Ang Tigre at ang Matalinong Lobo
Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol.
"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"
"Bakit?" tanong ng tigre.
"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin . Parurusahan ka Niya."
Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!"
"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at patutunayan ko sa iyo!"
Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.
Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot.
Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"
Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at hindi sa lobong matalino.
No comments:
Post a Comment