Kahirapan, Nasaan Ang Kaligayahan
ni Lonnie Perocillo
Lahat ng tao sa daigdig ay may iba’t ibang pangarap, mga mithin, karanasan, pag-uugali at prinsepyo sa buhay. Ang buhay na ibiniyaya ng Diyos sa tao ay nasa puso. Ang buhay na ito ay nararamdaman sa pamamagitan ng pintig. Ang damdamin ay nasa lahat ng bahagi ng katawan. Ang diwa ang siyang nag-iisip sa lahat ng ginawa ng tao. Ang budhi at kaluluwa ang siyang pumapatnubay at umaayon sa lahat ng iniisip, dinaramdam, ikinikilos at ipinapasya ng tao. Kung ito man ay mabuti, masama o labag sa kautusan ng Diyos siya na ang bahala.
Ang tao ay hinubog sa anyo ng kanyang sarili at ipinagkaloob ang lahat ng katangiang napasakanya upang siya ay maging matibay, hindi marupok. Upang siya ay maging matatg sa harap ng tukso sa lahat ng sandali.
Huwag sabihin na siya nay tao lamang kaya siya’y mahina sa tukso. Huwag sasabihin na hindi siya makaiwas sa pagkakamali sapagkat ang pagkakamali ay likas sa tao. Huwag ding sasabihing siya’y aasa na lang sa kapalaran, Diyos na ang bahala at pagkatapos, siya ay magkakasiya na lamang sa ano mang mangyari. Ang ganoong ugali ay tiwali at labag sa kagustuhan ng Diyos. Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng buhay, damdamin, diwa, budhi, at kaluluwa upang siya ay makapag-isa at makapagsarili sa daigdig na ito. Ang mga ito ay dapat niyang gamitin sa pagharap at pakikibaka sa buhay. Ano man ang iyong magiging kalagayan, ano man ang iyong magiging suliranin, ang mga ito ay gagamitin sa paglutas sa mga bagay na susubok sa iyong pagkatao.
Bilang isang tao ay may marami ding mga pangarap sa buhay. Mula nang siya’y musmos pa, ay pinangarap na niyang maging mabuti, mabait, at isang alagad ng Diyos, at siyempre ang makatapos sa pag-aaral at makakuha ng mabuting trabaho na kahit maliit lang ang sahod ay nakakaahon din sa kahirapan. Dahil sabi nila, “hindi ang pagtaas ng tungkulin o sahod ang tunay na tagumpay sa buhay kundi ang pagkakaloob sa kapwa ng iyong tampok na talino at pagpapakasakit”. Ito ang kanyang prinsepyo sa buhay.
Noong siya,y ipinanganak sa Cabadiangan Kadingilan Bukidnon sa taong 1987, Enero 26, sa panahong nagbabagahan ang giyera, doon nagsimula ang kwento ng kanyang buhay. Sa mga nag-iigtingang galit ng mga tao, sa kaguluhan ng kapaligiran, sumabok ang isang pook na puno ng kalungkutan na dati’y puno ng kasiyahan kaya, sila’y napadpad sa lugar ng Iligan na kung saan sila ay naninirahan. Nagsimulang namuhay at nakikisalamuha sa mga taong nakapaligid hanggang siya’y lumaki’t nagkaron ng kamalayan at nag-aaral ng Grade I.
Noong nag-aaral siya ng Grade I, ni kahit iisang peso ay wala siyang baon. Sa tuwing break time, naglalabasan na ang mga kaklase niya,t nagsipag-kainan sila sa kanyang tabi ng mga masasarap na pagkain, samantalang siya naman ay nasa tabi nila, nanonood at nakikinig sa kanilang mga usapan.
Arceli: O!.. Lonnie, bakit ka nandiyan? Hali ka! Sabay tayo. Anong kakainin mo?
Lonnie: Ha?..Hindi, okey lang ako dito. Busog pa ako.
Arceli: Sige na samahan mo ako, ako lang mag-isa e…Huwag kang mag-alala ililibre kita.
Lonnie: Ikaw naman…mahiya na ako sayo. Sige na nga! Salamat ha?......
Nararamdaman niya ang hirap ng kanilang buhay. Alam niyang siya’y kabilang sa mga mababang uri ng lipunan kaya hindi siya mapalagay na sumama sa mga kaibigan niyang nasa mataas na uri.
Mahirap talaga ang buhay nila. Ang mama niya ay nasa bahay lamang, nagtitinda ng kaunti, at ang papa niya ay isang construction worker. Anim silang magkakapatid at si Lonie ang panganay. Pero sa tulong ng Diyos, kahit na mahirap sila ay nakakaraos din. Nakapag-aral din silang magkakapatid dahil rin sa tulong ng ante nila.
Mula nang siya’y nakapagtapos ng elementarya sa Kabacsanan Elementary Schol, pumunta siya sa Cagayan upng doon niya ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Doon siya nakatira sa bahay ng kanyang lola at lola niya ang nagpapaaral sa kanya. Pinapaaral siya ng first year high school sa Cugman Anex High School Cagayan De Oro City.
Magaan na
Jeje: Ma! Bakit ikaw ang gumastos kay Lonnie? Dagdag lang iyan sa mga problema mo!
Reme: Ay!...sige lang! kawawa namang hindi siya makatapos sa kanyang pag-aaral. Tutulungan na lang natin dahil hindi kayang tustusan ni Nestor ang mga anak niya.
Jeje: pero ma?..Hindi ako papayag! Napaka-unfare naman!
Reme: Pero wala natayong magagawa! Nandito na si Lonnie! At kagustuhan kjo rin na tulungan ko siya!
Jeje: Basta! Hindi ko gustong ikaw ang gumastos sa kanya!
Masyado talaga silang mapagmataas, kaya sila ganito, dahil sa lahat ng kapatid ni Nestor, si Nestor lang ang naghihirap at siya din ang may maraming mga anak. Pero mabait naman si Nestor, masipag, mapagmahal sa aswa’t anak. Mas mabuti pa ang ibang tao kaysa sa mga kapatid ni Nestor. Hindi nila alam na ang buhay ay weather-weather lang.
Nakasalalay ng Maykapal ang buhay ng tao. Siya lamang ang may kapangyarihang bawiin ito. Maaaring buhay na buhay ka ngayon, maligayang nakikipagsaya sa kapwa mo, ngunit di mo inaasahang sa isang iglap ay binawi ng Panginoon ang ipinahiram Niyang buhay sa iyo, kaya kailangang maging handa sa lahat ng sandali. Kung kaya mong magpaligaya sa kapwa mo, gawin mo habang ikaw ay nabubuhay. Maging bukas ang puso’t damdamin sa mga taong nangangailangan. Anong malay mo, baka bukas ay kunin Niya ang buhay mo. Lahat ng tao. Bata, matanda, binata,, dalaga, may asawa o wala ay dapat maging handa sa ganitong pangyayari.
Mula non umuwi si Lonie sa Iligan. First year high school lang ang natapos niya doon, at doon siya nagpatuloy sa kanyang pag-aral sa
Simula non, inerekomenda siya ng kanyang kaibigan ni Dr. Alita T. Roxas, Dean ng CBA ngayon. Kasi na rin sa kaibigan niya ay working student din sa kapatid ni Dr. Roxas na si Wenny Isla isang Dr. din ng Math sa CSM.
Sa kabutihang palad, siya’y napunta sa napakabait at napakaunawaing tao na si Dr. Roxas. Sa tooo lang, natatakot siya dahil hindi pa niya alam ang kanyang gagawin, pero sa kalauna’y natutunan din niya. Sa tuwing nagkamali siya, hindi ito pinagalitan ng kanyang amo. Itinuturing din niya itong pangalawang magulang at tinuturing din siya bilang isang anak. Samakatuwid, bahagi na siya ng kanilang pamilya.
Nasa ikatlong taon siya noon sa high school. Nag-aaral siya sa gabi at pagkaumaga ay nagtatrabaho. Sa totoo lang mahirap talaga ang working student dahil kailangan mong unahin ang mga gawaing bahay, kung ano ang iutos ng amo ay kailangang sundin o gawin agad at saka na mag-study kung tapos na lahat ang mga gawain. Pero sa kabila ng lahat, nalampasan din niya. Minsan kahit naglalaba siya, at the same time nag-aaral lalo’t na’t may exam. Pero ang mga paghihirap na kanyang naranasan ay nagbubunga naman. Sa awa ng Diyos siya’y nakatapos ng high school.
Nang nagsimula na siyang nag-aaral sa kolehiyo, tumitindi ang kanyang paghihirap. Makakatulog siya ng alas 2:00 ng gabi dahil nga sa may marami pang mga aasikasuhin, magpaplansa pa ng mga uniform at pagkatapos mag-aaral. At kailangan pa siyang gumising ng maaga upang magluto ng pagkain at maglalaba.
Ang pinakaayaw lang niyang trabaho ay magplansa. Dahil para sa kanya iyan ang pinakamatagal niyang matapos na trabaho. Aabutin siya ng siyam-siyam, dahil ayaw na ayaw ng kanyang amo ang damit niyang kahit may isang gusot. Ipapaulit talaga niya. Minsan nga tumutulo na ang kanyang mga luha sa daming paplansahin lalo na’t ang pinakamarami ay damit sa kanyang among babae. Hindi niya mapipigilan ang kanyang sarili sa pag-iyak lalo na’t pagod na pagod siya at kailangan talaga niyang mamalansa, at nagkataon pang may exam siya pagkabukas sa Math 1, at tuluyan na siyang nabagsak. Pero kasalanan din niya ang nangyari dahil sinabihan siya ng kanyang amo na sa araw ng may exam siya, hinding hindi siya magtatrabaho, pero ang tigas ng kanyang ulo sa kadahilanang mahihiya siya kung wala siyang gagawin sa loob ng isang araw.
Minsan may mga problemang dumating. Ang prolema ay bahagi ng tao. Ito ang tulay ng tao tungo sa kanyang kinabukasan. Pero sa lahat ng mga probemang dumating sa kanyang buhay ay nalampasan din niya ito, minsan nga nawalan siya ng pag-asa dahil akala niya di niya ito kaya
Nanatili si Lonnie sa kanila hanggang sa ikatlong taon sa kolehiyo pero ngayon wala na siya sa kanila, nagpapaalam siya ng mabuti n asana maunawaan nila ang hirap na nararamdaman ni Lonnie, at nais na niyang magpahinga. Kaya ang Ante na lamang ni Lonnie ang nagpapa-aral sa kanya ngayon sa kadahilanang naawa ito sa kanya.
Ngayon ay malapit na siyang makatapos sa pag-aral pero hindi pa niya masasabing siya’y nagtatagumpay dahil hindi pa niya alam ang takbo ng kanyang buhay. Kahit magiging guro na siya o kaya’y isang punong guro o tagapagmasid ay hindi pa niya masasabing siya’y nagtatagumpay. Nalalaman niyang ang tagumpay ay maaari lamang niyang makamit kung ang layunin niya sa araw araw ay dakila, kung dapat siyang magmahal at minahal naman ng mga batang kanyang tinuturuan sapagkat nakikita niya sa kanila ang tampok na larawan ng Diyos, kung siya ay naging mapalad at maipagkaloob sa kanila ang tumpak na hiyas ng kanyang talino at mga pagmamalasakit, at higit sa lahat kung siya ay tapat sa kanyang layuning mabuksan ang kanilang kaisipan na katulad ng sa kanya ay kumilala, naglilingkod at dumarakila sa kanya.
No comments:
Post a Comment