Wednesday, May 13, 2009

Ang Ibon at ang Kanyang mga Inaakay

Ang Ibon at ang Kanyang mga Inaakay


Isang ibon ang nangitlog ng huli sa panahon na naninirahan sa isang maisan na malapit nang anihin.

Nagsimula siyang mag-alala nang maisip niyang nalalapit na ang anihan ngunit ang kanyang mga inakay ay hindi marunong magsilipad.

Sa tuwing siya'y umaalis sa kanilang pugad lagi niyang binibilin sa kanyang mga inakay na palaging talasan ang kanilang nga pandinig, at sa kanyang pagbalik ay sabihin sa kanya kung ano man ang kanilang mga narinig.

Isang gabi sa kanyang pagbalik sa kanyang mga inakay naabutan niya ang mga itong takot na takot.

Nagsalita ang nakakatandang inakay: "Sinabi ng may-ari ng taniman ng mais sa kanyang anak na tumawag na ng mga kaibigan upanng masimulan na ang pag-aning mga mais."

"Iyon lang ba? Nakangiting sabi ng inahing ibon. "Huwag kayong mangamba makikita n'yo at walang mangyayari."

Kinaumagahan wala ni isa man sa mga kaibigan ng may-ari ang dumating. Sa pangalawang pagakataon muling nagpadala ng mensahe ang may-ari ng maisan sa kanyang mga kaibigan na tulungan silang anihin ang mga mais. At muli hindi man lang nag-alala ang inahing ibon sa narinig. Hanggang sa isang araw ay narinig niya ang may-ari ba sinasab sa anak nitong: "Matagal na ang isang linggo sa paghihintay. Bukas pupunta na tayo sa bukid upang anihin ang mga mais. Pag may trabahong dapat gawin, hindi dapat umasa sa kaibigan na gawin ito para sa iyo."

Noon lang nagdesisyon ang ibon na tuluyan nang lisanin ang lugar. Lumakas na ang kanyang mga inakay at kaya na ng mga itong makalipad sa tagal ng kanilang paghihintay. Ngaun may sapat na silang lakas upang lumikas na at maghanap ng mas ligtas na lugar para sa kanila.

No comments:

Post a Comment