Isinalaysay niya na isang gabi'y naalimpungatan siya't nagising, nang maalala niyang nakalimutan niya ang tuwing hatinggabi'y ginagawang pagdarasal. Kaya bumangon siya. Sa ngalan ng Deyos Ama, Deyos Ena, Deyos Espiritu Santong Wagas... saka napalunok siya, anong nangyayari sa kanya, nakalimutan niya ang sariling dasal na Itinuro sa mga kasamahan. Deyos Espiritung Wagas... Deyos.,. Deyos Omnipotente? Nahiga siyang muli, pinilit na huwag mabalisa. Makapagdasal muli. Pero natagpuan na lamang niya ang sariling nakasandig ang ulo sa dingding, nakamata na lamang sa pagdaraan ng mga alaala ng mga nakaraang pagkakamali sa buhay niya. Noong bata pa siya't sa panahon ng rebolusyon ay isang magdaragat ang ama niyang napatay nang di kinukusang mapasabak sa labanan. Noong ampunin siya ng isang pari, pag-aralin sa seminaryo't isang dapithapon ay pagpakitaan ni Hesukristo, nagtatanong sa kanya, ba't ka andtto. Valentin, nasa labas ang mga nagugutom at nangangailangan sila ng iyong tulong, ikaw, Valentin, ang pangalawang Mesiyas. Noong maghubad siya ng sirtana, at maging boksingero, at habang nakikipaglaban ay napaudlot, naisipang ba't ba niya kinakaaway ang isang kapwa niya naghahanapbuhay, at di na makaganti sa walang tigil na kasusuntok ng kalaban habang ang asawa niya'y walang tigil pa rin sa umaga't hapong pagtitinda ng bangos sa palengke. Noong sa paghahangad na makita kung sa papaanong paraan siya higit na makatutulong sa mga kababayan ay kumandidato siya sa pagkapangulo laban kay Carios P. Garcia sa platapormang anti-imperyalismong Amerikano. At matalo siya. Noong anim na.sa pitong anak.niya ang sunud-sunod na mangamatay-anong salot ito, panaghoy ng asawa niya-at Isa-isa niyang tanggaping parang tunay na mga anak ang parami nang paraming mga kababayang dumayo pa mulang probinsiya upang sa kanya'y magpahilot at magpagamot. 0 di kaya'y upang tingnan ang kanyang kamisetang di nilalabhan dahil umano'y sa pamamagitan lamang nito niya nakakausap si Hesukristo. 0 di kaya'y upang makinig sa mga itinuturo niyang dasal, at tuloy ay umanib sa itinatag niyang Lapiang Malaya. Napakarami nila, doon na natutulog, sa labas ng kanilang bahay sa Pasay, sa mga bangketa, sa bunton ng mga dalang balutan ng damit, pagkatapos ng Hang gabing pagnonobena sa kabilugan ng buwan, mga matatanda karamihan, lyong mga di na makaugaod sa kahirapan, mga magsasaka at mangingisda at manggagapas at sastre at panday at karplntero na ayon kay Tatang ay pawang di na nakatiis sa hirap ng buhay sa probinsiya, at dito sa lungsod ay naghanap ng mapapanganlungan, ng isang simpleng kaayusang maiintindihan nila't tatanggap sa kanila. Lahat sila'y napapagod, at naroroon si Tatang upang tanggapin sila.
Kinausap sila ni Tatang. At sapagkat sila'y pawang di nakalampas ng ikatlong grado sa elementarya, walang binanggit si Tatang kundi mga bagay na madaling maintindihan, na kagaya ng Diyos at palengke at kulog at kanin. Hanggang sa ang makita niya'y libu-libo, libu-libong buhat sa buong kapuluan ay papalapit sa kanya, napakukupkop.
"Ang nakita ko sa mga mukha nila, amang, e si Inang."
Una kong nakilala si Ricky sa mga pahlna ng Pitlptno Free Press. Naasiwa ako sa kanyang parianagalog (noon ko lamang nasimulang mamalayan na ang NOTES Wikang Pambansa pala ay nagbabago na), na hindi lagi umaayon sa kinagawiang personal na gamit ko sa Tagalog. Ang pagkaasiwang iyon ay madaling nahalinhan ng paghanga sa eksperimental na pagbubuo niya ng mga talata, na nagpahiwatig ng mapangahas na pagtatangkang hutukin ang lengguwahe ayon sa pangangailangan ng tema at karakter. Na epektibo ang kanyang eksperimento ay naging katunayan para sa akin, nang hindi ko namamalayan ay pinaluha ako ng kuwento ni Dong sa "Dapithapon ng Isang Mesiyas." Hinanap ko ang dahilan kung bakit ganoon ang naging tugon ko sa kuwento, at nagagap ko tyon sa mga pangungusap na hitik sa mga detalyeng habang nagpapalalim sa tema ay kumukurot sa damdamin at alaala. Pinahanga rip ako ng istruktura ng mga kahulugang maingat na pinaglangkap-langkap at pinagsuson- suson. Narito, wika ko, ang isang manunulat na ayaw paawat, desididong mag-iwan ng sariling tatak sa malMing kuwento ng kanyang henerasyon.
Nang magkapulitika si Ricky, tinalikdan niya nang walang kaabog-abog ang anyo ng mga kuwentong papaloob ang takbo. Upang maihatid nang buong linawang mensaheng pampulitika, hinawan niya ang masalimuot na istruktura at ginawang payak ang retorika. Ang resulta: "81 Tatang, si Freddie, si Tandang Senyong at Iba Pang Tauhan ng Aking Kuwento." Isa Kong pagsusuri ng awtor sa kanyang sarlli bilang manunulat at pagsusuri na rin sa lipunang kanyang tinalikdan at muling binalikan. Sa "Si Tatang" pa man ay may mga palatandaan nang nasisikipan na si Ricky sa lipunan ng kanyang maikling kuwento. Nakalaya si Ricky sa pahina nang pasukin niya ang pagsusulat para sa pelikuia. Makallang beses nang nagbanta siyang lisanin Ito, pero naroroon.pa rin slya't nagtitiyaga sa mga assignment niya. Oo nga, mahirap humanap ng ikabubuhay sa ating panahon, pero sapalagay ko hindi hanapbuhay lamang ang pumipigil sa kanya. Naroroon ang "iba pang tauhan" ng kanyang kuwento na magagawang buhayin lamang sa maluwag na daigdig ng iskrip pampelikula. Para sa ibang kuwentista, ang susunod na hakbang ay tungo sa nobela. lilang manunulat ang nagkakapalad tulad ni Ricky. Nakasumpong siya ng ibang daigdig at pinupuno pa niya iyon hg mga taong makasabay niya sa paglalakbay.
BIENVENIDO LUMBERA
"Ang Ina n'yo?"
"Oo."
Maamo raw ang mga mata ng kanyang ina. Makipot ang bibig. Di makasulat ng sariling pangalan at natataranta makakita lamang ng puti, pagkalalaki r naman, pagkalalaki. Sa isang panahon ng kabataan ni Tatang ay tumakbo siyang payakap dito noon, nakakorto't sabit ang schodbag sa likuran, Inang, Inang, bagong lesson namin sa eskuwela, turo ng mga 'Merkano, demokrasya raw ang bagay sa Piliplnas. Pero namilog lamang ang mga mata nito't ngumiting walang naiintindihan. Saka nagpatuloy sa panunulsi. Demokrasya, Nang, demokrasya raw, teka, isusulat ko. Pero pangiti-ngiti lang na ginusot ng ina ang buhok niya, saka bumalik sa pagsusulsi.
Kaya nang malaunan, nang itatag niya ang Lapian, sa mga mukha ng mga dukha't matatandang probinsiyanong sumasapi'y may pagkasentimental na makikita niya ang ina. Dahil ang gusto niya noo'y isa lamang lipunang magtuturo sa kanyang ina at sa mga kagaya nito na magsulat ng sariling pangalan. Noong una'y nagtatanong pa siya sa mga sumasali sa lapian. Sino ang tinyente del baryo senyo, mabait ba siya? (Tinyente del baryo? sino ba 'yon?) Alam n'yo ba kung anong katraiduran ang ginawa at ginagawa sa atin ng mga Amerikano? Anong grado ba'ng gatapos n'yo? (Three lang naman, Tatang, kaya nga usto kong makatapos 'long si Boy ko, ang bobo aman, 'yung si Bebot nga ng kapitbahay namin, onse anyos pa lang pero kung maka-lngles mo e anak ng Kano.) Anong palagay n'yo sa obyerno nl Marcos? Pero di malaunan ay tumigil na in siya sa pagtatanong sa mga taong itong ni di lakaaamoy ng peryodiko't nagsakripisyo ngayong lumiyahe't gumasta makarinig lang ng isang klase ng angarap na simple at di masyadong komplikado't naiintindihan nila: pagkain para sa lahat.
At ang mga simpleng taong ito, ang mga gutom at napamahiing taong (to, ang isang madaling araw natapos magnobena, ay pinagbabaril ng mga PC, iindi, hindi, hindi kami tatablan ng bala, sabi sa amin Tatang ay anting-anting daw ang dala namin. Kaya valang nagawa ang mga ito kundi ang magkikisay na mahg sa gilid ng mga bangketa't malugmok sa ng kapwa kasaping nakatimbuwang na rin sa anal, hawak-hawak pa rin ang umano'y nting-anting na binasbasan ni Tatang. Sapagkat siyang ttinuro sa mga ito kundi pagmamahal, Pagpapakumbaba at pagmamahal sa kapwa. Saka ng mga pamahiin.
At iyon, iyon ang kanyang naging napakalaking agkakamali. Paano mo mababago ang isang stema sa pamamagitan lamang ng bolo't ng walang amang sikmura? Paano mo pababagsakin ang isang obyerno sa pamamagitan ng isang dasal?
3. Hulyo 4, flores para los yuertos.
Dumating ang panahong Isang hapon, nang ako sa harap ng makinilya matapos pagkulong sa kuwarto, ay natuklasan kong agbabago na ang pananaw ko, dl ko na napanghawakan ang mga nakagawian kong paraan pagsusulat, ni di ako makapagsulat ngayon. alilitong napasugod ako sa coffee shop, at doon. Rol, inihanap ko ng kasagutan ang pagkalito.
"Sobra ka naman, Rico," anila sa akin. "Kalimutan o na ang kuwentong iyan. Baka kung ano na ang nuturo sa'yo ng Tatang na iyon."
"At paano'ng pustahan?"
H Pinipigil ni Rol ang mapabulalas ng tawa. "Di mo la alam, matagal na naming napagpasiyahan ditong nang ituloy ang pustahan. Hinanap ka namin lag! ka raw wala sa bahay ngayon, dinidibdib mo ta ang research mo sa Lapiang Malaya a."
"Interesado pa rin ako sa kuwento.''
"Di ituloy mo ang sinusulat mo," ani Freddie.
"At ikaw? Magdadalawang taon ka nang walang naisusulat."
"Mayroon ako ngayon. Tungkd ke Papa. Ipababasa ko sa'yo pag natapos."
Matagal nang paulit-ulit na sinasabi ni Freddie na may sinusulat siyang kuwento tungkd sa Papa niyang asendero Pero wala siyang rnatapus-tapos. DI na ako kumibo.
Naramdaman ko ang hininga ni Freddie sa kaliwang tainga ko. "Takbo tayo sa labas," bulong niya. "Tumakbo tayo nang tumakbo sa kalsada hanggang sa maktta nating sumikat ang araw."
"Ano?"
Biglang umatras ang ulo ni Freddie, at nakita ko, nakaramdam agad siya ng hinanakit. "Wala," aniya. Pero nagsuspetsa na ako. Depressed na naman kaya siya? Karaniwan na sa akin ang mga pabigla-biglang pasiya ni Freddie kapag sinusumpong siya ng di maintindihang kapanglawan, takbo tayo, pustahan tayo, sige na, suntukin mo ako, sige na naman o. At karaniwan na rin sa akin ang mga hatinggabing hahangos na lamang sa tirahan ko si Freddie, walang tigil ng kahahagod ng buhok sa noo, sinasabing nakaistorbo raw ba siya, napadaan lang naman siya, wala naman talaga siyang kailangan, wala, talagang wala. At kapag pinilit mo'y biglang mapapabulalas ng hikbi, tulungan mo ako, Rico, tulungan mo ako, kanlna'y takot na takot ako, akala ko'y di kita daratnan dito, tulungan mo ako.
"Kailangan mo ng tulong?" bulong ko kay Freddie. "Nagbago ka na," aniya. Saka niya Ibinaling ang tingin sa baso ng beer. "Sino 'yong matandang nakita namin sa kuwarto mo?" tanong ni Rol. Natawa ako. "A, si Tandang Senyong. Dati raw siyang tauhan ng Lapiang Malaya. Baka kako makatulong sa kuwento ko, kaya sa amin ko na muna pinatuloy." "Tandang Senyong?" Napakunut-noo si Tatang nang bumalik ako sa Mental.
"Oho. Me kasapi ba kayong ganoon?" Umiling si Tatang.
"Kung sa bagay ho, di 'yun ang tunay niyang pangalan."
Ikinuwento ko na tuloy kung paano ko natagpuan si Tandang Senyong. Kung papaanong isang hapon sa laging pagpunta-punta ko sa mga lugar na malapit sa kinamatayan noon ng mga Lapiang Malaya sa Pasay ay nakita ko sa hagdan ng isang bahay doon, nakaupong siksik ang ulo sa tuhod, nanginginig sa di ko mawawaang takot sa kung anong di makita sa paligid, halos hubad ang katawang natatakpan lamang ng punit-punit na pantalon, magpipitumpo na marahil, si Tandang Senyong. Ipinakilala siya sa akin ng isang kapftbahay doon. Natagpuan daw na umiiyak sa bunton ng mga bangkay ng kasapi ng Lapiang Malaya noong madaling araw ng Mayo 21 Pero di naman malaman kung sino doon ang iniiyakan dahil ayaw magsalita kapag tinatanong, at palipat-lipat lang sa mga bangkay doon, lahat ay iniiyakan, hinahagod ang mukha. Muntik na tuloy mahuli ng mga PC kung di pa naitago ng isang kapitbahay.
Mula noon ay naging pangkaraniwang tanawin na siya sa lugar na iyon. Kung saan siya abutin ng tanghali'y doon pinakakain. Kung saan abutin ng gabi'y doon pinatutulog. Kung nakakatulog nga siya. Dahil kung mga gabi'y wala naman siyang ginagawa kundi humikbi. Laging itinataghoy ang isang mahabang litanya ng mga pangalan. Mga pangalan ng kung sinu-sinong napatay sa kalsada noon. Igme, Juan, Jose, Romulo, Anton, por diyos por santo, Igme, Julian, Miguel, putang gobyerno, Miguel, Jose, Anton, Igme ... Ang mga tagaroon na ang nagbinyag sa kanya ng Tandang Senyong.
Nang hapong iyong makita ko siya'y naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Tatang tungkol sa mga probinsiyanong kasapi ng Lapiang Malaya, at ipinasiya kong sa bahay ko na muna patuluyin si
Tandang Senyong, baka makatulong pa sa materyal ng kuwento ko. Pero mula umaga hanggang gabi'y tahimik lang siyang mauupo sa isang sulok. Di kakain kung di mo hilahin, kain ho kayo, kahit lugaw, ang payat n'yo na. Di magbibihis kung di mo pilitin, sige na ho, bagong bili ko "to sa inyo, medyo masikip nga lang ho 'ata. Di mahihiga kung di mo batakin buhat sa laging pagkakaupo sa sulok, kagat-kagat ang anting-anting niya na anang kapitbahay niya noon ay bigay daw sa kanya ni Tatang. Nawalan daw ito ng bisa nang paslangin sa Pasay ang mga kasamahan niya, at lagi niyang dala-dala ngayon dahil hinihintay niya ang panunumbalik ng bisa.
Kapag nagngunguyngoy na si Tandang Senyong kung gabi'y aaluin ko siya pero susukot lang siyang lalo sa dingding, takot na takot sa kung anong di ko makita sa hangin, yakap-yakap ang sariling katawang patpatin na halos ay isang mahabang hibia na lamang ng buto at laman na may mga latay pa't pilat ng tama ng latigong nakuha niya marahil sa pagiging isang magsasaka. Wala pa ring tigil sa katataghoy ng pangalan ng mga napatay sa Pasay noon.
Isang hapon ay dinala ko siya kay Tatang sa Mental Hospital. Nagtago siya sa likuran ko, naglalaway. Di niya nakilala si Tatang. Di rin siya nito kinilala.lnilapit ko siyang pilit dito at ipinaliwanag kong muli ang mga pangyayari noon, pero ako na rin ang napatigil sa pagsasalita, matagal lamang silang nagtinginan, walang imikan, talagang di magkakilala. At noon ako nainis kay Tandang Senyong, naisip na nalinlang niya ako. Kailanman ay di siya naging kasapi ng Lapiang Malaya.
At naisip kong mabuti pa siguro'y ipakulong ko na lang siya sa mental hospital. Doon naman talaga siya; nababagay.
4. Hulyo 29, at kung mag- susulat ka tungkol sa pang- aapFy kaninong panig ka?
Nang sabihin ko isang gabi kay Tandang Senyong na ibibigay ko na siya sa mental hospital, nang sabihin kong magkakasama sila roon ni Tatang, at nang ipakita ko sa kanya ang mga binalot kong damit, niya, nagpakita siya ng reaksiyon sa kauna-unahang pagkakataon magmula nang kunin ko siya. Matigas siyang umiling-iling, tumitilapon ang uhog sa ilong at namimilog ang mga mata. Pinakakain ko siya ngunit ayaw. Pinatutulog ngunit bumangon din. At isang gabi, nang umuwi ako'y Iniabot niya sa akin ang tsinelas ko, pinaupo niya ako sa sopa, at sa laki ng pagtataka ko'y nagsalita siya.
Ang isinalaysay niya'y ang buhay ng libong mga magsasakang katulad niya'y nagdumugan dito sa Maynila't sumali sa iapian ni Tatang. Wala siyang matandaang tiyak na lugar, at tiyak na panahon, pero alam niya kung ilang magsasaka ang natagpuang patay sa isang kanal sa Kabikulan bilang reaksyon ng asendero sa reklamo nilang panggagahasa ng anak nito sa isang tagabaryo; alam niya kung ano ang kinain ng kanyang anak isang gabing di na ito nakatiis ng gutom at lumabas sa tumana; at kung ilang bangkay uli ang natagpuang nakatimbuwang sa talahiban nang magpulong upang magkaisa-isa ang mga magsasaka sa nayon at karatig-nayon. Magdamag siyang nagsalita, walang tigil na hinahabi ang kasaysayan ng pagkaapi ng kanyang mga kababaryo na ang ibang di na makatiis ay lumuwas ng Maynila't nang malamang masahol pa pala rito kaysa sa nayon ay sumapi sa Lapiang Malaya ni Tatang. Sapagkat matatanda silang di mapalagay at takot sa komplikadong galaw ng lipunang di nila maintindihan. At ilan sila sa mga tinuruan ni Tatang ng pagmamahat, ng pagmamahal sa kapwa't ng pagpapakumbaba. Ng paglaban sa mga karbin at armalayt ng mga PC sa pamamagitan ng bolo't pagdaing ng sikmurang gutom.
Habang nagsasalita si Tandang Senyong ay walang tigil naman ako ng kasusulat, kasusulat nang kasusulat sa lahat ng mga sinasabi niyang para sa akin ay mga karit at kamao at dugo at talahiban at masinggang magiging mga tauhan ng gagawin kong kuwento.
Kayat di ko napigilan ang pagsilakbo ng galit ko isang gabi nang maratnan kong umliyak na naman si Tandang Senyong, habang sa harapan niya'y nagkalat, pun'rt-punit na't wala nang pag-asa pang mapagtagni-tagnl, ang mga manuskrito kong sinulat tungkol sa mga karanasang ikinuwento niya. At ang Isinisigaw niya, nangangatal sa dalamhati, ay ang dating por diyos por santo, Igme, Julian, Anton, Jose, putang gobyerno, Igme, Julian, Anton, Jose...
At sa gayo'y nakallmutan ko ang sarili ko, at sinunggaban ko siya sa bisig, 'rtinayong pilit ang napakagaang na katawan, hanggang sa mapalitan ng sindak ang mga gatia ng dalamhati sa mukha niya at mapanganga siyang naglalaway sa pagkabigia, napasukot na lalo sa dingding nang isalya ko siya rito, at walang tigil nang nag-iiyak nang hablutin ko sa pagkakasaklot ntya ang anting-anting niya. At noon siya nanlaban. Buong tatag na inipon ang natitira pang lakas ng kanyang mahigit na pitumpong taong katawang patpatin at nanlaban siya, nangalmot, nangagat, nanipa, nandaluhong na parang isang hayop upang mabawi ang kanyang anting-anting na itinataas naman ng kanang kamay ko sa hangin. Napuno ng uhog niya't laway at luha ang aking katawan, nanghina na ako't naisip kong ano bang kahangalan itong ginagawa ko sa isang matanda, pero kailanman ay di ko ibinaba ang kanan kong kamay, nakapagpasimula na ako sa pakikipaglaban sa kanya at di na ako maaari pang umurong.
Kaya nanatili akong walang nararamdaman maging nang humihingal na habulin niya ang paghinga. Maging nang manginig na ang kanyang katawan sa suko sa langit na galif. Maging nang mawalan na ng kontrol at katuturan ang pagbangga niya ng manipis na katawan sa akin. Maging nang sa wakas ay parang asong uungul-ungol at pahagu-hagulgol na lamanana umurong siya palayo't muling naupong nakasukot sa kanyang sulok.
Kinaumagahan noon, di ko na siya nakita pa. Sa sahig, lahat ng ibinigay kong damit at tsinelas at sipiiyo at komiks ay iniwan niyang lahat, kung di punit-punit ay sira-sirang nagkalat. Kasama ng mga ito'y ang mga pahlna ng manuskrito kong pinagpasta-pasta ng mga butil ng kanin na pinagtiyagaan niya marahll, sa isang bugso ng pagsisisi, na maipantagni. Mali nga lang ang pagkakadik'rt-dikit ng mga pahina. Di marunong bumasa si Tandang Senyong at bali-baligtad ang lumabas na mga letra't salita.
Noon muling umahon sa dibdib ko ang dati-rati kong pagnanasang tumakas na naman sa lahat ng komplikadong bagay na ito, magkulong na lamang sa coffee shop kasama sina Rol at Bong at Freddie, magpatianod sa pagkaawang muli sa sarili't malunod sa sariling luha, maghintay na tuluyang mamatay ang napakagandang kandila sa mesa. Pero napakarami ko nang natutunan kay Tatang at sa pakikisangkot ko sa mga materyal ko, at alam kong kailanman ay di na ako maaari pang tumakas na lang nang tumakas sa katotohanan.
Noon ko rin naunawaan kung bakit naging halos obsesyon ko na angwiatin ang kuwento tungkol sa Lapiang Malaya at kay Tatang sa Mental Hospital: ako at si Bong at si Rol at si Freddie at ang mga kasapi ng Lapiang Malaya at si Tatang at si Tandang Senyong, lahat kaming mga posibleng tauhan ng gagawin kong kuwento'y walang pinag-ibhan. Pare-pareho kami. Lahat kami ay pawang tumatakas sa lipunan, naduwag na lumaban sa isang mapang-aping sistema, pero sa pagtakas sa sistemang ito ay nakulong naman sa isa pang uri ng kulungan, tawagin mo man 'rtong coffee shop o Lapiang Malaya o Mental Hospital. Sina Rol at Freddie at Bong ang aking Lapiang Malaya. At ang coffee shop ang aming mental hospital.
Maguguluhan pa rin ako noon, kung sa bagay. Sa mesa ko'y nagkalat na ang unang mga pahina ng kuwento ko, pero bawat gabing maupo ako'y laging hanggang doon na lang. Di ko matapus-tapos ang kuwento ko. Natukiasan ko na habang nagsusulat ako'y nagbabago naman ang mga materyal ko. Ang Tatang na isinulat ko sa unang pahina'y di na ang Tatang na nakausap ko sa huli kong pagpunta sa Mental. At maging ako man, natuklasan kong simbilis ng pagtipa ko ng makinilya ang pagbabago ng pananaw ko't paniniwala.
Ang dati kong pagnanasang sa isang kuwento'y makapagiahad ng isang taiagang indibidwal na pangunahing tauhan, isang memorableng tauhang may mga naiibang katangiang di makakalimutan ng mga mambabasa, ay wala na ngayon. imposible na nga ngayon. Sapagkat di ko na matingnan ngayon si Tatang bilang tauhan ko, o ang mga kasapi niyang pinaslang, o si Tandang Senyong, o si Freddie, nang di ko naiisip ang kanilang mga ginagawa sa lipunan. Nang-aapi ba sila, o sila ang inaapi? Tumatakas ba sila o tinatakasan?
Pero mabuway ang mga unang hakbang sa pagpipilit makaunawa. May mga gabi rin namang malalamukos ko ang mga manuskrito kong di matapus-tapos, at magtatanong ako sa sarili, ano talaga rito ang tama, at ano talaga rito ang mail? Saka humahangos na darating sina Ro! at Bong ibabalitang nakipag-away na naman daw sa kalsada si Freddie, iyong payatot na iyon, talung-talo na ng mga maton ay wala pa ring tigil ng kababangga ng palpating katawan sa mga kalaban, umiiyak na'y nakikipaglaban pa fin. At lalo ak-ong maguguluhan.
5. Agosto 23, araw at buwan ng isang pugad- lawin
Nang isang unyon ang 'rtatag sa aming palimbagan ay bagu-bago pa iamang sa akin ang mga katagang kagaya ng collective bargaining o unfair labor practice, o scabs. Pero nakikita ko ang punto ng mga manggagawa nang sabihin nilang sa walong oras isang araw na paggamd niia ng mga mata sa tanglaw ng nangingitim nang bombilya, sa pasahod na kulang pa sa minimum, ay waring unti-unti nang sinisipsip ang dugo't laman nila ng makinang kanilang pinaaandar. Kaya sumaii ako.
"De pawelga-welga ka na pala ngayon," napapatawa si Rol.
"Oo."
"Kung anu-ano pala'ng itinuro sa'yo ni Tatang, ano?"
Di na ako kumibo.
Kung saan-saan napunta ang usapan, sa mga demonstrasyong dumadalas na noon, sa nangyaring
panggagahasa kay Maggie deia Riva, sa pagkatay kay Lucila Lalu, sa mga mang-aawit na banyagang Simon and Garfunkel na kinalolokohan ni Freddie, sa mabilis na pagtatapos ng taong 1967. "Ang bilis-bilis," ani Freddie, na akala mo'y ang baso ang kinakausap. "alis nang alis ang mga araw, wala namang iniiwan."
Saka balik sa mga tanong nila sa akin. na akala mo'y isa akong kakatwang nilalang na napadpad sa coffee shop.
"Paano ako makapagsusulat tungkol sa mga pangyayari kung di naman ako makikisangkot doon," pagtatanggol ko.
"Paano mong maisusulat ang isang bagay kung kasama ka rito at walang aesthetic distance?" ani Rol naman.
"At sinong magkakagustong magbasa tungkol sa mga luku-lukong gaya ni Tata Senyong at Tatang, o kaya e sa weiga?" ani Bong naman.
"Sawang-sawa na ako sa mga pinagsusulat ko noon." aniko, "mga dapithapon, mga inaagiw na
mansyon, mga batang di lumalaki-Iaki. Gusto ko namang makapagsulat tungkol sa'mga totoo nang nangyayari, hind! iyong mga kuwentong pampamilya lang."
"At sinong me sabing ang mga kuwento ko e pampamilya lang?"galit kaagad si Freddie.
"Freddie, dl puwedeng habang buhay e..."
Tinalikuran niya ako.
Lalo akong naggugol ng panahon sa piket sa aming palimbagan. Ang dating panahong ibinababad ko lagi noon sa coffee shop ay nahati sa pakikipag-usap ko kay Tatang sa Mental Hospital, sa pakikihalubilo ko sa mga manggagawa ng aming paiimbagan. Saka kung mga gabing aalis sandali sa aming piket, nililibot ko ang mga kalyehon ng Pasay, dala-dala sa dibdib ay ang pagsisisi sa ginawa ko kay Tandang Senyong, at umaasam na muli ko siyang matatagpuang nakaupo sa isang hagdan doon, nakasiksik ang ulo sa dalawang tuhod, iniiyakan uli ang mga pinasiang sa kaisada ng Pasay. Di na ako makapagsusulat pa muna. Di na makapagsusulat pa hanggang isang hapon, nang hangos akong pumanhik ng bahay nina Tatang sa Pasay at doon, sa sala nila, ay datnan ko ang pagkarami-raming mga naka'rtim na mga kasapi ng " Laplang Malaya, Him sa buong sala, itim sa lahat ng
dingding, itim sa telang nakabalot sa kabaong. At itim, Him ang mga gatia at sugat at kalmot sa mukha ni Tatang na ang kamao, kahit sa kamatayan, ay nakakuyom pa rin sa pagtutol.
"Ipinabugbog si Tatang sa mental hospital, hanggang sa mamatay," aniko kina Freddie sa coffee shop matapos ang aking pakikipaglamay.
"Bakit naman gagawin iyon ng gobyerno?" tanong ni Freddie.
"Sapagkat kagaya ng mga tauhan niyang pinasiang noong a-beinte uno ng Mayo ay tumututol din siya, tumututol pa rin siya sa sistema."
"Di ka namin maintindihan," umiling si Rol.
"Sapagkat ayaw n'yo akong intindihin. Hang ulit na akong nagpapaliwanag sa inyo, pero mas gusto n'yo pang magbumabad dito sa coffeeshop. Mahirap daw gisingin ang nagtutulug-tuiugan."
Naghihinanakit na sumandig sl Rol sa dingding. "Nagbago ka na nga. PatI tono ng pagsasalita mo ngayon, ibang-iba na rin. Ano bang ginawa sa'yo ng sinusulat mong kuwento kay Tatang? Pati raw'long coffee shop ko binabatikos mo na rin sa mga sinusulat mo sa magasin n'yo. Kesyo umasenso ka na't staff writer na."
"Hindi."
"Anong hindi. Ano ba talaga ang nangyari? Nagpustahan tayo isang Mayo beinte uno, dahil nakakita tayo ng maraming patay sa kaisada. Saka umatras kami, laro lang naman iyon. Pero ikaw, maski anong gawin mo, ginagawa mong totohanan. Ba't mo 'to ginagawa sa amin, Rico, ba't mo kami nilalayuan ngayon?"
"Di rin kita maintindihan, Rol, pero isang bagay ang naiintindihan ko na ngayon. At totoong may Hkinalaman dito sina Tatang at ang welga sa aming opisina. Sawang-sawa na ako sa walang
angyayaring magdamagan nating pagbubumabad sa iyong shop, nagbibilang ng mga bote ng beer,
nagkukuwentuhan ng mga hinagpis, na paulit-ulit naman, salita nang salita tungkol sa mga obra inaestrang isusulat pero wala namang maibuga kundi pulos buntung-hininga. Gusto ko namang may magawa, may maitulong sa iba."
ye, Parang pagong na umusad ang mga sandaii at nag-alumpihit ako sa upuan. Muling nagkuwento si gpreddie, di na mapigilan, tunQkol sa obra maestrang sinusulat niya, honest talaga, Rico, meron, gusto ko patunayan ke Papa na may mangyayari din naman sa akin kahit wala siya. Nakamata lang naman Bong sa kisame at pinaiikut-ikot naman ni Rol ang sa yelo sa baso ng beer. Saka bigia na lamang, laramdaman kong nakayupyop na sa baiikat ko si reddie, ang iyaking si Freddie, humahagulgol, niyuyugyog ang buong katawan. Gusto ko uling makapagsuiat, brod, singhot niya, gusto ko uling makapagsulat'.
Nang gabing iyon, apat na taon na ang nakalilipas, ng kamatayan ni Tatang, lumabas ako ng coffee na kasama si Freddie, at di na kami bumaiik pa. at nagsimula ang iahat sa pagtalikod ko sa coffee shop. Kasama ang susuray-suray na si Freddie, na namumula na sa kalasingan at
hihikbi-hikbi pa rin noong gabing iyon. Dinala ko siya amin. Pinahihiga ko siya sa kama noon, pero Jmatigas ang ulong umiling-lling siya. Parang si Tandang Senyong. Pinaupo ko siya, pinunasan, kiriuwentuhan nang Kinuwentuhan. Tungkol sa napakabait na si Tatang at sa ginawa niyang pagkupkop sa mga matatandang probinsiyanong kagaya ni Tandang Senyong. Tungkol sa aming Sbayan sa BIkol at sa mga relihiyosang manang nito. Tungkol sa pagkababait na mga kasamahang manggagawa sa welga namin sa paiimbagan. Tungkol sa kuwento kong di ko pa rin matapus-tapos dami ng mga natutuklasan kong bagong kaalamang nais kong mailagay doon. Tungkol sa isang samahan ng mga progreslbong manunuiat na kong samahan para '.along makatuiong ako sa pagbabago ng isang sistemang nang-api sa mga Tatang at Tandang Senyong at mga kapwa ko nagtatrabaho sa aming magasin.
Saka napatigil ako, nagsasalita si Freddie, paputol-putol, parang bata na nakalungayngay ang
sa baiikat habang sumusubo ang bibig sa alak. ikinukuwento na lumayas siya sa kanilang asyenda, di na siya babalik pa. Nakaaway daw niya ang Papa niya nang bugbugin nito sa harapan niya ang isang kasama. Bago nahambalos ng Papa niya ang matandang kasama'y nadaluhong na niya ang Papa niya, at naitulak. Humihingal ang matabang katawang
napasadsad ito sa dingding. Tumilapon sa sahig ang kuwako. Saka di makapaniwalang napatingala na lamang sa anak.
"Di na ako uuwi pa sa amin," ani Freddie. Kinaumagahan noon, apat na taon na ang nakararaan, isiiiama ko siya sa aming welga, sa aming welga na maaring natalo nga, na kagaya ng
kadalasang nangyayari, sapagkat lahat kami sa paiimbagan ay pawang nagsisimula pa Samang matuto ng mga ganitong bagay, at ang management ay may mga katuiong na puittiko sa gobyerno't napakadaii sa kaniia ang paghakot ng mga tatuang scabs na sumira sa aming welga. Pero ang mga natutuhan ko at ni Freddie sa iiang iinggong pagwewelgang iyon, at maging ang mga natutuhan din ng mga kasama kong manggagawa doon, ang natutuhan namin sa isa't isa. ay di matutumbasan, naisip namin, ng ilan taon mang pagbabasa ng magasing iyon. Lalo na sa amin ni Freddie, na bilang manunulat ay noon pa iamang, 1967 at noon pa lamang, gumawa ng mga una naming mabubuway na paghakbang sa pagkamulat.
1967 noon at 1971 na ngayon. Sa pagitan ng mga taong umusad ay napakaraming pangyayari ang
pumagitna, pero para sa akin, at kahit na kay Freddie, kailanman ay di natabunan ang alaala nina Tatang at ng unang larawan ng pang-aaping sinagisag niya sa akin. Napakarami na rin naman ng mga kuwentong nasuiat ko mula noon, at may mga gabi, kapag himbing na himbing na si Freddie, sa pagkakaupo ko sa harap ng makinilya ay muling sisibasibin ako ng pagnanasang sana'y makita kong muli si Tandang Senyong, sana'y maakbayan ko siyang muli para maipaunawa ko sa kanyang nagsisisi na ako sa ginawa kong paggamit, at pagsasamantaia, sa kanya noon, para maipaunawa rin sa kanyang aiam ko na ngayong higit na mahalaga kaysa sa materyal ng kuwento't sa pinunit na manuskrito ay ang tao, ang tao.
Kahapon, napagawi kami nl Freddie sa kaisada ng. Pasay na kinapasiangan sa mga tauhan ni Tatang noon, upang muling salubungin ang madaling araw doon matapos ang pagsama namin sa isang overnight vigii sa Plaza Miranda para sa mga napatay na demonstrador. Napatigil kami sa harap ng coffee shop ni Rol. Nakasara na ito, at sa malas ay di na mabubuksan pa kailanman. Napakarami nang mga nakapakong playwud sa harapan, na kinasusulatan ng kung anu-anong malalaswang salita. Hang linggo pa lamang ang nakalilipas nang mabalitaan naming ang may-ari nitong si Rol, ang aming si Rol, ay natagpuang patay, parang batang nakasukot, sa Ang sumusunod ay isang diary entry ko noong 1971 matapos ang first draft ng "Si Tatang."
Ang unang kapansin-pansin sigurosa"Si Tatang" ay ang pangyayaring ang binigyang-diin ko
dito ay ang maintindihan ito kaagad. na ang malalabo at maliligoy na paraan ng pagsusulat ko noon. Di na baleng di malaman ng iba kung ito ay maikling kuwento nga o artikulo o talambuhay o reporting o documentary. Ang importante ay may mga sinasabi ako, at maintindihan ito ng babasa. Kaya wala na ring halaga sa akin kung wala sa kuwentong ito ang mga lumang katangian ng isang maikling kuwento na natutunan ko sa mga writing classes: isang unified emotion, halimbawa, o unified plot, o peculiar character na ang buhay lamang niya ang iniikutan ng kuwento. Sa "Si Tatang" ay napakaraming plots, na pawang di naman lubusang binigyang-wakas. Hiwa-hiwalay at yugtu-yugto pero magkakakonekta ang mga pangyayari. Matapos ang bawat pangyayari ay ipinaliliwanag at sinusuri ang kahulugan. Ibig sabihin, matapos ang isang kongkretong aksyon ay isang abstraksyon naman tungkol sa pangyayaring ito. Naipakikita ang praktika sa isang insidente. saka ang abstraksyon nito sa isang teorya. Nagsasanib ang estilong kuwento at journalism. Ang kaibhan nga lang, ang writer sa journalism ay ginawang isang tauhan din sa kuwentong tto, kaya habang sinasala niya ang mga pangyayari sa palibot niya para lalong maintindihan ito ng mambabasa, ay sinasala din siya't sinusuri rig mambabasa. Wala na rin sa "Si Tatang" ang dating baha-bahagdan ng mga pangyayari hanggang sa climax, at saka denouement. Ayaw ko na ng dating pagpupurga ng emosyon ng mambabasa. Di tuloy siya makapag-isip. Masisiyahan na siya at makakahinga pagkatapos ng kuwento. Tapos na pala. E ang totoo'y di pa naman tapes. Simula pa nga lang siguro. Played down ang mga emosyonal na insidente sa kuwento. Paano makapag-iisip nang maayos ang
mambabasa kung nalulunod siya sa emosyon? Kaya sa halip ng dating endlng-binugbog si Tatang sa mental hospital at namatay- pinasadahan lang nang konti ang pagkakabugbog at napunta lahat sa isang rasyonal at parang artikulong pagsusuri sa resulta ng pagbugbog. Pero naririto pa rin ang dating kaisahan ng mensahe sa isang maikling kuwento. Dito, ang tinutukoy ay ang iba't fbang anyo ng karahasan mula sa matagal at di nakikitang karahasan sa mental hospital, hanggang sa subtle at sophisticated na violence ng isang manunulat na gumagamit lamang sa kanyang mga tauhan para sa sarili niyang advancement, hanggang sa violence na hubad at bulgar ng estado, hanggang sa violence sa sarili ng mga escapists sa coffee shop. Ang mgadetalyeng ginamit ko tungkol sa buhay ng narrator na si Rico ay tptoong mga nangyari sa akin. Gayundin ang mga detalye tungkol kay Tatang. Ang fictional ay ang pagtatagpo namin. Nalaman ko na lamang ang nangyari kay Tatang de los Santos
nang mabasa ko sa diyaryo. Nagsaliksik ako at ininterbyu ko ang asawa niya at ibang mga nakasama nfya. Fictional din ang character nl Tandang Senyong.
ilalim ng isang silya doon, uminom ng sobrang sleeping tablets. "Namatay na sila, si Rol at ang coffee shop," aniko habang lumalakad kaming palayo.
"Namatay na ang magandang kandila sa mesa," ani Freddie. "Ang subo ng beer, ang mga gabing ayaw umalis, ang mga tulang umiiyak, wala na silang lahat. Kahit siguro si Bong wala na rin."
"Pero naririto pa rin tayo," aniko.
"At ang mga bagong akda natin," nakatawang wika ni Freddie.
"At ang mga welga at piket."
"At ang mga plakard at demonstrasyon."
"At ang mga kasamahan nating naghihintay sa headquarters."
"At ang Simula ng pagkamulat."
"Paalam," ani Freddie, "paalam sa lahat ng coffee shops sa buong mundo." Saka parang komikong sumaludo pa siya. At nagpatuloy kami ng paglalakad, pabalik sa aming mga kasamahan sa headquarters, apat na taon na sa pagkamulat at maaaring di na muling makakita pa ng Tatang at Tandang Senyong at ng gaya nilang mga tauhan ng aming kuwento - mga tauhan din ng aming pagkamulat - sa mga madaiing araw ng beinte-uno ng Mayo sa aming paglalakad sa
mga kaisada ng Pasay pero panatag na ang aming loob, panatag na ang aming loob sa pagkaunawang nagsimula na, napakaganda't nagsimula na, bilang mga manunulat, ang aming paglaya.
1971
Oktubre 8-15 Asia-Philippines Leader
No comments:
Post a Comment