PAGLALAKBAY
ni Glyza Resabal
Isang napakagandang sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Lumabas ako mula sa kwarto at nakita ko ang mga bumubukadad na bulaklak sa hardin sa labas ng aming bahay. An g bahay naming ay yari sa kahoy at napapalibutan ng mga halamang namumulaklak na pinaghirapang itanim ng aking ina.
Nakita ko si mama sa may hardin at abalang-abala sa pagdidilig ng mga halaman. Napalingon si mama sa akin na nakatayo malapit sa pintuan ng aming bahay. “o, nak, gising ka ana pala?”
“Sa’n sina papa at kuya Jun?” ang aking tanong na may ngiti sa aking mga labi.
“Ang kuya mo ay nasa likod ng bahay nagbubungkal ng lupa para ilibing ang pusa na namatay. Ang papa mo ay nasa kusina naghahanda ng ating almusal.” Sagot ni mama habang nakayuko na kinukuha ang patay na dahon sa halaman.
“Ma, aalis po ako mamaya kasama ng mga kaibigan ko. Pupunta kami sa beach.” Wika ko na may himig paglalambing.
“Hay naku! Palagi ka naman ganyan eh… Mas pipiliin mo pa makasama ang mga kaibigan mo kaysa sa amin.” Wika ni mama na parang hindi ko alam kung sasang-ayon.
“Hala sige, kumain ka muna bago ka aalis.” May himig na kasiguraduhan na pumayag.
Puno ng tuwa ang aking mukha nang pumayag si mama sa pagsama ko sa aking mga kaibigan. Agad-agad akong naghanda ng mga gamit na dadalhin para sa outing sa beach. Pagkatapos kong maghanda at kumain umalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng aking kaibigan na si Jhona. “Anong oras ba talaga alis natin patungo sa beach?” tanong ko kay Jhona.
“Pagkompleto na tayo dito.” Sagot ni Jhona.
“Ay naku! Ang tagal pa ng mga yun. Sigurado darating ang mga yun pasado alas-onse! Logi na tayo sa oras ng ating pamamasyal.” Sabi ko na may tinig pagka-inis dahil sa pagiging excited.
“Maghintay na lang tayo dito. Dadating din ang mga yun maya-maya.” Sagot ni Jhona.
Eksaktong alas-diyes ng dumating ang mga kasama naming sina Gian at Janeth. Umalis kami sa bahay nina Jhona sakay ng L300 van na pagmamay-ari ng pamilya ni Janeth. Nang Dumating kami sa beach puro kayuwaan ang nasa aming isipan. Sabuyan ditto sabuyan doon ng tubig dagat na kung tatama sa aming mga mata ay napakahapdi ngunit baliwala ang hapdi dahil sa mga tawa na lumalabas sa aming bibig dulot ng kasiyahan na aming nararamdaman. Patuloy parin ang kulitan hanggang sa oras ng kainan.
“Hoy! Lawrence hinay-hinay sa pagsubo baka hindi na kami makakain dahil inubos mo na!” Pagbibirong sabi ni Janeth.
“Tumigil ka! Ikaw nga riyan ang may mas malaki na katawan sa atin. Kung ikaw ang kakain tiyak ubos ang pagkain.” Nakatawang sabi ni Lawrence.
“Kayong dalawa. Tumigil na kayo para mabusog tayo sa pagkain at hindi sa hangin na pumapasok sa ating bibig dahil sa katatawa.” Sabi ni Jhona na pinatitigil ang dalawa dahil baka mauwi sa away ang pagbibiruan.
Madilim na nang ako’y nakauwi sa bahay. Madilim ang paligid at walang ilaw ang bahay nang aking madatnan. “Ma… Pa…” tinawag ko sina mama at papasabay bukas ng ilaw, ngunit, walang sumagot. Dumungaw ako sa may bintana at tumingala sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin na kumikislap sa kalawakan. Naisipan kong umupo malapit sa bintana upang makita ang napakagandang mga butuin habang naghihintay sa mga kasambahay.
“Panginoon, ang ganda talaga ng langit.” Wika ko habang nakatingin parin sa kalangitan.
“Diyos ko salamat at napakabuti mo talaga sa akin at binigyan ninyo ako ng masaya at magandang araw.” Ang aking sabi na tila nakikipag-usap na kaharap ng personal ang Diyos.
Napatingin ako sa aking relo. Alas-otso na ay wala parin sina mama, papa at kuya. Hanggang naisipan kong umalis ng bahay upang hanapin sila.
Napakadilim ng ng paligid sa labas ng bahay. Nakita ko ang ganda ng mga alitaptapna lumilipad-lipad sa paligid. Nakaka-aliw tingnan at naisipan kong hulihin ang alitaptap na lumapit sa akin. Sinundan ko ang daan na kung saan mayroong maraming alitaptapat sa aking paglingon.
“Bakit hindi ko Makita ang ilaw ng aming baha?” tanong ko sa aking sarili na may pagtataka. “Aaaahh… Baka brownout kaya nawala ang ilaw.” Bulong ko sa aking sarili.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. “Magandang gabi ho…” sabi ko ng makasalubong ko ang isang matandang babae.
“Magandang gabi din naman.” Sabi ng matanda na uugod-ugod sa paglalakad.
“Sa’n ho ba akyo galling?” tanong ko.
“Du’n sa may pampang merong nahulog na bus doon at napakaraming patay.” Sagot ng matanda na hagarhal ang tinig.
“Mabuti naman po at sa tanda n’yong iyan ay nakapunta pa kayo sa may pampang?” ang sabi ko na may himig pagbibiro.
“Ikaw, Sa’n ba ang punta mo?” tanong sa akin ng matandang babae.
“Hinahanap ko po sina mama, papa at kuya kasi wala sila sa bahay pagdatring ko kanina…”
“Hala sige, mag-ingat ka dahil marami ka pang dapat harapin sa iyong paglalakbay.” Sabi ng matanda na may pagbabala.
Nagpatuloy na naman ako sa aking paglalakad kunot noo kong iniisip ang sinabi ng matanda. Habang naglalakat ako, natapakan ko ang dumi ng kalabaw. “Eeeeewwww….” Ito na marahil ang ang ibig sabihin ng matanda. Pagtingin ko sa aking harapan isang aso ang kumakahol at galit na galit ang mukha na humarap sa akin. Wala akong maisip na paraan kundi ang tumakbo at hinabol ako ng aso hanggang napunta ako sa isang maliit na kuweba at naisipan kong magtago doon. Sumilip ako sa labas ng kuweba na aking pinagtataguan at nakita ko na papalayo na ang aso. Naisipan ko na magpahinga muna. Napapikit ang aking mga mata nang isandal ko ang aking ulo sa bato. Bigla akong napadilat nang may ,alamig na bagay ang gumagapang sa aking hita. “Tulong… Tulong… Diyos ko…” Sigaw ko habang hindi makagalaw dahil sa panginginig nang Makita ko ang isang ahas. Nilabanan ko ang takot sa ahas at hinawakan ko sa aking dalawang kamay ang ahas at itinapon sabay takbo. Tumakbo ako nang tumakbo ang lakas ng tibok ng aking puso. Sa aking pagtakbo hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may pampang kung saan nahulog ang nasabing bus. “Toto nga ang sinabi ng matanda.” Bulong ko sa aking sarili. Bigla akong nakadama ng takot at kaba sa dibdib nanginginig akong makita ang hitsura ng bus. Sumisigaw ako at umiiyak nang makita ko ang isang traveling bag ni mama na nakahilera kasama ang mga gamit ng mga pasahero di-umano ng bus.
Takot at panginginig ang aking nararamdaman sa panahong yaon at sumigaw, “ang lupt mo Panginoon! Bakit ganyan ka?! Matapos mo akong patikimin ng kaligayahan bakit bigla mo na lang babawiin ang ibinigay mong kasiyahan!”
Pppaaakkk…..! Isang napakalakas na sampal ang ang tumama sa aking pisngi at napdilat ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ni mama na galit na galit. “Anung nangyari sa’yo?!… Alas-diyes na ng umaga! Bumangon ka na dahil gising na ang buong Pilipinas at nandyan ka pa rin sa kama! Letche!
“Aray…..!”
No comments:
Post a Comment